PANG-ANIMNAPUT-TATLO

2.6K 108 21
                                    

Abala sa paglilinis ng sala si Hansel ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa malapit lang na sofa. Pagtingin nga ng binata ay napangiti ito ng makitang ang mahal nitong Komandante ang tumatawag.

"He-hello daddy." bungad ni Hansel sa Komandante.

"Hi baby, magbihis ka ah, mamayang pag-uwi ko ay may pupuntahan tayo." saad sa kabilang linya ni Erick.

"Sige daddy."

"O sige, ibaba ko na rin ito, love you baby."

"Okay daddy, love you too." sagot ni Hansel at kahit pa namumula sa oras na iyon ay sobra namang kinilig sa maikling pag-uusap nila ng Komandante.

At gaya ng nais ng mahal nitong sundalo, mabilis ng tinapos ni Hansel ang paglilinis, para makaligo na ito.

...

Nakapagbihis na si Hansel at hinihintay na lang nito ang pagdating ng Komandante para sa lakad nila, pero bago iyon ay muling tumunog ang kanyang cellphone. Pagkakita nito ay hindi ang Komandante ang tumatawag, kungdi ang bunsong kapatid nito na si Richard.

"Hello sir Chard." bungad ni Hansel.

"Hello Hans, congrats pala ah, sabi ni kuya ay umamin ka na rin sa wakas." saad ni Richard at alam ni Hansel na tumawag ang sundalo para tuksuhin siya nito.

"Oo nga sir Chard, pero kahit na alam kong inaasar mo ako ngayon, salamat ah, dahil sa payo mo kaya nagkalakas rin ako ng loob na sabihin na sa kuya mo na mahal ko siya."

"Wala yun, masaya ako para sa inyo ni kuya, kaya dapat samantalahin mo na ang pagkakataon ngayong nanliligaw na siya, sa aming tatlong magkakapatid, si kuya ang pinakamayaman."

"Hindi naman iyon ang dahilan kaya minahal ko si sir Erick, pero maiba ako, masaya rin ako para sa inyo ni sir Sebastian."

"Alam ko naman iyon at pati na si kuya, pero sa'yo rin naman mapupunta ang anumang pag-aari ni kuya balang araw, pero salamat sa tungkol sa amin ni Baste."

"Salamat din sir Chard at kahit hindi pa tayo matagal na magkakilala ay tanggap mo ako para sa kuya mo." saad ni Hansel na 'di na maiwasang maiyak dahil sa sinabi ni Richard.

"Oh napaiyak pa yata kita, wala 'yon Hans, gaya ng sabi ko nga kanina, masaya akong ikaw ang mahal ni kuya dahil alam kong mahal ninyo ang isa't-isa, maiba ako may nangyari na ba sa inyo?"

"Sir Chard ano bang klaseng tanong iyan?!"' di makapaniwalang bulalas ni Hansel.

"Hahaha, ibig sabihin wala pa nga, isang payo lang Hans, magpraktis ka na para doon, maawa ka naman kay kuya na ilang buwan ng nagpipigil sa'yo." natatawang saad ni Richard.

"Eh wala pa akong karanasan sa bagay na iyon." amin ni Hansel sa kausap.

"Huwag kang mag-alala, papadalhan kita ng website para d'yan, o sige mag-enjoy kayo ni kuya sa date ninyo." huling saad ni Richard sa kabilang linya.

Gaya nga ng nabanggit ni Richard sa telepono, sumunod ay nakatanggap ng text si Hansel.

Pagkabukas sa text ay isa ngang link sa isang website iyon at dala ng kuryosidad ay ini-open ni Hansel ang nasabing link. Kaya naman bumungad sa mga mata ni Hansel, ang isang porn website na tampok ang isang twink na lalaki habang subo-subo nito ang malaking kargada ng isang maskuladong lalaki. At sa nakita ni Hansel, bumalik sa kanyang ala-ala ang sandaling nahuli niya ang Komandante, habang nilalaro nito ang sariling kargada.

'Handa na ba ako para dun.' saad sa isip ni Hansel.

Naputol ang pag-iisip ni Hansel tungkol sa makamundong bagay ng bumukas ang pinto, na dulot ng dumating ng Komandante.

Pag-ibig ng Sundalo Book ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon