Chapter 6

6 2 0
                                    

Aislinn's POV

Napapangusong tumigil ako sa pag hahabol dun sa lalaking yun.

Kulang pa ata ang pagiging makulit ko. Hays!

Ginamitan ko na siya ng cute attack. Wala pa din.

Ano kayang pwedeng gawin para ibalik niya lang yung load ko?

Hays!

Bumalik nalang ako sa pinag uupuan namin nila Jerson at Dewy.

"Ano wala pa din?" Tanong ni Dewy.

Umiling lang ako at tumungo sa table.

"Ang hirap niyang kulitin!" Inis na saad ko at napapadyak pa dahil sa sobrang inis.

"Mukhang hindi umeepekto pagiging makulit mo," saad ni Jerson.

"Oo nga eh! Nakakainis! Kailangang kailangan ko yung load na yun eh!" Inis na sabi ko habang nakatungo pa din.

"Gusto mong ibalik ko yung load mo?" Biglang may nagtanong sa akin.

"Malamang! Pinag ipunan ko yun eh!" Sagot ko dito habang nakatungo pa din ako.

Naramdaman kong kinalbit ako ni Jerson pero hindi ko pinapansin yun. Nababadtrip pa din ako.

"Then be my girlfriend," napaangat ako ng tingin at nakita ko sila Dewy at Jerson na tinuturo ang likuran ko.

Napaharap naman ako dito.

"Ano?!" Gulat na tanong ko dito.

"Be my girlfriend then ibabalik ko sayo yung load mo," nakangiting sabi nito sa akin.

"Nagbibiro ka ba?!" Gulat na tanong ko.

"Mukha ba akong joker?" Umiling ako bilang sagot. "I'm serious," biglang seryosong saad niya.

"A-ayoko nga! Napunta sayo yung load ko ng walang kahit na anong kundisyones tapos ibabalik mo sa akin yung load ko ng may kondisyon?! No way! Unfair yun!" Pag tanggi ko.

Hindi naman ako easy to get 'no! Na para lang sa load eh papayag akong maging jowa siya? No way! Dalagang pilina ata 'to.

"Pumayag ka na bakla! Grasya na nalapit sayo oh. Tatanggihan mo pa," bulong sa akin ni Jerson.

"Then I guess akin na yung load mo," sabi niya at akmang papaalis na pero pinigilan ko ito.

"A-anong?! Hindi pwede! Ibalik mo na yung load ko!" Pagpigil ko sa kaniya.

"Gawin ko muna kondisyon ko," nakangising saad niya.

Napaisip naman ako.

Sayang yung load ko pag hindi niya binalik.

Pero mapag iipunan ko pa naman yun eh.

Pero ilang araw din akong nagpakagutom maipon lang yun.

Pwede namang pumayag nalang ako.

Pero hindi din pwede loyal ako sa mga asawa ko.

Pero hindi naman nila ako kilala. Hays!

Kailangan ko pa din maibalik load ko!

"Manligaw ka muna!" Bigla kong naisigaw.

Nanlaki naman bigla ang mga mata ko nang masabi ko yun. Napatakip naman ako ng bibig ko.

Ow shit bitch!

Nakita ko namang lumapad ang ngisi niya na ikinainis ko.

"Okay deal!" Sabi niya.

"H-hoy! Wag kang mag iisip ng kung ano ano jan!" Pag pigil ko sa kung ano mang iniisip niya.

"HAHAHAHA! You're really cute!" Saad niya at ginulo ang buhok.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Kaya inalis ko ang kamay niya sa ulo ko.

"Shoo! Wag moko hahawakan!" Nahihiyang saad ko dito.

Tumawa lang siya.

Nagulat ako nang biglang dumating si Jim at inilayo dun sa lalaking kausap ko.

Hindi ko pa alam name niya.

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nito sa akin habang hawak ako sa magkabilang balikat.

Wala sa wisyong napatango ako.

"Hoy! Anong ginawa mo sa kaniya!" Biglang sigaw nito sa lalaking kausap ko.

Teka! Ano bang problema ng isang 'to at mukhang galit na galit?

"I didn't do anything!" Sagot nito sa kaniya. Halatang nagtataka din sa biglaang sulpot ni Jim.

Panira talaga 'tong isang 'to!

Nakita kong lumapit naman ang mukha ni Jim dun sa kausap ko kanina at may sinabing hindi ko narinig. Sinagot naman siya nito.

Teka bakla si Jim?! At crush niya yan?!

Andwae!

"Hoy! Teka nga Jim! Bakit ba nandito kang bwiset ka?! Mabubwiset ka na naman ba?!" Biglang singit ko sa kanila. Pinahalata kong inis ako sa biglaang pag sulpot niya.

Nagulat naman ako nang bigla ako nitong tinignan at umalis.

Anong problema nun?

Lexun Jim's POV

Pagkapunta ko sa canteen ay bumungad sa akin ang sigaw ni Axi.

Napalingon naman ako kung saan nanggaling yun.

Nainis ako bigla nang makitang ginulo ng mokong na yung ang buhok niya!

Ako dapat nagawa ng bagay na yun kay Aislinn!

Inis akong sumugod doon at inilayo si Aislinn mula sa kaniya.

Nakita ko namang namumula si Aislinn.

"Ayos ka lang?" Tanong ko dito habang hawak ang magkabilang braso niya. Nakaharap siya sa akin habang nakatalikod naman ako sa lalaking gumulo ng buhok niya.

Gulat naman itong napatango.

"Hoy! Anong ginawa mo sa kaniya!" Inis na sigaw ko dun sa lalaking kausap ni Aislinn kani kanina lang. Nakaharap na ako sa kaniya ngayon habang si Aislinn ay nasa likuran ko lang.

"I didn't do anything!" Sabi pa nung lalaki.

"Sinabi ko na sayo dibang layuan mo si Aislinn?!" Bulong ko dito pero may diin ang bawat salitang binitawan ko.

"Sino naman may sabing um-oo ako sa sinabi mo?" Sarkastiko nitong saad sa akin.

Nabadtrip naman ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy! Teka nga Jim! Bakit ba nandito kang bwiset ka?! Mabubwiset ka na naman ba?!" Halatang inis ang tono ni Aislinn.

Tinignan ko lang siya at iniwan sila doon.

Badtrip! Mukhang magkakaron na ako ng karibal!

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Dec 20, 2019 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Già VistoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora