Pangatlong Araw

55 2 0
                                    

Sa aking pagtayo hinila ako ng lagusan at nang ako'y makapasok sa loob nito nakikita ko ang ibat ibang imahe ng mga taong nagawan ko ng kasalan at sa bawat tingin na ibinigay nila sa akin ay para akong natutunaw.  Kung nakakamatay lang tingin nasa lamay na ako.  Hanggang nahulog ako sa lugar na kahit kailan ayaw ko nang puntahan pa ngunit sa kasamaang palad parang sinadya talaga ng aking panaginip na dalhin ako dito.  Nilibot ko ang paningin ko sa paligid,  nagbabasakali na may makitang bahay upang makasilung ako sandali. Naglalakad ako sa gitna ng gubat at sa aking paglalakad may nakasalubong akong isang taong naka belo ng maitim at may dala siyang sungkod na ang ibabaw nito ay ulo ng kalabera.  Sa kanyang likuran naka sunod ang nag aapoy na bola sa takot na baka ako'y masagasaan sa apoy na bola, tumakbo ako ng mabilis hanggang sa napadpad ako sa gitna ng tulay labis ang naramdaman kong takot ng makita ko ang ilalim ng tulay.  Parang impyerno at may mga taong nanghihingi ng tulong, nagmamakaawa sila sa akin na sila ay tulungan ngunit paano ko sila matutulungan kung ako'y nasa gitna ng kamatayan.  Nabatid ko na papalapit sa ang apoy na bola sa lugar kung nasaan ako.

Unti-unti akong lumakad papunta sa huling tulay ngunit nagbitak bitak ang aking tinatayuan hanggang sa ako'y nahulog, pumikit ako na sana'y may isang anghel na dumating para ako ay iligtas,  may malamig na mga kamay ang humawak sa aking mga kamay dahilan kung bakit ako nailigtas sa kamatayan.  Hinila niya ako ng buong puwersa at napapad ako sa ibang mundo. 

Isang kaharian na tanging mga mayayaman lamang ang puwedeng tamapak sa lupa at ang mahihirap ang taga linis ng kanilang mga sandalyas kapag ito ay nadudumihan gamit ang  mga dila.  Umusbong ang nag aapoy kong galit dinakmal ko ang isang prinsipe hanggang sa ito'y nawalan ng malay.  Nakita ng mga kawal ang aking ginawa ako'y kanilang dinakip at ikulong sa isang gintong karsel.  Lubos akong nagulat sa aking nasilayan bakit parang hindi ako nasa karsel? Bakit nandito ako sa isang kuwarto kung saan tanging maharlika lamang ang natutulog?  Bumukas ang pinto ng kuwarto at bumungad sa aking harapan ang isang napakakisig na binata.  Matangos ang kanyang ilong.  Mapupula ang mga labi na kay sarap halikan.  Mga mapupungay na mga mata.  Unti-unti siyang lumapit sa akin.  Hinapit niya ang aking maliit na baywang.  Pipikit na sana ako para sana'y kanyang mahalikan at matikman ang kanyang mga labing kasingkulay ng mansanas ngunit isang pitik ng noo lamang ang aking naramdaman.

Tumikhim ito,  dinikat ko ang aking mga mata at labis ang nararamdaman kong takot sa nakita ko, bakit nawala ang kanyang mukha? Inilabas niya ang kanyang mga pangil at naghahandang kumagat sa aking leeg ng may biglang humila sa akin at mas lalo akong nangimbal ng makita kong sino ito.  Si BaBalu!

DREAMS (SHORT STORY) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon