Alone

133 8 0
                                    

Mag isa akong nakatira sa apartment ko

Bali nagtatrabaho kasi ako malayo sa pamilya ko kaya ganun

Hanggang sa isang gabi habang naglalakad ako pauwe sa inuupahan ko ay may nakita akong isang batang babae

Madungis ito

Umiiyak

Nakayuko lamang ito sa tabi ng isang poste ng ilaw na panay ang patay sindi

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin pero nilapitan ko yung bata

''Bakit ka umiiyak?" Tanung ko sa bata ng malapitan ko ito

Tumingin lang ito sakin

Walang imik

Naawa ako sa bata dahil gabing gabi na at nasa labas pa din siya dagdag pat wala man lang itong kasama

"Halika sumama ka sakin" nakingiting yaya ko sa kanya

Pero seryoso lamang siyang nakatingin sa akin

"Nasan ang magulang mo? Bakit mag isa mo lang? May kasama kaba?" Sunod sunod kong tanung pero tanging iling lang ang sagot niya

Akma na sana akong aalis ng bigla niyang hawakan ang mangas ng aking damit

Napalingon ako saknya

"Nawawala po ako" mahina pero sapat na para marinig ko ito

"Halika dadalhin kita sa police station" aya ko saknya pero bigla siyang huminto

"Bakit?" Nagtatakang tanung ko pero hindi na naman siya umiimik

"Sige bukas nalang ha? Tutal gabi na. Isasama muna kita sa bahay ko malapit lang naman yun dito" nakangiti kong sabi saknya . Hinawakan ko ang mga kamay niya at sabay na nga kaming naglakad pauwe.

Nang makarating kami sa bahay ay tahimik pa din siya

Inilapag ko sa mesa ang aking bag saka humarap saknya

"Umupo ka muna" iminuwestra ko saknya ang upuan at sumunod naman ito

"Ako pala si ate Sheena mo, ikaw? Anung pangalan mo?" Sandali siyang tumitig sa akin bago nagsalita

"Alicia po" ngumiti ako

"Gusto mo bang kumain? Nagugutom kaba?" Tanung ko ulit saknya pero tulad kanina ay iling na naman ang naging tugon nito

"Saglit lang ha magpapalit lang ako, bibigyan na din kita ng pang palit para mas maging kumportable ka"

Nasa kwarto na kami noon pero ayaw niyang mahiga sa kama ko

Ipinagpipilitan ko kasi pang isang tao lang kama ko at nais kong dun siya at ako sa sahig pero ayaw niya

Kaya wala akong nagawa kundi sa kama matulog at ayusan nalang siya ng mahihigaan sa lapag

"Ayos kalang ba jan?" Tanung ko ulit sakanya habang nakahiga pero nakatalikod lang ito at hindi umiimik marahil ay nakatulog na

Maya maya pay nakaidlip na din ako

At Ng nasa ikalaliman na ako ng aking tulog ay may naramdaman akong malamig na kamay na humahaplos sa aking muka

Parang nagyeyelo ito sa sobrang lamig

Parang may kung ano ding bumubulong sa tenga ko na hindi ko maintindihan

At ng pagmulat ko ng mata ay kasabay ng gulat dahil nakita ko ang muka ni Aliciang nakatapat sa muka ko

Siya pala yung bumubulong sa tenga ko

"Ate" mahina sabi niya nahalos namamaos ang tinig

Napatingin ako sa orasan

Alas dos na ng madaling araw

"Bakit?" Nagtatakang tanung ko saknya ng medyo makabawi ako sa gulat

"Nagugutom na po ako" hindi nakapag tataka dahil hindi siya kumain kanina

"May pagkain pa sa mesa , kumain ka nalang dun" sabi ko

"Ayoko ate, gusto ko salabas" medyo na tigilan ako sa sinabi niya. Bakit niya ako yayayaing kumain sa labas ng ganitong oras

"Madaling araw na Alicia, kung gusto mo mamaya nalang maliwanag kung ayaw mo ng pagkain sa mesa" medyo alanganing sagot ko

"Ayoko po ate, gusto ko ngayun, gutom na po ako" pagpupumilit niya

"Gutom.na gutom kanaba talaga?" Medyo naawa ako

"Opo" tipid na sagot niya

"Sige may 7/11 naman jan, saglit lang at kukuha ako ng jacket natin" sabi ko nalang dahil talagang naawako saknya baka talagang gutom na siya

Nasa tapat na kami noon ng 7/11 pero ayaw pumasok ni Alicia sa loob

"Akala ko ba nagugutom ka?" Nagtatakang tanung ko saknya

Dun ko na napansin na tila hindi siya mapakali at lingon ng lingon sa paligid

"Alicia" tawag ko uli saknya

"Hindi po ako nagugutom" bahagya akong nagulat sa naging tugon niya

Kung hindi siya nagugutom bakit niya ako niyaya sa labas ng ganitong oras

Nakaramdam na ako ng bahagyang takot sa kinikilos niya

At mas lalo akong kinilabutan nung sabihin niya ang dahilan kung bakit pinagpilitan niyang lumabas kaming dalawa

Halos manikip ang dibdib ko at manginig ang tuhod dahil dito

" ee kasi ate, kanina habang natutulog ka. Nagising ako at napatingin sa ilalim ng kama mo. May roong lalaki. Nakatalikod at may hawak na kutsilyo"

Napag alaman kong may nakapasok palang lalaki sa loob ng apartment ko
Marahil alam niyang mag isa lang ako doon kaya siya palihim na pumasok

Agad kaming tumawag ng police ni Alicia
At nahuli naman ang lalaking nanloob sa apartment ko
Ang sabi ng mga pulis ay nakita nila ang lalaking nagtatago sa likod ng front door at may hawak ding kutsilyo
Marahil ay inaantay niya kami ni Aliciang bumalik galing sa labas upang masagawa niya ang kanyang plano

Laking pasasalamat ko
Kung hindi dahil kay Alicia ay hindi ko alam kung anung pwedeng mangyari sa akin
Siguro iniligtas ako ng guardian Angel ko. At si Alicia ang ginamit niya.
------------

-end

Compilation Of Horror StoriesWhere stories live. Discover now