Pangalawang Araw

113 2 0
                                    

Naramdaman kong umangat ang aking katawan at ako ay lumipad sa hangin. Sa aking paglipad,  nawalan ako nang balanse,  unti-unti kong inangat ang aking paa para muling lumipad at ng ako ay makalipad sa langit, grupo ng mga kalapati ang aking kasabay sa paglipad.  Naramdaman ko ang kaginhawaan at kagalakan nang ang ulap ay humalik sa aking mukha.  Sa aking paglipad,  nakikita ko ang mga paraiso,  paraisong aking pinapangarap, mga ibon na nagliliparan sa himpapawid , mga paslit na nagtatampisaw sa ilog,  mga magsasakang namimitas ng mga gulay at prutas.  Sa kabilang banda,  may mga magkasintahang naglalambingan at makikita mo sa kanilang mga mata ang tunay na pagmamaha ngunit may isang delubyo ang sumakop sa paraiso,  lahat ng mga hayop,  halaman at mga tao ay namamatay.  Ang delubyo ay,  unti-unting sumakop sa kabilang paraiso.

"Huwag! Kung sino ka mang delubyo ka umalis kana sa lugar na ito! Sinira mo ang aking paraiso!  Wala na ang paraisong aking ginawa at parang sinira mo na rin ang buhay ko!  Umalis kana! "

"Sino ka naman para aking susundin?  Walang sinuman ang makakapigil sa aking gagawin sa iyong munting paraiso sapagkat nagbibigay lamang ito ng kamalas-malas sa aking buhay! "

"Wala akong ginawang masama para sirain mo ang aking obra maestra!  At wala akong nakitang dahilan para maging kamalas-malas ito sa buhay ng mga taong mga halang ang kaluluwa! "

"Aha! Lalo mo akong ginagalit, binibini,  baka nakakalimutan mo kung sino ang kinakalaban mo! Marami akong kayang gawin mawala lang ang mga taong hahadlang sa mga plano ko! "

Isang malaking sinag ng araw ang sumikat sa silangan dahilan kung bakit nalusaw ang masamang espiritu.  Minulat ko ang aking mga mata, isang mahiwagang kamay ang humila sa akin upang ako ay makabalik sa aking paraiso at nang ako'y magkamalay nakita ko ang aking pamilyang naghahanda para sa aking kaarawan na ngayon ko lang naranasan

DREAMS (SHORT STORY) Where stories live. Discover now