Chapter 18

4.2K 104 10
                                    

Chapter 18

KINABUKASAN ay umuwi na rin sila ni Xenon sa bahay nito. Isasama sana nila si Xiana at ang nanay niya, ang kaso ay may pasok ang bata kaya hindi na nila isinama.

Pero hindi naman big deal iyon, dahil nangako sa kanya si Xenon na dadalawin nila madalas ang anak daw nilang dalawa.

"Uhmm..." Mahina siyang napaungol nang taniman ni Xenon ng halik ang kanyang batok.

"Bangon na tayo, may trabaho pa." Sabi niya at ng akmang babangon siya ay hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya.

"Wag muna tayong pumasok ngayon, napagod ako sa pagdadrive at pakikipaglaro kay Xiana..." Sabi nito at isinubsob nito ang mukha sa kanyang batok.

Napangiti siya. Hindi niya kasi akalain na sa maikling panahon ay ganoong kadali nito matatanggap ang kanyang anak. Kaya lubos talaga siyang nagpapasalamat na nakilala niya ito.

"Ano namang gagawin natin ngayong araw kung hindi tayo papasok?" Tanong niya at nang maramdaman niya na humahaplos ang kamay nito sa tuktok ng kanyang dibdib ay hindi niya ito sinita. Dahil gustong-gusto niya ang sensasyon na dulot noon.

"Gagawa ng bata." Tipid nitong tugon at walang sabi-sabi'y kinubabawan siya nito.

"Aba! Loko ka, ah!" Kinurot niya ang kamay nitong humahaplos sa kanyang dibdib.

Mahinang tumawa si Xenon at bumaba ang kamay nito sa kanyang tiyan. "Wala pa ba itong laman? Lagyan na natin sweetheart." Pagkawika nito ay mabilis nitong sinunggaban ang kanyang labi kaya hindi na siya nakapagsalita pa.

Marubdob siya nitong hinalikan at upang mas namnamin pa ang malambot at manamis-namis na labi ng kasintahan ay hinawakan niya ang ulo nito at mas ipinagdildilan pa ang labi nito sa kanyang labi.

"Hmmp!" Daing niya nang maramdaman niyang pumapasok na ang kamay ni Xenon sa loob ng suot niyang panty.

"Hindi pa nadidiligan, basang-basa na agad, ah?" Tudyo nito sa kanya at para tuloy nawala ang libog na kanyang nararamdaman.

Dahil sa inis, itinulak niya ito papalayo sa kanya pagkatapos ay bumangon na siya sa kama.

"Nakakabwisit ka, alam mo ba 'yun?" Naiinis niyang wika. Init na init na kasi siya tapos bigla naman siya nitong inasar. Hayan tuloy, napikon siya.

Lumapit sa kanya si Xenon pagkatapos ay niyakap siya nito mula sa likuran. "Sorry na sweetheart, hindi na kita aasarin.. pwede ko na bang diligan 'yan?"

"Tse! Ewan ko sa'yo."

"Ang init naman nang ulo ng sweetheart ko, nag-iinit na din tuloy ang ulo ko." Sabi nito at naramdaman niya na may matigas na bagay na tumutusok-tusok sa kanyang likod.

"Isang round lang, please?" Pagsusumamo nito sa kanya at ramdam niya pa rin ang naninigas nitong sandata.

"Ewan ko sa'yo, pupunta muna ako ng kusina at magluluto ng pagkain natin." Sabi niya.

Tumulis ang nguso ni Xenon. "Sweetheart naman, eh. Ang damot-damot nito.. parang hindi ako mahal."

"Aba't kailan ka pa natutong mag-inarte, ha?" Tanong niya at hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil sa inaakto ng kanyang kasintahan na ang nais ay magpalambing sa kanya.

"Hindi mo ako mahal." Malamig ang tinig na sabi ni Xenon at bumangon ito sa kama pagkatapos ay lumabas na ng silid.

"Hoy! Nagtatampo ka na sadya ng lagay na 'yan?" Tanong niya dito nang makarating sila sa may kusina.

"Ang damot mo kasi."

"Xenon, naman!"

Inirapan siya ng kanyang kasintahan. "Para isa lang, di mo pa ako mapagbigyan..." Paghihimutok nito.

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Where stories live. Discover now