Chapter 5

4.8K 126 6
                                    

Chapter 5

MALUNGKOT na napatitig si Asyneth sa kanyang anak na ngayon ay naglalaro ng barbie sa kanilang bakuran.

"Anak ang aga pa, pero sambakol na kaagad 'yang mukha mo!" Puna ng ina niya sa kanya na kasalukuyang umiinom ng kape.

"Ang ganda po kasi ng anak ko." Sabi niya ngunit ang totoo ay nalulungkot siya sa isiping mawawalay siya dito, kapag nagsimula na siyang magtrabaho sa aroganteng CEO ng Montemayor.

"Oh? Nagagandahan ka pala sa anak mo, eh bakit sambakol 'yang mukha mo? Magsabi ka nga ng totoo sa akin, Neth."

Napabuntung-hininga siya. Sobrang lakas talaga ng instinct ng nanay niya at alam kaagad nito na hindi siya nagsasabi ng totoo.

"Nakakuha po kasi ako ma-- ng trabaho." sabi niya at humigop siya sa tasa ng kape nito.

"Hindi ba, sa tindahan ka ng hotdog nagtatrabaho?"

"Mag-aAWOL na ako doon ma."

"Aba! At bakit naman? Ano bang trabaho ang nakuha mo at talagang mag-aAWOL ka sa tindahan ng hotdog?"

Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ng kanyang ina. "Ma, hindi lang basta trabaho ang nakuha ko.. kung hindi swerte."

Nangunot ang noo ng kanyang ina. "Ipaliwanag mo nga sa akin, ako'y naguguluhan sa iyo."

"Kasi ma, magtatrabaho ako bilang sekretarya at kasambahay sa isang CEO ng isang kilalang kompanya!" Anunsyo niya at nagningning ang mata ng kanyang ina.

"And guess what ma? Tumataginting na fifty thousand ang salary ko!" Dagdag pa niya at halos umabot na sa tenga ang ngiti ng kanyang ina.

"Anak, para kang nagtatrabaho sa abroad niyan! sa laki ng sahod mo.. grab mo yan anak, wag mo ng pakawalan." Sabi nito at biglang sumeryoso ang kanyang mukha dahil hindi pa tapos ang kanyang anunsyo.

"Pero ma, may bad news ako."

"Ano iyon?"

Bumuntung-hininga siya. "Stay in ako ma, sa bahay ng CEO."

"P-paano si Xiana?" Tanong nito sa kanya.

"Maiiwan po siya sa inyo, ma." Malungkot niyang sagot at yumakap siya dito.

Hinagod ng ina niya ang kanyang likod. "Wag kang mag-alala, hindi ko papabayaan si Xiana."

"Salamat ma." Sagot niya pagkatapos ay kumalas na siya mula sa pagkakayakap dito at pinuntahan niya ang kinaroroonan ng kanyang anak.

"Naynay, bakit po?" Inosenteng tanong sa kanya ng anak niya.

Sinapo niya ang magkabilang pisngi nito. "Mawawala saglit si naynay ha?"

Lumungkot ang mukha ng bata, anyong maiiyak. "Naynay, saan punta mo?"

Huminga siya ng malalim. "Magwo-work si naynay sa malayo para may pambili tayo ng madaming toys mo. Okay ba 'yun anak?" Tanong niya sa bata at tumango-tango naman ito.

"Magpapakabait ka kay lola ha?" Dagdag pa niya at muli itong tumango.

Hinalikan niya ang noo nito pagkatapos ay kanya itong niyakap. Akmang bubuhatin niya ang anak ng bigla namang tumunog ang cellphone niya na nakasuksok sa garter ng suot niyang short.

Kinuha niya ang cellphone niya at agad na sinagot ang tawag.

"Where are you Miss Miranda?! Maya-maya eight o'clock na! Pumunta ka na sa bahay ni Boss, kanina ka pa niyang hinihintay!"

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na makasagot dahil agad na pinatay ng nasa kabilang linya ang tawag.

"Anak, bakit?" Tanong ng ina niya.

"Ma, kailangan ko ng umalis.." Nalulungkot niyang wika.

Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina, halatang nagulat sa sinabi niya. "Ano?! Bakit ang bilis naman yata?"

"Nakalimutan ko lang sabihin sa'yo ma, na ngayon na nga pala ang umpisa ko sa trabaho." Sagot niya.

Pinupog niya ng halik ang buong mukha ng kanyang anak. "Magpapakabait ka kay lola mo ha?" Sabi niya sa bata na halata namang hindi pa siya nauunawaan.

"Ma, mag-iingat kayo dito ha? Palagi akong magpapadala ng gastusin niyo at ni Xiana.. pasensya na ma, kung hindi ko agad nasabi na ngayon na ang alis ko."

"Ano pa nga bang magagawa ko?"

"Wala ka ng magagawa ma. Dahil buo na ang desisyon ko." Sagot niya at muli niyang hinalikan ang kanyang anak. "Hindi na ako magpapaalam kay Xiana, baka humabol pa ma eh."

"Oh, siya sige.. mag-iingat ka doon ha?"

"Opo ma." Sagot niya at naglakad na siya patungo sa kanyang kwarto upang mag-impake.

NANG makatapos na siyang mag-impake ay lumabas na siya ng kanyang kwarto. Ngunit hindi siya sa pintuan nila sa salas dumaan, kundi sa may pintuan nila sa may kusina upang hindi mapansin ng kanyang anak na nakaalis na siya.

Mahirap na, baka kapag nakita ko na umiiyak si Xiana ay magbago ang aking isipan.

Baka hindi ko na tanggapin ang trabaho.

"Paalam muna saglit anak, gagawin ito ni naynay para sayo.." Wika niya sa kanyang sarili bago siya tuluyang naglakad, papalayo sa kanilang bahay.

HALOS magdikit na ang kilay ni Xenon habang nakatingin sa pintuan ng main door ng kanyang bahay.

Linggo ngayon pero pinapapasok na agad niya ang kanyang sekretarya na kanya ring katulong.

Ipapakita niya kasi dito ang bahay niya upang madali nitong makabisado ang lugar at para mas madali nitong magagawa ang mga gawaing bahay.

"Ang tagal naman ng manang na iyon!" Wika niya habang nakapameywang at nakatingin sa may main door.

Ilang minuto pa ang lumipas at may natanaw siya sa 'di kalayuan na maliit na babae.

Pinalis niya ang pagkakasalubong ng kanyang kilay bago siya naglakad patungo sa harap ng kanyang bahay.

"Bakit ngayon ka lang?" Naninita niyang tanong sa babae na nagbaba-taas ang paghinga.

"P-pasensya na po sir, hindi ko po kasi kaagad nakita itong bahay niyo."

Inarkuhan niya ito ng kilay. "Kasalanan ko ba 'yun, Asy?" Sarkastiko niyang tanong sa babae.

Umiling-iling ito. "Hindi po sir, kasalanan ko po."

Nginisian niya ito. "Tama, ikaw nga ang may kasalanan." Sabi niya at dahil naaawa siya sa hitsura ng babae na mukhang nabibigatan sa dala nitong bag ay kinuha niya iyon.

"Follow me." Sagot niya at tumango-tango ito sa kanya.

"This will be your room. Katabi lang ng kwarto ko para kapag kailangan kita bilang katulong at sekretarya ko ay agad kitang mapupuntahan." Sabi niya kay Asyneth habang ipinapakita dito ang kwartong tutuluyan nito.

"Anong oras po kayo nagigising?"

"Usually, I wake up at exactly six in the morning. So, kailangan mong magluto ng pagkain bago ako gumising. At ayaw ko sa makupad." Pagdidiin niya.

"Sige po, sir."

"Good." Sabi niya pagkatapos ay naglakad na siya papalabas ng silid ng kanyang katulong.

NAIWANG nakatunganga si Asyneth sa loob ng kanyang kwarto habang ina-absorb niya ang mga sinabi ng kanyang amo.

Pero parang hindi iyon ma-absorb ng kanyang utak. Dahil natabunan iyon ng paghanga niya sa kanyang amo.

Napaka-gwapo ng kanyang amo, kahit pa nga isang simpleng puting V-neck shirt at Khaki pants ang suot nito.

Napansin din niya ang built ng katawan nito. Mayroon itong malapad na balikat, solid na triceps at biceps at napansin niya rin na may malapad itong dibdib na bumabakat sa suot nitong body fit V-neck shirt.

Ipinilig niya ang kanyang ulo sa isiping iyon. "Tiyak namang mas gwapo ang nakabuntis sa akin, ang ama ni Xiana." Wika niya sa kanyang sarili pagkatapos ay pabagsak siyang humiga sa kanyang kama.

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora