Chapter 11: My Lord

621 7 0
                                    

x EOS x

PAKIRAMDAM NI Usha ay napakahaba ng kaniyang gabi sa bahay na iyon.

Nanlulumong napaupo na din siya sa kamang hinihigaan ni Eos.

"Hoy..." Kinalabit niya sa tagiliran ang nakahigang binata.

"Hoy..." Ulit niya dahil mukha atang walang balak si Eos na pansinin siya.

Dumukwang siya papalapit sa binata na halos dumapa na siya sa gilid ng kama patabi sa binatang nakadipa.

Malaya niyang pinagmasdan ang nakapikit na lalaki. Napakatangos lalo ng ilong nito lalo pa pag ganoong pa-sideview niya ito binibistahan. At natalo pa ang kutis niya sa kinis ng mukha nito.

Napabuntung-hininga siya. Kahit saang anggulo ay pogi talaga ang bipolar na ito.

Tikom ang mapupula at maninipis nitong labi. Bigla niyang naalala ang ginawa nitong paghalik sa kaniya noong natutulog pa siya. Totoo nga kaya iyon?

"Eos..." anas niya. Alam niyang hindi ito totoong tulog at alam niyang naririnig siya nito. "I'm sorry..."

Nagulat pa siya ng bigla itong dumilat at tumagilid paharap sa kaniya. Blangko ang mga mata nito pero pakiramdam niya ay nakakapaso pa rin ang tingin nito.

"Wag kang maingay." Pormal ang mukha na utos ng binata bago pumikit muli. Naramdaman niya ang mabigat na braso nito na dumantay sa kaniyang bewang.

Masyadong mabigat ito para itulak niya. Nangingiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Eos. Isa pa, masarap pala sa pakiramdam na halos yakap na siya nito.

At tila napakabilis naman makatulog ni Eos dahil maya-maya lamang ay malalim na ang paghinga ng binata.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis sa mga nangyayari.

Napakabilis nga naman kasi at kahit siya ay nahihiwagaan sa mga nagaganap sa buhay niya.

Estranghero si Eos maging ang pamilya nito pero alam niyang nasa mabuti naman siyang mga kamay. Iyon nga lang ay mukhang mahihirapan siyang makasundo ang babaeng kapatid ni Eos na si Kye.

 

Ibinaling niya ang tingin sa pintuang winasak ng ama ng binata.

Nakakamangha...

Napakalakas ng lalaki para magawa iyon.

 

Batid niyang mamahalin at matibay ang pinto na iyon para magawa nitong sirain sa pamamagitan ng isang sipaan lamang.

 

May alaalang nagbalik sa kaniyang isipan... Noong bata pa siya, oo bata pa siya noon ng ...

nagawa niya rin ang kakaibang bagay na iyon.

 

Hindi niya alam kug panaginip ba o hindi pero natatandaan niya na sa edad niyang limang taong gulang ay nagawa niya ding makasira ng isang matibay na pinto sa pamamagitan lamang ng kaniyang pagsipa.

Naipilig niya ang kaniyang ulo.

Ayaw niya ng alalahanin pa iyon. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit kinamumuhian siya ng kaniyang Nanay, dahil sa kakaiba niyang lakas... sabi pa nga ng Nanay niya ay anak daw siya ng isang demonyo kaya ganoon siya. Ayaw niyang paniwalaan iyon, siguro dahil lang sa galit ang Inay niya sa kaniya kaya kung ano-ano ang nasasabi nito.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now