Retreat 1

89 6 0
                                    

Nagmamadali akong tumatakbo papasok sa isang lumang retreat house

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagmamadali akong tumatakbo papasok sa isang lumang retreat house

Doon kasi gaganapin ang aming retreat
May roon kasing malaki at malawak na silid doon na sadyang ginawa para sa ganitong mga events

Dito na din kami mag oovernight dahil sabi sa akin ay mga 3 days daw kami dito

Takbo lang ako ng takbo sa pasilyo hinahanap kung nasan ang mga kasama ko

Hanggang sa madaanan ko isang pintong nakabukas

Sinilip ko ito

At mahina akong napamura

Naguumpisa na sila

Dahan dahan akong pumasok

Muka namang di nila napapasin dahil lahat sila nakatayo at nakayuko

Tila nag darasal

Napakunot din ako ng noo ng mapansing lahat sila naka itim

May color coding pala hindi man lang ako nasabihan

Tip toe akong lumapit sa isang bakanteng upuan

At nakigaya na din sa pag yuko

Pinikit ko ang aking mga mata

Ave maria,
Gratia plena,
Dominus tecum.
Benedicta tu in mulieribus,
Et benedictus fructus
Ventus tui, Iesus.
Sancta Maria,
Mater dei,
Ora pro nobis peccatoribus, nunc,
Et in hora mortis nostrae. Amen.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata

Halos mapaupo ako sa gulat dahil lahat sila nakatingin sa akin

Pumikit ulit ako

Sobrang diin

Alam na ba nilang late ako

ilang minuto ang lumipas ng makaramdam ako na may humawak sa aking balikat

"Grace" napamulat ako "anung ginagawa mo dito?" Tanung sa akin ni Karla

Napatingin ako sa paligid

Ako lang mag isa

Wala na yung mga kasama kong nakaitim

Wala na din yung madre sa harap

"Hoy grace" napatingin ako ke Karla

pinagpapawisan na ako ng malapot

"Ah ee wala, akala ko kasi nandito na kayo kanina kaya dumeretsyo ako dito" pag sisinungaling ko

"Buti nalang at bumalik ako at nakita kita dito halika na nag bebreakfast palang kami sa dinning area" himawakan niya ang aking kamay at hinila na para sumama sa knya

Sa huling pag kakataon ay tumingin ulit ako sa kwartong pinanggalingan ko

Napahawak ako ng mariin sa rosarya sa aking bulsa

dahil kitang kita kong andun ulit sila

Nakatingin sa akin

Compilation Of Horror StoriesWhere stories live. Discover now