Chapter 39: Is This The End Of Everything?

434 8 0
                                    

A/N : Ako'y nagagalak... (Tagalog 'yan) Haha. Salamat sa pagmamahal niyo sa aking asawa, pero sige share-share na tayoo kay Eos! Ayan huh, para sa mga nagsasabing ISA AKONG MADAMOT na writer! Naku! ,ooopps! Teka, wag mashadong mag-expect sa isang itoo. Hintaying niyo ang ibaa. :D

x x E O S x x

ISANG buwan ang matuling lumipas...

Si Usha...

O si Bashang dito sa palengke...

"Good aftrernoon Bashang!!!" Nakangiting bati sa kaniya ng kanilang mga kapit-bahay.

Maba-bait sa kaniya ang mga ito. Mahal na mahal din naman niya ang lahat ng tao sa kanilang looban. Kahit pa iyong mga tambay at sunog-baga sa kanila ay mahal niya din. Parte na sila ng buhay niya at hindi na iyon mabubura pa.

"Good afternoon din po!!!" Pilit niyang siniglahan ang kaniyang tinig.

Lahat ay nakiramay sa kaniya dahil sa pagkamatay ng nanay niya. Itinago nila ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito... maliban kay Kiko at kina Eos ay wala ng iba pang may alam ng tungkol sa mga lalakeng sumugod sa bahay ng mga Tan.

Dala-dala niya ang kaniyang bilao habang pabalik sa kanilang barong-barong.

Siya na ulit ngayon si Bashang... Ang simpleng tindera ng mga kakanin, puto at iba pang pang almusal at meryenda.

Maliban sa cellphone na ipinilit ni Hani sa kaniya ay wala na siyang iba pang dalang gamit mula sa mansion. Kahit isang kusing ay wala din siyang dinala kaya naman balik muna siya sa pagti-tinda para kumita. Ito nga yata talaga ang buhay na para sa kaniya.

Pinayagan siya ng mag-asawang Tan na umuwi muna sa dati nilang tinitirahan ng kaniyang nanay. Paraan niya na din iyon upang makalimot sa mga nangyari.

Doon muna siya sa maliit nilang bahay. Nabili na din kasi nila iyon. May sentimental sa kaniya ang maliit na barong-barong, doon siya isinilang at nagka-isip... Doon siya pinalaki ng kaniyang yumaong lola. At kahit pa masasakit ang mga alaala niya doon kasama ang kaniyang nanay noong nabubuhay pa ito ay okay lang. Kahit pa gaano ka-pangit ang mga alaala na iyon ay alaala pa din itong maituturing...

Mahal na mahal niya ang nanay niya. Ito ang nagsilang sa kaniya sa mundong iyon. May mga mabubuting bagay din naman na naitulong sa kaniya ang kahirapan ng buhay na pinagdaanan niya. Natuto siyang magsikap at magpakatatag. Natuto din siyang maging matapang sa buhay...

At higit sa lahat... Dahil doon ay nagsanga ang landas nila ng isang Eos Geryon Tan.

Napangiti siya ng mapait pagka-alala sa kaniyang asawa.

Kamusta na kaya si Eos ngayon?

Ni hindi siya nito pinigilan ng umalis siya sa mansion...

Hindi din siya nito tinatawagan o tini-txt man lang. Mukhang gusto na din nitong tuluyan ng makipag-hiwalay sa kaniya. Dahil sa isiping iyon ay parang may kumurot sa kaibuturan ng puso niya.

Nami-miss niya na ang kaniyang asawa...

Pero wala eh, mapag-laro talaga ang kapalaran...

Hindi ba't kaya siya nagustuhan ng lalaki ay dahil sa umaasa itong siya ang magiging daan para maging normal ito? Gayon din siya kaya niya ginustong magmahal. Pero ano ang natuklasan nila sa isat-isa? Na ang iniiwasan nilang madilim na parte ng kanilang pagkatao ay matatapuan din pala nila sa bawat isa.

Na hindi pala dapat tumatakas... Kung hindi ay dapat harapin mo ito... Harapin mo ng buong puso ang mga bagay na kinatatakutan mo.

x x x

For The Love of EosWhere stories live. Discover now