Chapter One

6.9K 115 22
                                    

 


Few months ago...

"Harder, Stan! Yes. More, more! Aaah!"

Tinakpan ni Henri ng mga kamay ang magkabilang tenga saka siya padarag na nagmartsa palabas ng kanang unit ng duplex na siyang kanyang tirahan.

Argh! Kailangan na yata ipa-soundproof ang mga dingding! Hindi na niya kaya ang mga naririnig na ingay sa kabilang unit sa tuwing pumaparoon si Stan, ang boyfriend ng umuupa doon. Malikot pa naman ang imahinasyon niya, kaya sa tuwing may naririnig siyang sounds ay awtomatikong gumagana ang kanyang utak at kung anu-anong nakakalokang eksena sa s*x ang naiisip niya.

Damn! That Stan guy must be really, really good in bed, huh? Imagine, parang sa mga p*rn stars talaga kung makahalinghing at makasigaw si Joyce, ang occupant ng kabilang unit ng duplex na pag-aari ng kanyang pamilya.

Mahigit isang buwan na si Henri sa duplex, pinalitan niya doon ang kanyang Ate Melina na nagbalik-bahay sa tahanan ng kanilang mga magulang. Cool-off daw muna ito at ang boyfriend nitong si Duncan. Daming arte! E, si Duncan na nga ang nakatadhana talagang mapapangasawa ni Melina, ayun sa panaginip nito noong bisperas ng ika-dalawampu't limang kaarawan nito, ang panaginip na hatid ng isang mahiwagang kumot na ginamit nito sa gabing iyon.

And Henri was being scared for the thought of using that quilt.

Paano kung hindi niya gusto ang lalaking mapapanaginipan niya? Paano kung tatlo ang mata niyon? O mukhang kuhol o butiki? Baka matandang uugod-uugod?

Sh*t, I'm so morbid!

Huminga siya nang malalim at sumagap ng sariwang hangin mula sa porch saka siya humalukipkip. Ang totoo ay natatakot lamang siya sa maaaring mapanaginipan dahil iisa lang ang lalaking gusto niyang makita doon. Si Ronel.

Napalingon siya sa kaliwang unit nang narinig niyang bumukas ang pintuan niyon. Lumabas mula roon ang isang matangkad na lalaki, naka-itim itong maong na medyo hapit sa mahahaba nitong hita at binti, wala itong damit pang-itaas.

Sa loob ng dalawang linggong pangungupahan doon ni Joyce ay ngayon lamang nakita ni Henri ang boyfriend nito. Si Melina noon ang nakausap ng magnobyo. Out of town siya nang mga panahong iyon, kasama ang kanyang best friend na si Ronel; nagpunta sila ng Albay para makita ang Mt. Mayon.

Naririnig lamang ni Henri ang boses ni Stan minsan, sa tuwing nag-aaway ito at ang nobya. Hindi lang sa kama maingay si Joyce kundi bungangera din talaga ito. To think that Joyce was so petite. Hindi niya alam kung paano ito nagkaroon ng ubod ng laking boses. Parang boses ng malaking tao! Gusto niyang matawa dahil ngayon lamang niya natanto na baliktad sila ng boses ni Joyce. Bedroom voice daw ang dating ng boses niya, laging ibinibiro sa kanya ni Ronel. Nakakapeke daw kapag kausap siya nito sa telepono. Hmp! Bakit, dahil nai-imagine nitong sa isang s*xy na babae ang boses niya?

Tapos na ang bedroom acrobatic, naisip ni Henri na pigil-pigil ang pagngisi. Ngunit ang pagngisi lamang ang napigilan niyang gawin, hindi niya napigil ang mga mata na tumingin sa magandang tanawin.

So, this is Stan...

Guwapo ito, hindi masyadong matapang ang facial features kahit masculine ang dating. Mukhang mabait. Maganda ang tindig ng lalaki, husto sa sukat ang katawan. Mukhang alaga sa exercise o diet, o, natural lamang siguro iyon dito. May mga taong nabiyayaan ng mabilis na metabolism at hindi tumataba kahit panay ang lamon; and sad to say, hindi siya kasali sa mga pinagpalang iyon. Tulog siya't nakatalukbong ng kumot at nakakulambo pa nang magsabog ang Diyos ng fast metabolism.

Dreamlovers: Stan and Henri (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon