Chapter Five

4.1K 86 13
                                    


HINDI sanay magising nang maaga si Henri kaya halos hilain niya ang katawan pababa ng kanyang kama nang magising siya mula sa tunog ng alarm clock ng kanyang cellphone. Kailangan niyang magkaroon ng dedikasyon at determinasyon kung talagang gusto niyang magbawas ng timbang. Isa pa, naibigay na niya ang salita kay Stan. Nakakahiyang umurong sa unang araw ng pagsama niya sa pagdya-jogging nito.

Hihikab-hikab na nagtungo siya sa kusina upang magkape. Naghilamos siya at nag-toothbrush saka nagbihis na. Wala siyang athletic clothes kaya 'yung black leggings at baggy white shirt na lang ang isinuot niya.

Nag-drive siya patungo sa meeting place nila ni Stan, sa beach na tabi ng kalsada at may malapad na sidewalk. Naghihintay na doon ang lalaki nang dumating siya.

"Sorry, late na yata ako," nahihiyang sabi ni Henri dito.

"Nah, napaaga lang ang dating ko," sabi naman ni Stan na walang bakas kahit kaunti ng pagkaantok. Nakasuot ito ng kulay dark blue na sweat pants at gray na t-shirt na hapit sa katawan nito.

Pinasadahan naman siya nito ng tingin at tumigil ang mga mata sa suot niyang mga sapatos.

"Hindi magandang running shoes ang mga 'yan," pagkuwa'y sabi ni Stan sa kanya.

"Wala akong ibang sneakers, saka komportable naman mga paa ko dito," pilit niya naman.

Nagkibit-balikat na lamang si Stan at maya-maya pa'y tinuruan siya nito ng stretching exercise bago sila nagsimulang tumakbo nang marahan.

Wala pang fifty meters ay hinihingal na si Henri. Pinilit niyang hindi ipahalata kay Stan na pagod na siya ngunit ito ang unang tumigil sa pag-jogging.

"Tired?" usisa nito sa kanya.

"H-hindi, ah," sagot niya namang hindi napigilan ang paghingal.

Tumawa si Stan. "Puwede tayong magpahinga sandali."

"You're right," pag-amin niya, bagama't nahihiya. Isabak mo ba naman kasi sa jogging ang isang taong walang naranasang anumang ehersisyo sa katawan! Hindi ba puwedeng lakad-lakad muna?

"Kamusta ang sapatos?"

"Matigas ang suwelas!" angal niya. "I need to buy a good pair of running shoes."

"Nike shoes are always good. Maganda din ang Asics at Under Armor."

"Tara na uli!" sabi ni Henri makaraan ang tatlong minutong paghabol niya sa paghinga.

"Jog with your mouth closed," paalala sa kanya ni Stan na sinunod naman niya.

Hindi pa sila nakakalayo nang bigla siyang matapilok at mawalan ng balanse. Akmang aagapan ni Stan ang pagbagsak niya ngunit ito naman ang nawalan ng panimbang sa pagsalo nito sa bigat ng kanyang katawan. Bumagsak silang dalawa, kalahati ng katawan ay nasa sidewalk, kalahati ay nasa damuhan.

Nang nagmulat si Henri ng mga mata ay natuklasan niyang nasa ibabaw siya ni Stan. Gusto sana niyang tumayo na agad ngunit tila may halinang hatid sa kanya ang pakiramdam ng pagkakadikit ng katawan niya sa katawan ng isang lalaki. Ang dalawang kamay niya ay nakalapat sa malapad na dibdib nito, at ang isang hita niya naman ay nasa pagitan ng mga hita nito. Nararamdaman niya ang... Was that his—

"Henri?"

"Huh?" Iyon lang ang tanging namutawi mula sa bibig ni Henri saka siya nag-angat ng mukha. Wala pang dalawang pulgada ang agwat ng mga mukha nila ng lalaking dinadaganan niya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga; mabango din iyon, amoy-mint.

Dreamlovers: Stan and Henri (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now