Chapter Six

4.5K 101 26
                                    


GAYA ng inaasahan ni Stan ay hindi magandang ideya na makipagkita siya sa mga pinsan habang nasa Maynila siya. Gaya ng dati ay purong discouragement ang natanggap niya tungkol sa panunuyo niya kay Joyce na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang kausapin. Kahit nang pumunta siya sa bahay nito ay hindi ito nakipagkita sa kanya. Nang tawagan niya naman ito at tinanong kung nakikipagkalas na ito sa kanya ay hindi siya nito sinagot ng oo o hindi. 'Just leave me alone for a while' ang sabi nito na nagbigay naman sa kanya ng ibayong pag-asa.

"Just leave her for good, 'insan!" pambubuyo ni Han. "Andami pang ibang babae diyan. Ano ba'ng ginawa sa iyo ni Joyce at baliw na baliw ka sa kanya?"

Ang lakas ng halakhak ni Jones, nakakatandang kapatid ni Han. "Ginayuma siguro. Sorry, Stan, Joyce is pretty and hot but she never turns me on. Nagsusumigaw kasi sa itsura at kilos niya ang pagiging brat at bimbo."

"But all of your girls are brats and bimbos!" asik ni Stan kay Jones.

"Pero hindi ko sila naging girlfriend!" pagtatama naman nito.

Mabuti na lamang at wala sa bar na pinuntahan nila ang Kuya niya kundi ay mas matinding sermon ang matatanggap niya mula dito. Dalawang taon na itong may-asawa; at tatlong buwang gulang na si Reena, ang una niyang pamangkin. Lagi nitong sinasabi sa kanya na humanap siya ng babaeng makakasundo niya, iyong puwede niyang maging kaibigan. Ganoon kasi ang nangyari sa love life ni Rad, naging magkaibigan muna sila ni Liezel, ang misis nito. Compatible ang dalawa, kung may pinag-aawayan man ay mga mumunting bagay lang at agad ding nagbabati. Importante daw iyon sa isang relasyon at iyon ang dapat niyang gayahin. But, what could he do? Wala siyang mga babaeng kaibigan, puro lalaki ang naging barkada niya dahil sa all-boy's school siya nag-aral mula pre-school at high school. Sa kurso niyang B.S. Criminology naman ay puro mga lalaki din ang naging barkada niya. At bago pa siya nagkakaroon ng kaibigang babae ay sa kama na agad ang hantungan nila. Wala siyang magagawa kung ganoon kalakas ang sex appeal niya't walang mga babaeng gustong maging kaibigan muna siya bago maging boyfriend.

Nakukulili na rin siya sa pinagsanib-puwersang sermon sa kanya ng kanyang mga magulang kaya iwas siyang pumunta muna sa bahay ng mga ito. Talagang ayaw ng mga ito kay Joyce, wala daw amor ang babae kahit kaunti sa mga ito. Oras na daw para maghanap siya ng ibang nobya.

Pero ang totoong isyu niya sa sarili ay mas lalong tumitigas ang ulo niya kapag mas maraming tao ang kumukontra sa kanya. He always wanted to prove them wrong. At naniniwala siyang magbabago ang lahat sa kanila ni Joyce, aayos din ang relasyon nila.

"You know what, you just need to get laid," suhestiyon sa kanya ni Jones maya-maya. "Maghanap tayo ng babae dito ngayong gabi. Madaming magaganda—"

"Jones, hindi ako gaya mong sex lang ang habol sa mga babae, okay?" inis na putol ni Stan sa sasabihin ng pinsan.

"'E sex lang din naman ang habol nila sa katawan ko!" tumatawang sabi ni Jones. "Patas lang."

Iiling-iling siyang inubos ang whiskey sa kanyang baso.

"Just forget her, man," sabi ni Han. "Kung gusto mo talaga ng seryosong relasyon ay maghanap ka ng babaeng nababagay sa iyo. Siguro nga ay mahal mo ang Joyce na 'yan, pero kung hindi ka naman niya mahal at puro sakit lang ng ulo ang nararanasan mo sa kanya ay panahon na para mag-isip-isip ka. There are things not worth fighting for," seryosong-seryosong sabi nito. Between Jones and Han, Han might be two years younger but he acted more matured than Jones. Easy-go-lucky si Jones, walang plano sa hinaharap. May balak yatang mag-buhay binata habangbuhay.

"You know what, I hate to agree with my little brother but he is right this time," sabi ni Jones. "Huwag mo nang gawing kumplikado ang buhay mo. If you want a girlfriend then find one that is right for you. At hindi si Joyce iyon. Ganoon lang kasimple iyon, Estanislao."

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: May 03 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Dreamlovers: Stan and Henri (PREVIEW ONLY)Kde žijí příběhy. Začni objevovat