Chapter Three

4.2K 93 15
                                    



"MUKHA akong lumpia!" angal ni Henri nang tingnan niya ang sariling repleksiyon sa salamin.

Tumawa si Lacey na nakaupo sa kanyang kama. "Kala mo naman kung magsalita ay parang lumba-lumba ka sa laki. Hindi ka naman sobrang mataba, chubby ka lang!"

Umikot siya nang dahan-dahan sa harap ng life-size mirror na nakasabit sa dahon ng pinto ng kanyang silid. "Pero hindi ko pa rin bagay ang yellow dress na ito, Lacey! Just look at me! Parang... parang si Tweety Bird na namanas!"

"Fine. May iba ka pang dress?" naiinip na tanong ng kaibigan.

A-attend si Henri ng twenty-sixth birthday party ni Ronel ngayong gabi. Napagkatuwaan nila ni Lacey na mag-ayos siya't magsuot ng maganda. Magaling mag-apply ng make-up si Lacey, inaral nito ang iba't-ibang paraan sa YouTube. Sa ginawa nitong contouring at highlighting ay naging payat ang itsura ang kanyang mukha.

Pero isang oras na sila sa kanyang kuwarto ay wala pa rin siyang napipiling suotin sa mga binili nilang damit.

"Ito na lang may mahabang skirt," sabi niya at dinampot mula sa kama ang isang itim na damit. Off-shoulders ang pang-itaas niyon at flowing ang lampas-tuhod na palda.

"Dali na!" tili sa kanya ni Lacey.

Mabilis naman siyang nagpalit uli ng damit. "Black is beautiful," usal niya at tumayo nang diretso sa harapan ng salamin.

"Yup, you can never go wrong with black," sang-ayon naman ni Lacey.

"Teka, sabi mo susunduin ka ni Ronel, 'di ba? E, alas-siyete ang usapan niyo, mag-a-alas otso na!" paalala sa kanya ng kaibigan na tumingin sa wrist watch nito.

"Shit!" mura niya at mabilis na kinuha ang cellphone mula sa silver evening purse na siyang gagamitin niya ngayong gabi na terno sa kanyang mga sapatos. Tinawagan niya si Ronel na tila nagulat pa sa pagsagot sa kanya. "Ano ka ba? Akala ko ba susunduin mo ako?" inis niyang sabi.

"Sorry, I forgot! Can you just commute? 'Yung kotse kasi, gamit ni bunso, may pinuntahan sa bayan, mamaya pa ang dating."

"Okay, fine!"

Nagkukumahog siyang lumabas ng tirahan kasunod ni Lacey. "Mang Jose to the rescue!" tatawa-tawang sabi nito na ang tinutukoy ay ang middle-aged na lalaking may-ari ng tricycle na siyang service niya sa pagpunta sa boutique mula noong nagdaang linggo. Walking distance lamang ang layo ng bahay nito sa duplex.

Isang linggo na ang nakakaraan at hindi pa ayos ang kotse ni Henri sa talyer. Ayaw niya namang pasundo sa sinuman sa kanilang bahay ngayon dahil sa kabilang barangay pa manggagaling ang mga iyon. Nasa iisang barangay lamang ang tirahan nila ni Ronel.

"Susme, Lacey! Ang sakit pala sa paa nitong mga sapatos na ito!" angal niya nang naglalakad silang magkaibigan sa shoulder ng kalsada. Nagpauto ba naman siya kay Lacey na mag-stilleto ng four inches!

"Bagalan mo nga kasi maglakad! Baka pawisan ka pa't mabura ang make-up mo," paalala naman ni Lacey. "Dapat kasi bumili ka na ng bago mong kotse," sulsol pa nito.

Luma na nga ang Toyota Revo na minana pa niya mula sa kanyang ama mula pa noong nasa college siya. May pera naman siyang pambili ng bagong sasakyan, hindi problema iyon. Hinding-hindi sila maghihirap ni Melina dahil nag-ipon nang nag-ipon ng pera at ari-arian ang kanilang mga magulang nang nasa real estate business pa ang mga ito. Naka-invest din silang magkapatid sa bakery-cum-snack shop na pag-aari ni Megan, isang pinsan nila sa ama.

"Alam mo namang may sentimental value sa akin ang kotseng iyon, Lacey. Doon ako natutong magmaneho," sabi niya naman.

"Hihintayin mo pa bang madiskaril iyon sa gitna ng kalsada? Ay, Henrietta, ayoko nang maki-hitch sa iyo, utang-na-loob! Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pa matikman ang yakap ng mga matitipunong bisig ni Thor ko."

Dreamlovers: Stan and Henri (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now