Sixth Day!

27 1 0
                                    

Bago dumating ang pasko maraming mga tao ang naghahanda para dito.  Makikita mo sa kanilang mga Mata ang kasiyahan at handang handa na talaga para sa pasko. 

"Anak,  anong gusto mong regalo ngayong pasko? "

Tanong sakin ng mama ko.  Ngumiti ako sa kanya.

"Wala po akong ibang gustong matanggap ngayong pasko mama kundi ang humaba Pa ang buhay ninyo ni papa. "

Ngumiti si mama sakin.  Niyakap niya ako ng mahigpit.  Nakita kami ni papa at sumali na rin ito. 

Kinabukasan,  kagagaling ko Lang sa paaralan nang biglang may malakas na sigaw akong narinig sa itaas na bahagi ng bahay namin.

Nagmamadali akong umakyat para suriin ang nangyari,  pagbukas palang ng pinto nakita ko si papa na namimilipit sa sakit hawak hawak nito ang kanyang mga binti.

"Papa,  anong nangyari sayo? "

Nag-aalalang tanong ko sa kanya. 

"Masakit ang mga binti ko parang dinaganan ng isang higante.  Nang subukan Kong tumayo hindi na ako makatayo,  anak"

Nagsisigaw si papa sa sakit.  Nadatnan kami ni mama na namimilipit si papa sa sakit. 

"Tawagin mo si Mang Lino,  anak.  Dadalhin natin ang papa mo sa hospital.  Dalian mo"

Tarantang utos ni mama sakin. Lakad takbo ang ginawa ko para hanapin si Mang Lino. 

"Tata Berting, nasaan si Mang Lino? "

Humahangos na tanong ko.  Natataranta namang lumabas si Tata Berting dahil sa malakas Kong sigaw.

"Nasa loob ng opisina,  Angela.  Bakit? "

"Si papa po! "

"Anong nangyari sa papa mo? "

Hindi ko na siya sinagot.  Nagmamadali akong pumunta sa opisina ni Mang Lino.

"Tang,  si papa!  Si papa tang!  Dalhin natin sa hospital! "

Parang kidlat na umalis si Mang Lino sumunod  naman ako sa kanya.  Si tata Berting na nagtataka sumunod na rin ito.  Lahat ng mga tao sa bayan namin sumugod sa bahay namin. 

Isinakay nila si papa sa kotse.  Kahit wala pang bihis si mama galing sa opisina dumiritso na kami sa hospital. Nakita Kong umiiyak na si mama.  Nag-alala ako Kay papa,  ano bang nangyari kay papa?  Bakit ganon nalang siyang mamilipit sa sakit?

Pagkarating palang namin sa St. Luke Medical Hospital isinakay si papa sa wheelchair at dinala sa emergency room.

Nanghinang napaupo si mama sa upuan.  Labis ang nararamdaman Kong kaba.  Halos ilang minuto na kaming naghihintay sa labas.  Hindi Pa rin lumabas ang doktor sa loob.  Lahat ng mga kababayan namin nadoon,  nag aabang kung kailan lalabas ang doktor.  Napatayo kaming lahat nang bumukas ang Pinto. 

"Who is the family of Mr.  Gibarra? "

"Kami po,  dok. Kumusta na po ang asawa k? "

Bumuntong hininga ang doktor.  Malakas ang kabog ng dibdib ko.  May komplikasyon ba ang sakit ni papa?.  Wag naman sana!

"Mrs.  Gibarra,  I'm sorry to say this but-"

Tumingon siya sa aming lahat halos atakihin na ako sa puso sa sinabi niya.

"Your husband is having a seizure and he got paralyzed both of her hands and feet. The good news is he can talk and eat but he cannot walk alone."

"Seizure?"

"Ahmm.  He is having a stage 2 brain tumor. "

Nagsinghapan ang mga tao sa likod ko.  Bakit ngayon Pa?  Bakit ngayon Pa na kung kailan magpapasko na?

"He will be discharge tomorrow. Excuse me"

Humagolhol si Mama. Malungkot Kong tiningnan ang mga tao sa likod.  Maluha luhang yumakap si Aling Lina sakin.  Isang respitadong tao si papa sa bayan namin.  Lahat ng mga tao doon takot sila kay papa.  Kahit nakakatakot si papa minsan matulungin naman ito sa mga tao. 

Discharge na si papa.  Katulad ng sabi ng doktor paralyzed ang dalawang papa at kamay nito. Ilang taon ang lumipas ganoon Pa rin ang sakit ni papa.  Nawalan ako ng pag-asa na magiging okay na siya.  Mahirap kapag ang padre De pamilya sa buhay niyo ay nagkakasakit.  Tanging mama mo nalang ang kumakayod. 

Hanggang ngayon umaasa akong sana may milagrong dumating na makakalakad at maigalaw ang mga kamay nito.  Sabi nila May bukas Pa sa ating buhay manalangin Lang tayo sa KANYA.

Hinding hindi ako mawawalan ng pag-asa na sana'y paggising ko sa umaga nakakalakad na si papa.  Nag iigib na ito ng tubig at higit sa lahat ang daily routine nito ay magagawa na.

DREAMS (SHORT STORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon