PANG-PITO

4.4K 131 4
                                    

Sa ginawa'y biglang natigilan si Sebastian at ng makabawi ay kaagad na iniwas ang kamay sa tulog parin na si Richard.

Ang pagbukas ng pinto sa kwarto ang humiwalay sa mga mata ni Sebastian sa pagtitig sa maamong mukha ng kasama. Pagbukas nga ng pinto ang duktor ang lulan nito.

Sinuri ng pumasok na duktor ang kalagayan ni Sebastian. Ilang minuto rin na inobserbahan nito si Sebastian at matapos nun ay ipinaalam sa kanya na kung gusto na nitong lumabas ngayong araw ay maaari na rin itong lumabas. Nag-paalam na rin ang duktor pagkatapos.

Samantalang nagising naman si Richard paglabas ng duktor, dulot ng napalakas na pagsara nito ng pinto.

"Good morning Richard." bungad ni Sebastian ng mapansin nito na nagising na si Richard. Sandali pang nagtaka si Richard kung nasaan ito paggising. Nang marinig ang boses ni Sebastian ay tsaka pa lamang pumasok sa kanyang natutulog parin na diwa na nasa ospital ito.

"Good morning sir." ganting bati ni Richard.

"Iyan ka na naman sa kaka-sir mo, Richard na nga ang tinawag ko kanina ng batiin kita." nakangiting saad ni Sebastian.

"Sorry, okay good morning Baste." ulit na bati ni Richard kahit na naiilang.

"Good, mas maganda yan, nakakatanda kasi pakinggan kapag tinatawag mo akong sir. Oo nga pala ipinaalam ni dok na maaari na akong lumabas ngayong araw."

"Ah ikaw sir este Baste pala gusto niyo na bang lumabas na ngayong araw?"

"Oo sana, ikaw Richard ayos lang ba?"

"Oo naman, naayos na rin ni mama ang gagamitin mong kwarto sa bahay." saad ni Richard at iniwasan ang pagbanggit sa pangalang baste dahil naiilang parin itong itawag sa kasama.

"Kung ganun, gusto ko ng lumabas ngayong araw rin na ito. Pakikuha na lang ng wallet ko sa mga gamit kong nasa kabinet." saad ni Richard.

Kaagad naman itong sinunud ni Richard at ng makita ang nasabing wallet ay iniabot niya ito kay Sebastian. Pagkaabot ni Sebastian sa kanyang wallet ay binuksan niya ito, sabay kuha sa atm card at ibinigay kay Richard.

Bago iabot ni Sebastian sa kanya ang wallet, ay 'di sinasadyang makita ni Richard ang larawan ng isang magandang babae sa loob ng wallet ng una.

'Girlfriend siguro iyon ni Sebastian.' sabi sa sarili ni Richard.

"Ikaw ng bahalang magbayad sa bill ko Richard at ngayon palang ay sobrang nagpapasalamat na ako sa'yo." saad ni Sebastian matapos abutin ni Richard ang kanyang atm card.

"Walang problema Baste, basta ba ilibre mo ako kapag magaling ka na." biro ni Richard.

"Haha walang problema, sige kahit saan mo gusto." tawang saad ni Sebastian.

"Huy Baste nagbibiro lang ako, pero kung seryoso ka ay okay din sa akin." saad ni Richard na nawala na ng tuluyan ang ilang na nararamdaman at pati na ang ilang sa pagtawag nito sa palayaw ng kasama.

...

Gaya nga ng nais ni Sebastian ay nakalabas na ito ng ospital. Matapos nilang sumakay ng eroplano galing sa Davao, ngayon ay sakay ng van, kasalukuyan nilang tinatahak ni Richard ang pauwi sa bahay ng mga magulang ng kasama.

Katabi ni Richard ang kanilang family driver sa loob ng van, na sumundo sa kanila ni Sebatian sa paliparan at nasa likod naman nila ang nakatulog nang si Sebastian. Gamit ang cellphone ay ipinaalam ni Richard sa text sa kanyang mama ang malapit na nilang pag-uwi ni Sebastian. Habang hawak parin niya ang cellphone ay biglang tumunog ito at isang unknown number ang tumatawag, pagtingin ni Richard sa number ay kaagad niyang naisip na baka ito rin ang tumatawag kanya kahapon, kaya naman minabuti niyang sagutin na lamang ang tawag.

"Hello." bungad niya sa kabilang linya.

"Hello Richard. Si Lorenzo ito." sagot ng tumawag sa kanya. Saglit na napaisip si Richard at kaagad din naman niyang naalala ang kasamahang sundalo na humingi sa kanyang numero kahapon.

"Huy bok ikaw pala, pasensiya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo kahapon."

"Ayos lang 'yon Chard, oo nga pala baka nakakaistorbo ako sa'yo."

"Hindi naman Renz, hayan tinawag mo kasi ako sa palayaw ko kaya tinawag na rin kita sa palayaw mo, naku! Tama ba na Renz ang palayaw mo."

Sa kabilang linya naman ay napapangiti si Lorenzo sa kausap. 'Mukhang may pagkamadaldal pala ito.' sabi niya sa sarili.

"Ang totoo niyan Chard, hinulaan ko lang ang palayaw mo at swerteng tama pala ako, pero mukhang hindi ka magaling sa paghula ng sa akin dahil Enzo ang tawag ng lahat ng tiga sa amin sa akin." sabi ni Lorenzo sa kausap sa kabilang linya.

"Sorry naman, pero kasi pwede naman na Renz din ang palayaw mo." pilit ni Richard sa palayaw nito kay Lorenzo.

Lalo naman napangiti si Lorenzo sa kakulitan ng kausap.

"Sige na, payag na ako na Renz ang itawag mo sa akin." suko ni Lorenzo sa kausap.

"Haha sige Renz, oo nga pala bakit ka napatawag?"

'Gusto ko lang marinig ang boses mo' yun sana ang gustong sabihin ni Lorenzo pero baka mabigla ang kausap kapag iyon ang kanyang sinabi.

"Ah nangangamusta lang at sinigurado ko lang na tama ang numerong ibinigay mo sa akin. Baka kasi sa dami ng mga girlfriends mo ay ayaw mong ibigay ang number mo sa akin at baka makadagdag pa ako sa mga tumatawag sa'yo." pag-iiba ni Lorenzo sa gustong sabihin at pabiro pang idinagdag ang mga huling sinabi.

"Loko ka Renz, para sabihin ko sa'yo wala pa akong girlfriend sa katunayan kahit isang nobya hindi pa ako nagkakaroon."

Si Sebastian naman ay nagising ilang saglit pa lang ang nakalilipas sa narinig na boses ni Richard at napatingin ito sa gawi ng huli. Rinig tuloy nito ang malamyos na boses ng kasama habang may kausap ito sa kabilang linya. Patuloy lang si Sebastian sa lihim na pakikinig sa may kausap na si Richard at 'di nito namalayan na napangiti ito ng matawa si Richard sa kausap. Hindi alam ni Sebastian kung sino ang kausap ni Richard sa kabilang linya. Narinig rin ni Sebastian ang sinabi ni Richard, na wala itong nobya at kahit isang nobya ay hindi pa ito nagkakaroon, nalaman niya rin na Renz ang pangalan ng kausap ng huli. Sa isip ni Sebastian ay babae ang kausap ni Richard at mukhang nakikipagflirt ito sa paraan ng pakikipag-usap sa kabilang linya. Kanina ng marinig na wala pang nobya at naging nobya si Richard ay 'di alam ni Sebastian kung bakit natuwa siya sa narinig, pero ng marinig ang paraan ng pakikipag-usap ng una sa kausap ay nakaramdam naman siya ng inis.

Sa kabilang linya naman ay sobrang saya ang nadama ni Lorenzo dahil sa narinig.

"Maniwala ako sa'yo, baka ayaw mo lang malaman ko na marami kang babae." patuloy na biro ni Lorenzo sa kausap.

"Hahaha loko totoo ang sinabi ko, sa ating dalawa, ikaw ang mukhang may maraming babae." balik sa kanya ni Richard.

"Hahaha ikaw Chard ah, mukhang tama nga ako, kasi ibinalik mo sa akin ang sinabi ko sa'yo na marami kang babae." giit pa ni Lorenzo kay Richard.

"Hahaha wala nga akong nobya, ikaw hindi mo ikinaila na marami kang babae, kasi tama ako."

"Hindi ko ikinaila kasi wala naman, o sige na nga naniniwala na ako na wala kang maraming babae." pagsuko ni Lorenzo sa kausap.

"Dapat lang kasi wala naman, siguro darating din 'yon balang araw." sagot ni Richard.

"Tama ka Chard ganun din ang nasa isip ko. O sige ibaba ko na ang tawag para matawagan mo na ang mga girlfriends mo." tapos ni Lorenzo at hinabol pa ang pagbibiro sa kausap.

"Loko ka talaga Renz hahaha." at ang tawang iyon ni Richard ang kumumpleto sa araw ni Lorenzo.

Si Sebastian naman, ang inis na naramdaman kay Richard ay nawala dahil sa patuloy niyang pakikinig sa huli, napagtanto nito na lalake pala ang kausap ni Richard. Ngayon naiinis si Sebastian sa lalaking nakausap ni Richard.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon