PANG-TATLUMPUT-SIYAM

2.4K 105 13
                                    

Gaya nga ng sabi ng among sundalo, paglabas ni Hansel sa cafe kasabay ng mga katrabahong sina Terrence at Alona, kaagad niyang napansin ang mamahaling sasakyan ng Komandante.

"Wow! Si boss siguro ang may-ari ng sasakyang iyan." saad ni Terrence na manghang-mangha sa sasakyan na malapit sa kanila.

"Hindi kay boss 'yan, ilang buwan na tayong nagtatrabaho dito ay hindi mo pa kilala ang sasakyan ni boss." saad ni Alona.

Samantala, hindi alam ni Hansel kung ano ang kanyang gagawin. Sigurado kasing magtataka ang dalawang katrabaho, kapag nakita siyang sumakay sa sasakyan ng Komandante.

Abala si Hansel kung ano ang gagawin ng bumukas ang pinto ng sasakyan ng Komandante.

Ilang minuto pagdating ni Erick sa cafe na pinagtatrabahuan ni Hansel, sunod na nakita nito ang paglabas na ng huli at kasama pa ang dalawang tao na sa isip ng Komandante ay kasamahan sa trabaho ni Hans.

Minabuting hayaan na lang ni Erick na puntahan siya ni Hansel sa kanyang sasakyan, pero ilang minuto pa siyang naghintay dahil hindi parin siya pinupuntahan ng huli. At sa nakita ng Komandante na pag-akbay ng lalaki kay Hansel, doon na naisipan lumabas ni Erick sa kanyang sasakyan.

"Hans!"

Kaagad na napatingin ang tatlong magkakatrabaho, sa lumabas na sa saksakyan na si Erick.

Si Hansel na kinabahan sa seryosong mukha ng Komandante matapos nitong tawagin ang pangalan niya. Pansin rin ni Hansel ang nagtatanong na mukha ng mga kasama, na matapos tumingin sa Komandante ay sa kanya naman bumaling ng tingin.

"Kilala mo siya Hans?" 'di na napigilang tanong ni Terrence na naka-akbay parin kay Hansel.

Si Alona naman ay natahimik at inaamin ng dalaga na nagwapuhan ito sa makisig na lalaki, na siya palang may-ari ng magarang sasakyan at hinihintay rin nitong malaman kay Hansel, kung kaanu- anu ng kasama sa trabaho ang guwapong lalaking na nasa harapan nila ngayon.

"Ah a-ano kasi." saad ni Hansel na 'di alam kung paano ipapakilala ang sarili at kung kaanu-ano niya ang among sundalo.

"Totoy, tanggalin mo ang kamay mo sa balikat ni Hans." seryosong utos ni Erick na nakalapit na sa kinaroroonan ng tatlo.

Napakunot-noo naman si Terrence sa utos ng lumapit na lalaki.

"Anong sabi mo? Bakit sino ka ba?" sagot na tanong ni Terrence sa lalaki.

Sa nakitang mukhang mag-aaway nang itsura ng dalawag lalaki, kaagad na tinanggal ni Hansel ang braso ni Terrence sa kanyang balikat.

"Ah Alona, Terrence. Siya nga pala si Kuya Erick at amo ko siya sa isa ko pang trabaho." pakilala ni Hansel sa Komandante sa mga katrabaho.
"Ku-kuya, si Alona at Terrence mga katrabaho ko dito sa cafe." kabang pakilala ni Hansel sa dalawa sa kanyang among sundalo na nanatiling seryoso parin ang mukha.

"Si-sige mauna na kami ni kuya." baling ni Hansel sa dalawang katrabaho, na alam nitong kanina pa gustong mangyari ng among sundalo.

At dala ng kaba ni Hansel ay hinawakan na nito ang kamay ni Erick para pumunta na sila sa sasakyan ng huli.

"Bye Hans." sigaw ni Alona.

"Bye Hansel, yung sinabi kong manliligaw ako!" sigaw naman ni Terrence.

At sunod na naramdaman ni Hansel na tumigil sa paglalakad ang among sundalo at humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay.

"Si-sir, nagbibiro lang po si Terrence." kabang saad ni Hansel na baka may masamang isipin na naman sa kanya ang Komandante.

Doon na lumuwag ang hawak sa kanyang kamay ng sundalo at tumuloy na rin ito sa paglalakad papunta sa sasakyan.

...

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon