Scattered Truth

309 20 48
                                    


JAEGER POV

HABANG papunta sa D'vour. Pasimpleng sumulyap si Pangit sa likuran ng sasakyan. Nung makita kong kalmado ang mukha niya, napatanag din ang loob ko. She placed her feet on top of the dashboard and grabbed some sort of book in the console between her and Frankie. Hinablot ko agad yun sa kamay niya.

"What the heck is this?" I asked while flipping through the pages of the book.

"Shojo Manga," inis na sagot ni Pangit. Sinamaan pa ako ng tingin. I stuck my tongue out at her just to pisses her off more.

"Woah... interesting and baduy at the same time. Ang hilig mo sa romantic pero wala ka namang boyfriend."

"Ano naman kung romantic at baduy, pakialam mo ba?" singhal niya. Nagpipigil naman ng tawa si Frankie nung sulyapan ko.

"Baka naman Ecchi 'tong binabasa mo o di kaya Hentai?" Sabay tawa naming dalawa ni Frankie.

"Kay Frankie yan, nakikibasa lang ako. Binabasa niya yan sa tuwing naboboryo siya kakahintay sa akin." Halata pa din ang inis sa boses niya habang nagpapaliwanag.

Gusto ko pa sana siyang asarin pero naisip ko.
Nasa stage na pala kami na kilalanin ang isa't isa. Baka mamaya magbago pa yung isip niya.

"Bakit ka ba nag quit sa basketball?" tanong niya sabay lahad ng kamay. Inabot ko naman sa kanya pabalik ang libro. "Disappointed tuloy yung mga fans mo."

I shrugged my shoulder. "I really don't give a single shit what other people think or opinion about me Pangit. Opinion mo lang naman ang  mahalaga sa'kin."

Tumawa ng malakas si Frankie sa sinabi ko. "Baduy pala ah."

Hindi naman nakapagsalita si Pangit. Alam kong naasiwa siya sa sinabi ko. I cleared my throat at nag isip ng ibang salita na sasabihin. Ayaw kong ilagay siya sa isang hindi komportableng sitwasyon.

"Ayaw ko kasi ng pinagpapawisan ako Pangit."

Natawa siya ng bahagya. "Naggygym ka at nakikipagsuntukan sa underground tapos ayaw mo ng pinagpapawisan? Ang gulo niyang utak mo ah."

"Ayaw ko ng pinagpapawisan sa isang walang kwentang dahilan. Wala kasing kwenta sa'kin ang larong basketball. Hindi din naman ako star player. Kung hindi nga lang sa tatlo kong kaibigan, baka bangko lang din ako. Besides, ayaw ko din talaga sa basketball, sumali lang naman ako dati dahil kay Maia," paliwanag ko.

Huminto ang sasakyan sa harapan ng D'vour shop. Bumaba si Pangit. Bumaba din ako. Nagsalubong ang mga kilay niya.

Inalis ko ang hibla ng buhok mula sa kanyang pisngi at isinabit yun sa tainga niya. They were soft and silky as I'd imagined. Bigla ko siyang hinalikan sa kanyang noo. Pero tinampal niya ako, hindi naman yun malakas. Pero nagsanhi ng kaunting hapdi.

"Sinabi ko na di ba, wag mo akong hahalikan!"

Napahawak ako sa mismong pisngi ko. "Bakit kapag si Reid hindi mo naman sinasampal. Pero kapag ako---"

"Pwede ba," putol niya sa sasabihin ko, "wag mo ngang ikokompara yang sarili mo kay Reid."

"Kita mo na, si Reid na naman ang kinakampihan mo."

"Hindi ko siya kinakampihan!"

"Yeah, right. I need some alcohol and smoke right fucking now or maybe a nice punching bag will do, don't you think?" I asked sarcastically.

THiS GiRL (Book 1, This Girl Series)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora