Fifth Day!

48 1 0
                                    

I was on the middle of the street, together with the people I never expected that I am belong with them. One guy spoke behind my back about what is happening, he is holding a banner that the congressman's name within. Later that moment, people became boisterous even the young ones. Hindi ko maiintindihan kung anong nangyayari sa lugar na ito! Bakit pati mga bata na walang malay ay kapwa naririto?! Bakit iba ang nakikita kung eksena sa dapat na nangyayari tuwing meeting de avance?! Umalis ako sa kumpulan ng mga tao, humanap ako ng lugar kung saan walang ingay pero hindi ko magawa. Ang mga tao ay unti unting dumadami parang kapag umaalis ang isa may darating na lima. Anong nangyari? Ito ba ang lugar na sinasabi nila kapag may mamamatay may darating na dalawa ang pagkakaiba lamang ay lima ang dumating! Sa aking tabi may dalawang musmos na namamalimos sa tabi ko, pero walang mukha! What the hell is happening? I was confused! Can somebody tell me?! I'm scared! Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa bakanteng lote kung saan nakatago ang isang lagusan. Paano nalaman ng katawan at kaluluwa ko ang lugar na ito?! Hindi ako nagdadalawang isip na pumasok sa lagusan baka dito ko malalaman ang mga katanungan sa isip ko! Nagbabasakali ako na sa ibang lugar ko malalaman ang sagot pero mas lalo akong naguguluhan! May mga patay! Maraming kabaong! Naglalakad ako palapit sa mga ito, nangimbal ako sa aking nakikita sa kabaong mga mukha ko! Wag niyong sabihin patay na ako! 

"Patay na ba ako?" 

"Kaluluwa na ba ako?"

"Hindi ako puwedeng mamatay!"

Unti-unti akong humakbang papalayo nang may magsalita sa aking likuran. Isang batang nakasuot ng maputing tela. Isang matadang nakaitim ang damit. Isang lalaking nakamaskara ang mukha. Babaeng nakasuot ng belo at isang lalaking nakasuot ng pulang sombrero. 

"Hindi kapa patay, iha" ani ng matanda sa akin

"Sadyang may mga pangyayari lamang na masyado mong inisip na hindi tugma sa oras at edad mo. Dinala ka ng kaluluwa mo sa lugar kung saan ang mga taong may masamang iniisip sa buhay ay may sintomas na siyay mamamatay. Sa oras na ito, ipinakita lamang ng mga panaginip mo ang mga pangyayari kung gagawin mo ang iyong iniisip. Habang maaga at may panahon ka pa, pumasok ka sa maliwanag na lugar na iyan, sa puno ng Narra may isang lagusan na ibabalik ka sa lugar na ikaw ay nararapat. Sana kung magkita man tayong muli ay hindi na sa lugar na ito kundi sa isang magandang paraiso na ang tanging naninirahan doon ay ang mga taong nabubuhay ng walang hanggan. "

Kumaripas ako ng takbo at walang sabi sabing pumasok sa mundo kung saan ako nabibilang. Nang sumapit ang umaga, nalaman naming namatay ang aking pinakamamahal na tiyuhin. Labis akong nagluksa ng pumanaw si Tito! Inilibing namin siya katabi kung saan nakalibing ang yumao kong LOLO!

DREAMS (SHORT STORY) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora