Chapter 3

9 3 0
                                    

Aislinn's POV

"Saranghae, Aislinn."

"Nado Saranghae, Beomgyu."

Lumapit ang mukha niya papalapit sa mukha ko kaya napapikit ako at napanguso.

Malapit na...

3 cm...

2 cm...

"ARAY!" napabangon ako mula sa pag kakahiga nang may pumitik sa nguso ko.

"Kuya!" Inis na tawag ko kay kuya nang siya ang bumugad sa akin. May hawak hawak siyang goma.

"Nanaginip ka na naman sa 'JOWA' mo 'no?" Nakangising tanong nito sakin.

Mukha siyang nauulol na aso.

"Panira ka eh!" Inis na sigaw ko sa kaniya.

"Sa panaginip mo nalang sila makakamit! HAHAHA!" Sabi niya at pinagtawanan ako.

Sige kuya hindi naman masakit eh. Sobrang sakit lang.

"Bakit ka namimitik ha?!" Pag iiba ko sa usapan kasi baka masapak ko siya sa mga sinabi niyang nakapanakit sa damdamin ko. ChOur!

"Alam mo bang late ka na?" -Kuya.

Napatingin naman ako sa alarm clock ko at 20 minutes nalang ay mag uumpisa na ang klase.

10 minutes ang byahe tapos maglalakad pa mag reready pa.

Oh my!

Dali dali akong tumayo sa kama ko at tumakbo sa C.R para maligo.

"Bilisan mo!" Sigaw pa ni Kuya.

"Lumayas ka na sa kwarto ko!" Sigaw ko sa kaniya pabalik at binilisan ang pag ligo.

Late na pala ako eh. Bakit inasar niya pa ako. Abnormal talaga!

Siguro ito na yung pinaka mabilis na pag ligong nagawa ko sa tanang buhay ko.

Pagkababa ko ay sinalubong ako ni mama.

"Ayan selpon pa more! Nalate ka na naman!" Sermon niya sakin.

Yung cellphone ko na naman nadamay.

Kumuha nalang ako ng isang tinapay at hotdog at nagmamadaling umalis ng bahay.

"Alis na ako!" Paalam ko pa at pumara na ng tricycle.

"Manong pakibilisan lang po," sabi ko sa tricycle driver.

Pagkarating ko ay papaalis na yung tren.

Mas mabilis pa kay flash ang ginawa kong takbo kasi mag sasara na yung pinto.

"Whoops!" Nasabi ko at pumasok sa papasara ng pinto.

"Phew!" Hinihingal na sabi ko pagkapasok.

Hinabol ko pa muna ang pag hinga ko at naghanap ng mauupuan.

Doon ako umupo sa malapit sa pinto.

Napalingon ako sa katabi ko.

Omo! Siya yung gwapong lalaki na nakatabi ko nung nakaraang araw.

Napatingin naman siya sakin at nginitian ako. Awkward akong ngumiti pabalik sa kaniya.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tinago ang pagkakilig ko.

Bigla kong naalala sinabi nila Jerson. Pasimple kong pinicturan ang katabi ko. Sana wag niyang mahalata.

Pagtapos nun ay tinignan ko yung kuha ko. Buti at hindi blured.

Già VistoWhere stories live. Discover now