Chapter 2

13 4 0
                                    

Aislinn's POV

"Oh bakit nakabusangot ka diyan?" Salubong sa akin ni mama pagkarating ko sa bahay.

"Pano kasi po namali nanaman ako ng type ng number ko. Kaya ayun nasayang 500 ko," pagpapaliwanag ko.

"Nag aaksaya ka lang ng pera sa kakapaload mo na hindi naman na pupunta sa 'yo," sabi ni mama. "Oh sya, magbihis ka na at maghuhugas ka pa ng plato para makakain na tayo," dagdag nya pa at pumunta ng kusina para ata magluto.

Napabusangot naman ako lalo nang marinig ang 'hugas ng plato'. Kainis naman kakarating ko lang eh.

Hays! Bakit kaya hindi si Kuya pinaghugas niya nun kanina eh wala namang ginawa kundi ang humilata.

Napadaan ako sa sala at nakita ko si Kuya na nakahiga sa sofa habang busy kakapanood ng T.V.

Nakaisip naman ako ng kalokohan. Sa kaniya ko nalang ibabaling lahat ng inis ko.

Pinatay ko yung T.V at tinanggal sa saksakan. Hinablot ko sa kaniya yung remote at patakbong pumunta sa hagdan.

"Hoy akin na yan!" Sigaw niya pa sakin at akmang hahabulin ako.

"Bleh!" Binelatan ko muna siya at mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto ko at nilock.

"Hoy akin na sabi yan eh! Lagot ka sakin mamaya!" Sigaw niya pa mula sa labas habang pilit na binubuksan yung pinto ng kwarto ko.

"Nyewaw! Dapat ikaw maghuhugas nun eh! Tamad ka kuya! Madaya!" Sigaw ko sa kaniya at tinago yung remote sa pinaka sulok sulokan ng cabinet ko.

"Lagot ka sakin pag nakalabas ka jan," pagbabanta niya.

"Eh di lagot!" Sabi ko namam at nagbihis na. Hindi ko na siya narinig sa labas.

Mukhang naghahanda na yun. Pfft! As if naman matatakot ako sa kaniya. Ako pa tuloy pinaghuhugas ni mama ng platong dapat siya maghuhugas.

Porket siya panganay eh gagawin niya na akong alila.

Dahan dahan kong binuksan ang kwarto ko. At napaatras naman ako papasok kasi baka mamaya may bumagsak na kung ano sa taas.

Baka may hinandang patibong si Kuya pangganti sakin.

Buti naman at wala. Dahan dahan akong lumabas. At dahan dahan ding bumaba sa hagdan. At nang makababa ako ay napatingin pa ako sa buong paligid at sa sahig.

Buti naman at walang patibong.

Dumiretso ako sa may lababo at nag umpisa ng mag hugas.

Tapos ko ng hugasan yung plato ay nilinisan ko na yung lababo. Nang biglang may kung anong pinasok sa loob ng damit ko sa likuran.

"Waaah!!" Naiiyak ko sigaw nang maramdamang nagalaw ito at madulas. Shete! Baka uod!

"HAHAHAHA!" Tawa ni kuya mula sa likuran ko. Kaya kinuha ko yung planggana at hinampas yun sa kaniya

"Kuya alisin mo!!!" Sigaw ko sa kaniya pero siya tawa ng tawa habang sinasangga yung planggana na hinahampas ko sa kaniya.

"Ayoko nga bleh!" Pang aasar niya pa.

Naramdaman ko yung pag kibot kibot nung kung ano man sa likod ko kaya lalo akong natakot at naiiyak na talaga ako.

"K-kuya alisin mo! Huhuhu!" Iyak ko at halos di na ako makagalaw kasi baka mamaya kung san mapunta yung nasa likod ko.

"Bleh! Ayoko!" Pang aasar niya pa.

"Kuya nama eh!!! D-dali na kasi!" Umiiyak ng sabi ko. Nanginginig na din ako kasi natatakot talaga ako sa nasa likod ko.

Già VistoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz