PANG-ANIMNAPUT-ANIM

2.7K 119 9
                                    

Pagkagising sa umaga ni Sebastian, ang maamong mukha ng natutulog na mahal ang bumungad sa kanya. At ito ang tanawin na hindi pagsasawaang pagmasdan ng Komandante, pero nang maisip nito ang dahilan sa maaga nitong paggising, ayaw man nitong humiwalay sa himbing pang si Richard, minabuti na nitong bumangon.

...

Tunog ng kanyang cellphone ang gumising sa natutulog pang si Richard. At paggising nga niya, kaagad nitong napansin na wala na ang katabi nitong Komandante. At ng muling marinig nito ang pagtunog ng kanyang cellphone ay minabuti na nitong sagutin ang tawag.

"Hello ma." bungad ni Richard ng makitang, ang kanyang mama ang tumatawag.

"Hello anak, kamusta kayo ni Baste d'yan?"

"Okay naman ma, kayo ni papa kamusta kayo?"

"Mabuti rin anak, sige na, nangamusta lang ako at enjoy kayo ni Baste sa bakasyon ninyo."

"Okay, sige po ma."

Matapos makausap ang ina ay minabuti na ni Richard ang bumangon. Pagtayo nga nito ay dumiretso na ito ng banyo para maligo. Sa salaming nasa banyo ay muling bumungad kay Richard, ang kanyang katawan na puno ng mga kissmark na bigay ni Sebastian kagabi. At sa nakita'y naiiling man ay masaya si Richard, kahit pa parang mabangis na hayop ang nakaulayaw nitong Komandante, sa paraan ng pag-ankin muli nito sa kanya.

Matapos maligo ay lumabas na ng kuwarto si Richard, at sa isip ng sundalo ay muling makikita nito ang Komandante na nasa resto na ng hotel.

...

Pagdating ni Richard sa resto ay kaagad na hinanap ng kanyang mga mata si Sebastian, pero ni anino ng Komandante ay hindi man lang nito nakita. At para masagot ng sundalo, kung nasaan ang mahal nitong sundalo rin, minabuti na nitong tawagin ito.

"Baste nasaan ka?" bungad ni Richard ng sagutin ng Komandante ang kanyang tawag.

"Wala man lang bang goodmorning baby, pasensya na at baka mamaya na ako makauwi, may inasikaso lang ako."

"Ano ba naman iyan Baste, kaya nga nagbakasyon tayo para makasama natin ang isa't-isa, pagkatapos iiwan mo na naman pala ako." sagot ni Richard sa Komandante at pinababatid sa kausap ang pagkadismaya nito.

"Sorry na baby, promise babawi ako sa'yo mamaya." suyo ng Komandante sa kabilang linya.

"Bahala ka na nga!" sagot ni Richard at ibinababa nito ang tawag.

Aaminin ni Richard na talagang nainis siya sa mahal, buong akala talaga kasi nito, na ngayong araw ay mag-eenjoy lang sila ng Komandante sa iba't-ibang maaari nilang gawin sa magandang beach ng Palawan, pero paaano pa siya magiging masaya, gayung mag-isa na lang siya.

...

"O Baste, anong sabi ni Richard?" usisa ni Aurora sa ilang buwan mula ngayon ay magiging manugang na nito.

"Hayun ma, nagalit sa akin." pilit na ngiting sagot ni Baste.

Kita naman ng mag-asawang Manalo ang nalungkot na mukha ng Komandante.

"Masanay ka na sa ugali ng magiging asawa mo, ilang buwan mula ngayon, anak, pero kung nagdadalawang isip ka puwede ka pang umatras." biro ni Heneral Manalo sa Komandante.

"Iyon ang kailanman na hindi ko gagawin pa, at naiintindihan ko naman si Chard kung bakit nagalit siya sa akin." maagap na sagot ni Sebastian.

"Aba dapat lang anak, kasi kapag kinasal na kayo ni Richard, hindi maiiwasan na magkatampuhan o kaya naman ay mag-away kayo, at gaya ng paulit-ulit na sinasabi ng mga matatanda, hindi parang mainit na kanin ang pag-aasawa na kapag napaso ka ay iluluwa mo kaagad." saad at paaalala ni Alfredo sa kanyang unico hijo.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon