Dedic to : @jaja45711 .Hi there! Thanks for your comment! Malapit na tayo sa selos-selos na sinasabi mo! Can't wait na ding mabasa ang mga reaksyon niyo kapag dumating na ang araw na yun! Haha.
Ayun sa lahat ng nag-VOTE at nagko-comment sa kwentong ito, salamat po!
xxFTOxx
SA KWARTO naman ng mag-asawang Hani at Sab...
"May problema ba mahal ko?"Alalang tanong ni Hani sa kabiyak.
Marahang bumangon naman sa kanilang higaan ang lalaki.
"Kinakabahan ako... Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda isa sa mga araw na ito..." Seryosong wika ni Sab.
Nahintatakutan namang napatayo na din si Hani. Ganitong-ganito din ang sinabi noon ni Sab ng sumugod ang mga kalahi nito sa rest house noong hindi pa sila ikinakasal. Ayaw niya ng mangyari pa ulit iyon ngayon. Hindi niya na kakayanin pa...
"Ayoko Sab... Ayoko ng mangyari ang mga nangyari noon..." Impit na wika nito.
"Hindi iyon mangyayari mahal..." Masuyo siyang umupo sa gilid ng kanilang kama para yakapin ang babaeng una at huli niyang minahal at mamahalin sa kaniyang buhay.
"Natatakot kasi ako... Ngayon pa bang masaya na tayo? Ngayon pang magkaka-pamilya na din ang panganay natin? Hindi ko kaya Sab..." Tuluyan ng napahagulhol si Hani.
Kinabig niya papalapit ang babae. "Patawad mahal... Nangangako ako na magiging ayos muli ang lahat. Iyong nararamdaman ko... Gagawan ko ng paraan para hindi mangyari iyon." Pangako niya sa babae.
"Alam mo ba kung gaano kahirap?" Humiwalay sa kaniya si Hani. "Dahil immortal ka at hindi ka tatanda... Samantalang ako ay lilipas sa mundong ito... Maiiwanan kita..."
"Bakit hindi ka din naman tumatanda ah? Maganda ka pa din mahal..." Nakangiting pampapalubag-loob niya dito.
Umingos naman ang babae. Bagamat luhaan ay napangiti na din siya sa sinabi ni Sab.
"Salamat Dok 'tong gandang ito... Ang hirap kasi magkaroon ng gwapo at baby face na asawa!"
"Hindi ah! Maganda ka pa din mahal ko! Mula ng una kitang makita... Hanggang ngayon, partida ng nanganak ka na ng dalawa." Nakangiting wika ni Sab.
DOON NA Nawala ang ilang agam-agam ni Hani. Alam na alam talaga ni Sab kung paano papayapain ang kalooban niya.
"Salamat mahal ko..." Yumakap siya dito.
Panatag ang loob niya kapag ganoong malapit siya sa kaniyang asawa.
Pero si SAB...
Hindi naman maalis-alis ang kaba sa kaniyang dibdib. Hindi niya lang basta nararamdaman na may kakaiba sapalig, dahil naaamoy niya din mismo ang dugo ng iba pa niyang kalahi... Malapit na malapit na lamang sila ngayon.
Hindi namatay ang lahat ng kalahi niya sa rest house. Natirang buhay ang kapatid ni Timotheo na si Timon at sina Victur at kapatid ni Kiron na si Carl.
YOU ARE READING
For The Love of Eos
RomanceNot my story! Soft Copy There are some missing part of this story!!! Original Story of JamilleFumah.