Unang Araw

403 4 0
                                    

Bumaba ako sa karwaheng aking sinasakyan.  Nasilayan ko kung paano nagkagulo ang mga tao sa palengke bawat kilos nila ay aking nararamdaman, nang ako'y makita nila,  sila'y napatigil,  mga mata'y parang papatayin ka sa tingin,  mga sandata'y unti-unting binababa at sila'y yumuko na para bang ako'y isang kagalang galang na panauhin.  Sinimulan kong suriin ang paligid at naramdaman kong may taong nakatingin sa akin,  sinundan ko ito hanggang sa napapad ako sa isang kasulok-sulokang lugar ang isang napaka-kisig at morenong binata na nakaupo sa isang napakagandang upuan.  Lumapit ako sa kanya at ang mga tao ay humahawi sa daan upang bigyan ako ng daan patungo sa binatang aking nasilayan.

"Sino ka? Bakit, ganito na lamang ang ipinakita ng mga tao sa akin dito? "

"Para sa isang napakagandang binibining napadpad sa magulong kaharian tiyak na yuyuko at igagalang ng mga tao sapagkat ang isang taong katulad mo ay karapat dapat lamang na hangaan at sambahin ngunit binibini ikaw ay hindi karapat dapat na maging isang Reyna sa mundong ito dahil sa panlabas ka lamang maganda ngunit ang iyong buong pagkatao ay kinain ng kasamaan" 

Dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang sombrero upang makita ko ang kanyang mukha ngunit isang napakalaking liwanag ang siyang pumutol sa isang imaheng aking nakikita.  Parang bulang unti unting nawawala ang taong iyon. 

"Sandali! Huwag mo akong iwan! Sasama ako!  Sandali, ginoo, sandali!

Nagising akong nabalot ng pawis ang buo kong katawan.  Nilibot ko ang aking paningin,  nakahinga ako ng maluwag ng makitang nasa kuwarto ako kasama ang aking buong pamilya.

DREAMS (SHORT STORY) Where stories live. Discover now