Fuck Boy Alert 101

291 42 42
                                    

WARNING: Mild Mature Content Ahead.

JAEGER'S POV

NATAPOS ang second period namin pero wala pa din kaming kibuang tatlo at tanging si Wynston lang ang nakakausap ko. Sa inis ko nagpunta na lang ako sa room ng third year para sa Geography subject ko.

Bad trip! Makikita ko na naman siya!

Naupo ako agad sa upuan ng desk, hindi na ako nag abala pa na lapitan si Tessa. Dahil naiinis din ako sa ginawa niyang paglapit kay Pangit kanina.

Pagsasabihan ko na lang siya mamaya sa bahay na layuan na si Pangit at huwag na makipagkaibigan sa kanya.

Pero ang nakakainis hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili kong tignan si Pangit. Pakiramdam ko may kung anong magnet na humihigop sa'kin para tignan siya.

Bad trip!

Nakapangalumbaba siya habang nakatanaw sa labas ng bintana. Para bang walang ibang tao sa loob ng room kundi siya lang. Hindi kasi nito pinapansin ang ingay sa loob ng room namin, dahil din marahil sa layo ng nararating ng kanyang isip.

Nasa ganung posisyon ako nung pumasok ang terror na teacher namin, binati namin siyang lahat kahit pa hindi niya deserve ang isang pagbati. Nginitian niya ako agad nung magawi sa may kinauupuan ko ang kanyang paningin.

I hate this motherfucker!

"Oy ikaw dyan, babaeng mayabang!" sigaw ni sir patungkol kay Pangit, agad naman siyang tinignan nito. Nanlaki bigla ang mga mata ni sir sa gulat nung mapagtanto siguro ang naging itsura ni Pangit. "Bakit namumugto yang mga mata mo? Naiiyak ka ba kasi natatakot ka? Mag ready kana sa come back ko," sarkastikong pahayag ni sir sa kanya. Hindi siya inimikan ni Pangit pero nanatili ang mga titig niya kay sir.
"Tayo ka Miss B," asik ni Sir sa kanya. Dahan dahan namang tumayo si Pangit habang nakakatitig pa din kay sir. "Name a European country that contains a double letter?" tanong ni sir.

"Russia, sir," agad na sagot ni Pangit, diniinan pa ang salitang sir.

"Aba! Alam mo agad ah, bakit mo alam ha?"
namamanghang tanong ni sir.

"Tiga doon kasi ang angkan ng nanay ko sir," walang ganang sagot naman ni Pangit.

May Russian blood siya?
Muka namang wala eh, mukha lang siyang tiga bundok. Natawa ako bigla sa isiping yun.

"Mmm.... interesting may lahi ka pa lang Russian. Kaya pala ganyan ang mga galawan mo, galawang mataas ang ere, presko at ma pride," nakataas ang kilay na wika ni sir. Pero nakatingin lang sa kanya ng deretso si Pangit at para bang lutang. "Siguro mahilig ka ding uminom ng vodka, ano? Kaya ang lakas ng loob mong sagot sagutin ako sa klase ko dahil lango ka lagi?" May himig na pang aasar pa sa tono ni sir nung itanong yun.

Medyo tinamaan ako dun.

Naghagikgikan naman yung mga classmates namin. Habang ako pinanonood ko yung magiging reaksyon ni Pangit.

Sumimangot siya at biglang may kinalikot sa kamay niya. "Hindi ako mahilig uminom ng vodka sir, pero mahilig ako manapak ng mga taong pakialamero, gamit ang bote ng vodka," derestsong sagot niya..

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Where stories live. Discover now