PANG-LABING-APAT

3.9K 115 37
                                    

Hindi alam ni Richard kung alin ang isusuot sa mga damit na nasa closet niya. Ilang sandali na lang kasi at aalis na sila ni Sebastian para kumain sa labas. Hindi nga parin siya makapaniwala hanggang sa ngayon, na inaya siya ni Sebastian na magdate sila. Ganun man, sinagot niya ito ng oo, ng tanungin siya ulit nito. At sa naging sagot niyang 'yon, sinunggaban siya kaagad ng halik ni Baste, na kita niya ang bakas sa saya ng mukha ng humiwalay ito. Sa naisip ay kaagad na napangiti si Richard. Aminado siya, na unti-unti ng nahuhulog ang loob niya kay Sebastian at naisip, na posibleng ganun din ang nararamdaman ng huli sa kanya, na dahilan ng paglabas nila mamaya.

Matapos maligo ni Richard, isinuot na nito ang damit na napili. Suot ang puting sando, ipinatong nito ang isang long sleeve polo shirt na kulay itim, na may tatlong butones sa harapan, hinayaan nitong nakabukas ang unang butones sa suot na damit. Itim naman na jeans ang pang-ibabang suot niya at black leather Plain-toe na sapatos. At syempre ang paborito niyang cologne ang panghuli. Saglit na tinignan ni Richard ang imahe sa harapan ng salamin at konting ayos pa ng maikling niyang buhok, lumabas na rin ito.

Paglabas niya, kasalukuyan naman na naghihintay si Sebastian. Kaagad dumako ang tingin ni Sebastian kay Richard at tinignan nito ang suot ng huli.
'Sadya ngang napakagwapo ng bunso ng Heneral.' saad ni Sebastian sa sarili.

"You look gorgeous." hindi na napigilang pang saad ni Sebastian sa nakitang ayos ni Richard.

Sa narinig ni Richard, kaagad na namula ang mukha nito sa natanggap na papuri kay Sebastian. Aminado rin siya, na lalong gumwapo si Sebastian sa paningin niya. Sa suot na itim na damit, na pinatungan niya ng  checkered long sleeve polo na kulay puti at abo na nakabukas lahat ng butones, kulay black na khaki pants at black leather shoes naman ang ibabang suot nito.

"Ikaw rin, ang gwapo mo." balik na papuring saad ni Richard kay Sebastian at kaagad na iniwas ang tingin sa huli dahil sa hiya.

"Halika na, nagpaalam na rin ako kila tito at tita at idinahilan na sasamahan mo lang ako sa bar." yakag at paliwanag na saad ni Sebastian.

"Sige."

...

Tamihik ang dalawa habang nagmamaneho si Sebastian, sa hiniram niyang sasakyan sa papa ni Richard.

Habang tahimik na nagmamaneho si Sebastian, ang katabi nito sa passenger seat na si Richard ay abala ang isip, sa kung anong maaring mangyari sa magiging date nila.

Ilang sandali pa.

"Nandito na tayo." saad ni Sebastian na bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
"Huwag ka munang bababa." dagdag pa ni Sebastian.

Nanatili nga si Richard sa sasakyan, sunod sa sinabi ni Baste. Samantalang kaagad naman pumunta sa kabilang pinto ng sasakyan si Sebastian para pagbuksan si Richard.

Sa nakitang ginawa ni Baste, inaamin ni Richard na kinilig siya sa simpleng  ginawa na iyon ng una.

Pagbaba ni Richard sa sasakyan, kaagad na hinawakan ni Sebastian ang isang niyang kamay.

"Baste, sigurado ka ba?" kabang tanong ni Richard at bahagyang hinila pahiwalay ang kanyang kamay na hawak ni Sebatian.

"Don't worry." sagot ni Sebastian at hindi pinakawalan ang kamay ni Richard. "Hayaan mo sila, ikaw lang ang mahalaga sa akin ngayon." dagdag pang saad ni Sebastian.

Ibayong saya at kilig ang naramdaman ni Richard sa narinig, ngunit pinilit nitong 'wag ipahalata sa kasama ang nadama.

At magkahawak kamay na tinungo ng dalawa ang restong pinili ni Sebastian sa kauna-unahan nilang date.

"Welcome sirs, any reservation?" bungad ng waiter sa dalawa at hindi nakaligtas ang pagtingin nito sa magkahawak nilang kamay.

Sa nakitang pagtingin ng waiter sa kanilang mga kamay, nakaramdam ng takot si Richard, lalo na sa iisipin ng iba pang mga taong kasalukuyang naroon.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon