Kulam 2

89 7 0
                                    

Nagising si Angela na masakit ang katawan

Bumangon siya sa kama at dumeretsyo sa banyo

Pagkatapos mag hilamos ng muka ay isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya

Nakita niya kasi sa salamin ang kanyang itsura

Nagtutuklap tuklap ang kanyang mga balat
Sugat sugat ito

Ng subukan niya itong hilain ay sumama pati ang kaunting laman

buhay pa siya pero naaagnas na

Sobrang hapdi ng kanyang pakiramdam

Pati ang kanyang mga buhok ay naglalagas na din

Maya maya pay nakaramdam siya ng pananakit ng bunganga

At ng subukan niyang dumura

Sumama din ang kanyang mga ngipin

Punong puno ng dugo ang kanyang katawan at bibig

Hindi niya alam kung anung gagawin

Hanggang sa mapansin niya ang animoy paggalaw sa mga sugat na natamo niya kay Melissa kahapon

Lumapit siya sa salamin at tinitigan iyon

Gumagalaw ang kanyang mga laman

Sinubukan niyang tuklapin ang balat dito

At ganun na nga ang matinding hilakbot niya ng bumulwak ang dugo sa kanyang leeg kasabay ng paglabas ng maraming uod

Buhay ang mga ito

Gumagalaw

Nakakadiri

Biglang pumasok ang kanyang ina

At napasigaw ito sa sobrang gulat dahil sa itsura ng kanyang anak

Isinugod sa hospital si Angela

naging bali balita ito sa kanilang paaralan

Maraming nag bubulung bulungan at isinisisi kay Melissa ang pangyayari

Hindi pa din sila tumitigil sa pambubully saknya

Lalo na ang mga kaibigan ni Angela

Sila kriza, Nicole at Alexa

Pauwe na noon si Melissa ng itulak siya ni Kriza sa pinto

Napaupo siya

"Anung lahi ang meron kang impakta ka! Ikaw ang may kagagawan nun kay Angela ano!" Sigaw sa knya nito

Ngunit isang nakakalokong ngiti lang ang ibinigay ni Melissa

Tumayo siya saka matalim na tumingin sa kanila

"Wag kayung mag alala, susunod na kayo" napaatras sila sa labis na takot ngunit hindi nila ito pinahalata

Sinampal siya ni Nicole

Nag dugo ang kanyang labi

Pero dinilaan niya lang ito

"Masarap ang dugo Nicole, anu naman kayang lasa ng dugo mo" nagulat sila sa sinabi nito

"Demonyo ka Melissa! Demonyo!"

"Kayo ang Demonyo!" Napakatalim ng tingin ni Melissa sakanila

Isa isa niya silang dinuro

"Tandaan niyo, hindi magiging maganda ang katapusan niyo sa mundo" sabi ni melissa bago umalis

Natahimik lang ang grupo nila Kriza

Hindi sila makaimik

Takot na takot sila


Alas dose ng gabi

Nakatingin lang si Nicole sa kanyang orasan

Hindi siya makatulog

May kutsilyo din sa tabi ng kanyang unan

Maya maya pay

Nakarinig siya ng isang malakas na halakhak

Agad niyang hinawakan ang armas na meron siya

Tinitignan niya ang paligid

Humangin ng malakas

Bumukas ang kanyang bintana

Tatayo na sana siya ng may makitang babaeng naka upo doon

"Sino ka?" Tigalgal na tanung niya

"Kamusta Nicole?" Tanung ng babae kasabay ng isang malakas na halak hak

"Sinu ka?!" Ulit niya ngunit imbis na sumagot ay dahan dahan itong lumapit saknya

Gumagapang ito

Ng medyo makalapit ay natitigan niya ang itsura nito

Kinilabutan siya

Nangingitim ang mga ngipin nito

Medyo iba na din ang kulay ng balat niya

May kasama pang malapot na berde na lumalabas doon

Unti unti ding nahuhulog ang mata niya

Parang kandilang nalulusaw ang kanyang muka

Muka itong bangkay na bumangon

Hinawakan ni Nicole ng mahigpit ang kutsilyo at itinutok sa kaharap

"Wag kang lalapit" maluha luhang sambit ni Nicole ngunit isang nakakalokong ngiti lang ang ibinigay nito

Kasabay ng isang mabilis na takbo papunta saknya

Kinagat nito ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo

Nabitawan niya iyon

Nginunguya nito ang kanyang mga laman

Naglabasan ang matatalim nitong mga kuko saka isinaksak sa dib dib ni Nicole

Kinagat ulit nito ang kanyang mga binti

Parang isang gutom na hayop na nag pipyesta sa kanyang katawan

Sigaw ng sigaw si Nicole ngunit parang walang nakakarinig


Kinaumagahan

"Nicole anak, gising na may pasok kapa" tawag ng ina nito saknya

Nagtaka siya dahil anung oras na at di pa lumalabas ang kanyang anak

Binuksan niya ang pinto

At dahan dahang pumasok sa kwarto ng anak

Napasigaw ng malakas ang ginang dahil sa itsura ng kanyang anak

Nagkalat ang dugo sa kama nito

Habang si Nicole ay nakaupo sa Gitna

Nginunguya nito ang kanyang sariling putol na mga kamay

Para itong nababaliw

May mga kagat din sa ibat ibang parte ng katawan nito

Sa binti

Sa paa

May wakwak din ang dibdib niya

Isinugod nila sa hospital si Nicole pero dahil sa dami ng dugong nawala saknya hindi na ito umabot ng buhay.

-----------

Other stories:
True Horror Stories
Short Horror Stories
Tinta
HitchHiker Horror Story (OneShot)

Compilation Of Horror StoriesOn viuen les histories. Descobreix ara