Chapter Two

4.7K 97 9
                                    



"OBVIOUS ba talaga?" nakangiwing tanong ni Henri kay Lacey, assistant manager nila ni Melina sa Stardust.

Umiikot-ikot muna ang eyeballs ni Lacey na parang may saping masamang ispiritu bago siya nito sinagot. "Like, duh! Matagal na po! Ikaw lang naman itong hindi umaamin diyan."

Magdi-deny pa ba siya? Kahit ang ate niya ay matagal nang nangungulit sa kanya tungkol kay Ronel, tanggi lamang siya nang tanggi.

"Oo na," pag-amin niya.

"See? Hindi na ako nagulat," sabi naman ni Lacey.

Bumuntong-hininga siya't sumalumbaba sa mesa habang hinahalo-halo ng straw ang iniinom na bubble tea. Pag kaharap lang siguro niya ngayon si Tiya Lupe— ang pakialamerang matandang dalagang kapatid ng kanyang Papa- ay sasabihan siya nitong huwag sumalumbaba sa mesa, lalo pa't sa harap ng pagkain. Pero tapos na naman siyang lumamon. Simot-sarap na ang mga plato sa kanyang harapan, as usual. Kelan ba naman siya kumain na may tira-tira sa plato? Saka sa paglakad pa lamang mula Stardust patungo sa ikatatlong palapag ng mall kung nasaan ang food court ay doble-doble na ang gutom na nararamdaman niya.

"Ano'ng problema? Friend zone chenez?" maya-maya'y humahagikgik na sita ni Lacey sa kanya.

Henri wearily nodded her head. Sa kuwento nila ni Ronel ay siya ang best friend, hindi ang leading lady. Supporting cast lang siya kumbaga, halos extra nga lang. Hindi siya ang makakatuluyan ni Ronel sa ending. Pero papayag na lang ba siyang ganoon ang mangyari?

Nagsalita si Lacey nang hindi siya umimik. "Seriously kasi, andami namang ibang boylets diyan, bakit kay Ronel ka pa na-in love. Saka 'di ba parang nakakailang 'yun? Mag-best friends kayo. Close to incest na rin 'yun, ah."

"Loka!" singhal niya sa kaibigan. "Ano'ng incest? Hindi naman kailanman naging magkapatid ang turing namin sa isa't-isa, ano?"

"Yeah, pero kumplikado pa rin pag sa kaibigan mo ikaw na-in love, lalo pa't hindi mutual ang feelings."

"Wala nga yata akong pag-asa kay Ronel. Si Laina pa rin ang gusto niya, hanggang ngayon."

"Pikutin mo na lang!"

Pinanlakihan ni Henri ng mga mata si Lacey. "Uy, Consolacion, anong pikot? Hindi pa ako ganoon kadesperada, ano?"

"Sus! 'Yung nanay ko nga, pinikot lang ang tatay ko noon. Tamo naman ngayon, nagmamahalan pa rin sila kahit thirty years na silang kasal. Sometimes, you have to take risks in love, ano?"

Umismid diya. "Easy for you to say, hindi ka pa kasi nai-in love!"

Lumabi naman si Lacey. "Hindi ko nga ma-reach si Thor, 'di ba?" lungkot na lungkot na saad nito.

"Loka!" Tumawa si Henri. "Hanggang ngayon, si Chris Hemsworth pa rin ba ang pinapantasya mo? Mas malala ka pa pala sa akin, at least abot-kamay ko si Ronel. Ikaw ay mamamasahe pa papuntang Amerika. Saka 'di ba, may asawa't mga anak na 'yun?"

Lalong humaba ang mukha ng kaibigan. "Kaya nga, eh."

Magkaedad sila ni Lacey at sa Sakura Mall nagkakilala nang ito ay nagtatrabaho pa bilang sales lady sa department store. Tinanggap nila ito ni Melina na kaagapay sa pagpapatakbo ng Stardust dahil magaling ito sa sales talk at maganda ang pakikisama sa kanilang mga tauhan. Sila ni Lacey ang mas nagkakasundo sa kanilang tatlo dahil nagkakapareho sila ng ugali. They were both chatty, frank, bubbly and outgoing. Kabaliktaran sila ng ugali ni Melina na reserved at soft-spoken. Actually, Henri was very different from her sister, sa looks and everything. Mana kasi siya sa kanyang ama na 'cowboy', palabiro at masayahin; si Melina ay mana naman sa kanilang ina na sosyal at may finesse. Madalas ngang ibiro sa kanya ni Lacey na hindi daw siya astang mayaman, wala daw kasi sa aura niya ang pagiging elitist.

Dreamlovers: Stan and Henri (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now