Retreat 2

82 7 0
                                    

Nag aayus na kami ni Karla ng aming mga gamit

room mate kami

sobrang laki ng dormitoryo at napaka raming kwarto kaya bawat isa samin ay may tig iisang silid ngunit pinili kong makiroom kay Karla dahil medyo na tatakot ako

may third eye kasi ako

maluwang ang kwarto namin

may tatlong double deck

"dalian mo Grace, mag uumpisa na tayu sa first activity" wika ni Karla sakin

dali dali naman ako nag ayus saka kami pumanhik pababa upang pumunta sa activity area

pababa na kami ng hagdad noon ng bigla akong matigilan

nagtaka naman si Karla kaya siya biglang napalingon sa akin

"bakit Grace may problema ba?" tanung niya habang kunot noong nakatingin sa akin

"ah wala" saad ko sabay lingon sa may kabilang gilid ng hagdad

hindi niya ito nakikita

nangingnig ang mga tuhod ko habang pababa kami

mayroon kasing madre

paakyat ng hagdad

at ang nakakakilabot pay pabaliktad siyang maglakad

nakatalikod siya habang umaakyat

ng magkatapat kami ay kumapit ako ng mahigpit kay Karla

saka lang ako nakahinga ng mabuti ng maka alis na kami doon

walang lingon lingon







nagsimula na ang activity

pinagsulat kami ng mga masasakit na pangyayari sa buhay namin

nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng makaramdam ako ng malamig na bagay sa aking mga paa

dahan dahan ko itong sinilip

may bata

maputla ito

napakaitim din ng kanyang mga mata

ngumiti ito sa akin kasabay ng paglabasan ng maitim na likido sa knyang bibig

"grace" nagulat ako "are you ok?" tanung sakin ni pastor James

tinignan ko ulit yung ilalim ng mesa ko pero wala na doon yung bata

"opo pastor, ok lang po ako" alanganin man ay ngumiti pa din ako saknya

nagtuloy tuloy lang ang mga activities namin

iyakan

tawanan

pero nakaka gaan ng puso

halos pagod kaming pumasok lahat sa aming mga kwarto

ngunit kahit na ganun ay may mga ngiti pa din sa aming mga labi

ganun pala yun no

kapag nailabas mo yung mga sama ng loob mo at mga matitinding problema nababawasan yung bigat

kapatawaran

acceptance

minsan kasi may mga bagay tayung hindi masabi dahil alam nating makakasakit tayu pero hindi natin namamalayan yung kagustuhan nating maprotektahan yung feelings ng iba nasisira naman yung sa atin

that's life

ika nga

hindi lagi masaya

nauna akong nahiga sa aking kama

Compilation Of Horror StoriesWhere stories live. Discover now