LockDown

61 4 0
                                    

"Patuloy pa din sa pag dami ang mga kaso ng CoVid19 ,pinag iingat ang mga tao sa bawat komunidad at inuutusang wag munang lalabas ng kanilang mga tahanan hanggat di pa natatapos ang krisis na ito"

(Kasalukuyan sa bayan ng San Roque)

"Ma natatakot na po ako" humihikbing turan ni Stephen sa kanyang ina, ito na kasi ang ikalawang buwan pagkatapos iutos ng mga nakakataas ang total Lockdown

"Wag kang magalala anak, matatapos din ito" saad naman ni aling beth sa anak habang sumisilip sa bintana

Isang malakas na katok ang bumulahaw sa mag ina

"Si-sinu yan?!" Nanginginig pa ang boses ni Aling beth na sigaw dito

Ngunit hindi ito sumagot

Patuloy lang ito sa malakas na pag katok sa kanilang bahay

Sinilip niyang muli ang kanilang bintana at nagbabakasakaling makita kung sino iyon

Isang matangkad na lalaki

Nakasuot ito ng face mask at parang plastic sa harap ng muka at ulo

Nakasuot din ito ng puting gloves at bota na nadoble pa ng parang supot

Nababalutan din ang katawan nito ng kulay asul na damit na parang supot din

"Sinu ka?! Anung kailangan mo?!" Kahit na tatakot ay sigaw ulit ni Aling beth

Tumigil sa pagkatok ang lalaki saka bigla nalang umalis

Dali dali namang lumapit si aling beth sa kanyang anak at niyakap ito

Maya maya pa

Isang nakakabulahaw na  pagkabasag ng salamin ang narinig nila

Nanlalaki ang kanilang mga mata ng makita ang matangkad na lalaki sa harap ng kanilang bintana

Dahan dahan itong pumasok papasok sa kanilang basag basag na bintana

Rinig na rinig pa nilang mag ina ang bawat pagka pirapiraso ng mga bubug na naaapakan ng nilalang na ito

Dali dali silang tumakbong mag ina sa kusina upang kumuha ng armas

Sinundan naman sila doon ng lalaki

"Anung ginagawa mo dito?!" Pasigaw na tanung ni aling beth sa lalaki

Ngunit hindi ito sumagot at lumapit lang saknya

Iwinasiwas naman ni aling beth ang kutsilyong hawak niya dito

Ngunit

Dahil na rin siguro sa labis na kapayatan ay agad na naagaw ng lalaki ang kutsilyo kay Aling beth

Isang buwan na kasi silang walang halos makain

Hinawakan ng lalaki si Aling beth saknyang buhok at mabilis na hinila

Rinig na rinig pa ang mga palahaw ni Aling beth habang nanlalaban sa lalaki

Ngunit sadyang sobrang payat at hina na talaga ng katawan nito

Maya maya pa

Biglang bumagsak sa sahig ang katawan ng lalaki

Nangisay pa ito ng maka ilang ulit

Habang habol habol ang hininga

Ang kaninay takot na takot na si Aling beth ay napalitan ng dahan dahang pag ngisi

"Magaling, magaling anak" mahinang sabi niya sa kanyang anak

Nakatayo ito sa uluhan ng lalaki habang may hawak hawak na palakol sa kanyang kamay

Nagkalat pa ang dugo sa muka nito at damit dahil sa tilamsik ng dugo ng lalaki kanina

"May pagkain na naman tayu inay" masaya namang sagot nito saknya.

---------

Hello Guys! very short update lang po ito
Lahat po ay pinapayuhang mag ingat sa nagaganap na crisis ngayun
Makinig lamang po tayu sa mga payo ng DoH
Nakikiramay po ako sa mga namatayan at pinapanalangin ko na sana ay mabilis na gumaling ang mga na apektuhan
Manalig lamang po tayu sa puong may kapal
Makakabangon din po tayo
Love you all

Compilation Of Horror StoriesWhere stories live. Discover now