Chapter 1

15 6 0
                                    

Aislinn's POV

Nagmamadali akong pumasok dahil super late na talaga ako. Hindi na ako nag almusal pa kasi malalagot na ako sa lecturer namin.

Napakaaga ko na para sa third subject. Bago pa ako makaalis ng bahay ay sinermonan muna ako ni mama.

Kesyo selpon daw ako ng selpon kaya nalelate lagi ng gising.

Hays! Nadamay na naman ang pinaka mamahal ko cellphone.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid papuntang train station. Mabuti na lamang at hindi pa nakakarating yung susunod na tren.

Kaya habang nag aantay ay nagpaload muna ako. Ilang linggo ko ding pinag ipunan yung ipang loload ko. Halos hindi na ako mag canteen dahil sa pag iipon ko.

Ayaw na kasi ako bigyan ni mama pang load. Minsan kasi nagkakamali ako ng type. Buti nalang hindi ganun kalaki yung pinapaload ko dati.

Pero sabi ni mama sayang daw. Kaya ayun hindi na niya ako binigyan ng panload kahit 10 pesos lang. Baka nanaman daw kasi mapunta sa iba.

Kaya ngayon pinag ipunan ko talaga kasi may pag gagamitan ako.

"Kuya paload po," sabi ko sa tinderong nag babantay.

"Magkano ineng?" Tanong nito sakin habang kinukuha ang telepono niya at pumindot pindot dito.

"500 po," sabi ko at nilabas ang 500 pesos ko at inihanda ang cellphone ko.

"Ito oh," abot niya sa cellphone niya.

Tinype ko naman agad ang number ko.

Narinig ko na ang tunog ng paparating na tren kaya binilisan ko ang pagtatype. Tinignan ko pa munang muli para masigurong tama.

At binigay ko na kaagad kay kuya yung cellphone niya.

Nag pindot pindot naman siya. Sakto namang dating ng tren kaya inabot ko na ang bayad at dali daling sumakay ng tren dahil mukhang nagmamadali ito.

Hinihingal akong umupo sa upuan na malapit sa pinto ng tren. Tinakbo ko kasi papasok dahil malapit ng magsara yung tren. Buti naman at nakahabol pa ako at kokonti lamang ang pasahero kaya madaming bakanteng upuan.

Napatingin ako sa katabi ko nang tumunog ang cellphone nito.

Pinagmasdan ko siya at nakita ko ang pagkunot ng noo nito na tila ba nagtataka sa dumating na mensahe sa kaniya.

Shala! Ang gwapo ni kuya.

Bigla kong naalala yung load ko. Tinignan ko yung cellphone ko at tinignan sa messages pero wala pa ding dumadating na mensahe galing sa network.

'Baka mahina signal ni kuya kaya hindi pa nasesend,' sabi ko pa sa isip ko at inintay ang pag dating ng load.

Ibinulsa ko na lang muna ang cellphone ko at inaantay ang pag vibrate nito. Napasulyap naman ako sa katabi ko at pinagmasdan muli siya.

Ang gwapo niya talaga!

Papainggitin ko nga mamaya sila Dewy at Jerson. Yung dalawa kong kaibigan na adik sa gwapo.

Nang makarating na sa next station ay bumaba na ako. At hindi na pinag tuonan ng pansin yung gwapong lalaki na nakatabi ko.

Tinakbo ko na ang daan papasok dahil ilang minuto na lang ang meron ako para sa third subject.

Late na nga ako. Malelate nanaman ako sa next subject.

Sumilip silip muna ako at nang matanaw kong busy yung guard ay pasimple akong pumasok sa gate.

Già VistoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang