Chapter 68: Broken Monster

412 7 0
                                    

WALA ng malay si Usha habang nakahiga ito sa sahig. Duguan ang mga binti nito maging ang suot nitong hospital dress.

"Shit!" Hindi naman malaman ni Kendo ang gagawin. Nilapitan nito ang nakahigang babae at akmang kakargahin nang hilahin ito ni Andrea.

"KENDO!" Tili ni Andrea sabay hila dito.

"Andrea!" Gigil naman siyang nilingon ng lalaki.

"A-Anong gagawin mo kay Usha, Kendo?!" Medyo nabawi niya na ang lakas niya kahit pa napilayan yata siya sa paghagis sa kaniya ni Usha kanina.

"Aalis na tayo dito!" Maigting na saad ng lalaki, balisa ito at natataranta.

"A-Anong..." Napatitig siya sa takot na takot na mukha ni Kendo. "P-Paano si Eos?!"

Napahilot ito sa sentido nito. "Hindi siya tinatablan ng bala! At ang mga tauhan ko... sa isang iglap... nauubos na niya!" Mailap ang mga matang anito. "N-Nakaya niyang sanggain ang mga bala... At-At... ang mga tauhan ko..."

NAKARINIG sila nang sunod-sunod pang putukan sa labas ng warehouse.

"E-Eos..." Bigla ang salakas ng kaba sa dibdib ni Zamantha. Unti-unti siyang nakabuo ng konkusyon sa kaniyang isipan. Napapailing at tila nanghihinang napaupo siya sa sahig. "N-No... Hindi maaring mangyari ito... Imposible..." Lumipat ang tingin niya sa walang maya na si Usha, at mas lalo siyang napaiyak. "H-Hindi..."

Naulinigan nila ang tila kulog na sigaw mula sa labas ng silid.

"Ibalik niyo ang asawa ko!!!" May kalayuan pa ang tinig na iyon pero batid nilang matutunton din sila nito.

Napatayo si Kendo at matamang tumingin kay Zamantha. "H-Hindi lang siya basta baliw.... halimaw siya..."

Tumulo ang masaganang luha sa mga mata ni Zamantha. Tila siya nagising sa mahimbing na pagkakatulog habang ang mga mata niya ay nakapako pa rin sa walang malay na babae sa sahig. "Si Jerusha..." Mahinang anas niya. Nanginginig ang kaniyang mga kamay.

Agad namang binuhat ni Kendo si Usha at saka siya muling binalingan. "Tatakas tayo Zamantha! Dadalhin ko si Usha!" Anito na nasa boses ang pagkataranta.

"No!" Tutol niya.

"At bakit?! May usapan na tayo!"

"Hindi Kendo..." Umiiyak na hinila niya si Usha sa pagkaka-karga ng lalaki hangggang sa ibaba muli ito ni Kendo sa sahig ng bodega.

"Ano?! Wag mong sabihing umaatras ka?!" Nanlalaki ang mga mata ng lalaki habang natingin sa kaniya. "Kailangan na nating tumakas Zamantha! Si Usha! Baka mamatay siya! Namumutla na siya! Tara na at takasan natin si Eos! Ituloy mo ang plano mong pagpapa-opera ng mukha mo ng sa gayon ay mapasa'yo na si Eos! Gawin natin ang plano! Umalis na tayo rito!"

Umiiling na napatungo siya habang patuloy sa pag-agos ang masaganang luha niya. "Tama na... Tama na..."

"Zamantha!" Niyugyog siya nito sa balikat. "Nasaan ang tapang mo?! Anong nang nangyayari sa'yo?! Kailangan na nating makaalis kung hindi ay malilintikan tayo sa halimaw na Eos na iyon!"

Patuloy siyang umiling. "Sila... Sila ang talagang nababagay sa isa't-isa..." Garalgal ang boses na wika niya.

"Ano?" Naguguluhang tanong ni Kendo.

"Kendo... Isipin mo... kapag tinangay mo si Usha... Hindi matatahimik si Eos... Hahanapin niya kayo! Hindi siya titigil hangga't hindi niya nababawi ang asawa niya!"

"Magpapakalayo-layo kami!" Sagot nitong determinado. Tila ito lasing na wala na rin sa huwisyo.

Pinaghahampas niya si Kendo. "Kahit magpakalayo kayo! Kahit anong gawin mo! Walang malapit! Walang malayo! Hindi uubra ang plano mo sa isang Eos Geryon Tan!"

For The Love of EosWhere stories live. Discover now