Chapter 33: Untitled

438 9 0
                                    

xchapt for : @mhizy_26... salamat po sa pambobola, kahit di mo pa yata ako nakikita? haha :D

@EOSians! Mahaba-haba itong isang 'to... Sana magustuhan niyo hahahaha...

x

HABANG naghihintay ng taxi si Carmelita ay panaka-naka niyang sinusulyapan ng tingin ang malaking eskwelahan ng kaniyang anak na si Bashang.

Naiinis siya dito dahil para bang balewala na siya sa kaniyang anak.

Dati-rati naman ay halos hindi nito matiis na wala sya, kahit pa nga pinagmamalupitan niya ito.

"Nakaranas lang ng kaginhawaan at magandang pamilya ay kinalimutan niya na ako?!" Asar na bulong ng babae sa hangin.

Anak niya sa pagka-dalaga si Usha.

Bunga ito ng kalapastanganang dinanas niya noong nag-aaral pa lamang siya.

Kung hindi sana siya nabuntis at na-trauma noon ay hindi sana ganoon ang buhay niya...

Sana ay nakatapos siya ng kaniyang pag-aaral. Sana din ay hindi siya nilayuan ng kaniyang nobyo noong araw. Sana ay may maganda at maliwanag siyang buhay ngayon.

Pero naglaho ng parang bula ang mga pangarap niya sa buhay mula ng mabuo sa sinapupunan niya si Usha.

Gusto niya itong ipalaglag noon pero hindi din kinaya ng konsensiya niya. Hindi din pumayag ang nanay niya na patayin niya sa kaniyang sinapupunan ang kaniyang supling.

Sabi ng inay niya ay inosente at biktima lamang din ang batang dala-dala niya.

Pero bakit ganoon? Sa tuwing tititigan niya ang mga mata ng anak niya ay kusang bumabalik sa kaniya ang masasamang alaala? Nakikita niya kay Usha ang mga lalaking gumahasa at nagpahirap sa kaniya... Nakikita niya sa kaniyang anak ang mga lalaking pumatay sa kaniyang kaibigan.

Nagtagis ang mga ngipin niya. Ayaw niya na sanang maalala pa ang bangungot ng nakaraan... Pero kapag hindi siya nakainom ng alak ay kusa naman niya iyong naaalala.

Isinisisi niya sa anak ang kabiguan niya sa buhay...

Masaya siya kapag pinahihirapan niya ang kaniyang anak.

Nasa gitna siya ng pag-iisip ng biglang may mahagip ang kaniyang mga mata mula sa tapat ng kalsada.

Bigla ang daloy ng sandamakmak na kaba sa kaniyang dibdib ng makilala ang apat na lalaking nakikita niya. Hindi siya pwedeng magkamali!

Ang mga lalaki ng iyon! Sila... Sila ang mga bumaboy sa kaniya noon!

Pero bakit ganooon?

Hindi sila tumanda?

Ni hindi man lamang nagbago ang itsura ng mga ito makalipas ang mahigit dalawangpung taon?

"Mga demonyo..." Muling nabuhay ang ngitngit sa puso niya.

Hindi niya na pinansin ang humintong taxi sa harapan niya, sa halip ay agad siyang tumawid upang puntahan ang mga ito.

May dala-dalang pajero ang apat na lalaki at tila ba may minamatyagan sa loob ng St. Louise University kayat hindi nito napansin ang paglapit niya.

"Kompirmado! Dito nag-aaral iyon."Tinig ng isa sa mga lalaki.

Ang boses na iyon... Hinding-hindi niya makakalimutan iyon!

"Mabuti pa matyagan na lang natin... Tsk... Sa hinaba-haba ng panahon mula ng magbalik tayo ng Pinas ay makikita na din natin siya." Sabi pa noong isa sa mga lalaki.

For The Love of EosWhere stories live. Discover now