Chapter 5

4 2 0
                                    

Kenzie Astrid's POV

"Layuan mo si Aislinn!" Sabi sa akin nung lalaking nag ngangalang Jim.

Kinunotan ko lang siya ng noo. Nagtataka ako kung bakit ganun nalang siya makipag usap sa akin.

"Pano pag ayaw ko?" Pang iinis ko sa kaniya.

Aislinn seems so nice but at the same time ay makulit. Parang gusto kong maging malapit sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan.

I find her cute the way she talk to me.

"Ako makakalaban mo pag hindi mo siya nilayuan," mukhang galit talaga 'tong mokong na 'to.

"Kaano ano mo ba si Aislinn. Bakit ganyan ka nalang kung mainis sa akin?" Takang tanong ko dito.

"None of your business, bro. Basta stay away from her!" -Jim.

"Paano ako makakalayo sa kaniya eh siya mismo nalapit sa akin?" -ako.

"Psh! Basta lumayo ka nalang!" Inis na sabi nito at umalis na.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Sorry, bro. Pero wala akong balak lumayo sa kaniya," sabi ko pa sa hangin at nakapamulsang lumakad paalis doon.

"Yow men!" Napasigaw ako nang malakas ako nitong batukan.

"Anong problema mo?!" Inis na tanong ko dito.

"Woah! Chill! Nagagalit agad eh!" Natatawang sagot nito.

Sino ba naman ang hindi maiinis. Bigla biglang mambabatok.

"Oh anong kailangan mo?" Mahinahong tanong ko dito.

"Wala naman," sagot niya.

"Oh eh bakit nandito ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Tinatakwil mo na ba ako? Ayaw mo na sa akin? Akala ko ba magkaibigan tayo? Pinagpalit mo na ba ako? Bakit?! BAAAKII--?! ARAY!" Binatukan ko ito dahil kung ano ano ang mga pinag sasabi na walang kwenta.

"Nababakla ka na naman," inis na saad ko dito.

"Wahut?!" Maarteng tanong niya. "Ang isang kagaya kong si Ridge Atlas isang bakla?! No men!" Ang ingay ng kingina.

Iniwan ko na siya doon at nagtungo na sa canteen. Nagugutom na ako na mas lalong nakadagdag sa inis ko sinabayan pa ng maingay na mokong na 'to.

"Hoy! Sandali!" Habol pa nito sa akin pero nag dire diretso lang ako ng lakad.

Ramdam ko namang nakasabay na siya sa paglalakad sa akin pero hindi ko pa din siya pinapansin.

"Nga pala," biglang sabi niya.

"Ano na naman yun?!" Iritableng tanong ko dito.

"Kalma nga lang!" Suway nito sa akin.

"Tsk!" -ako.

"Ano pala balak mo dun sa sinabi ng parents mo?" Biglang open niya ng topic na dahilan ng pagiging badtrip ko ngayon.

"Ewan ko! Hindi ko naman kasi alam kung anong trip nila Mom and Dad kung bakit pa sila naka isip ng ganun. Haysh!" Inis na sagot ko sa kaniya.

"Ibang klase din parents mo 'no? Nakaisip ng ganun dahil lang dun sa napanood nila! HAHAHAH weird!" Tawa pa nito. "Pero mukhang seryoso talaga sila ha." Dagdag niya pa.

Ang tinutukoy niya ay yung sinabi sa akin ng parents ko kagabi. Hindi ko alam kung anong trip nila sa buhay.

Nasobrahan sila sa pagkabored kaya ako ang napag diskitahan.

Già VistoWhere stories live. Discover now