Chapter 7

4.5K 109 4
                                    

Chapter 7

PABAGSAK na humiga si Asyneth sa kama. Sa sobrang dami ng ipinagawa ng kanyang boss sa kanya ngayon, pakiramdam niya ay nawalan na ng lakas ang buo niyang katawan.

"Putang'na mo kang antipatiko ka! Kung hindi lang talaga malaki pasahod mo--- naku talaga!" Nanggigigil niyang wika.

Ipipikit niya na sana ang kanyang mga mata ng maalala niya na kailangan pa nga pala niyang magluto ng hapunan.

Pagod man, ay bumangon pa rin siya sa kama at lumabas ng kwarto.

"Ohhh!" Kumunot ang noo niya ng pagtapat niya sa kwarto ng amo niya ay nakarinig siya ng ungol mula sa loob noon.

"Nakauwi na pala ang antipatiko?" Mahina niyang wika sa sarili.

"Ohhh!" Dinig niyang ungol muli sa loob ng kwarto.

"Ano kayang nangyayari sa taong iyon?"

Hindi niya na sana papansinin ang kakatwang ungol na iyon. Ngunit naulit ang mga pag-ungol, ng maraming beses.

At naisip niya na baka binabangungot ang kanyang amo.

Natakot siya sa isiping iyon. Dahil kapag nagpatuloy ang masamang panaginip nito ay maaari nito 'yung ikamatay. At pag nagkataon, ay siya ang mapapagbintangan dahil siya lang naman ang kasama nito sa bahay!

Hindi na siya nagdalawang-isip. Pabalibag niyang binuksan ang pinto at halos lumuwa ang kanyang mga mata sa kanyang nasaksihan.

"Ayy! Tokwang hin!ndot!" Naibulalas niya at pinagsisisihan niya na pumasok siya sa loob ng kwarto nito.

Hindi naman kasi ito binabangungot, umuungol ito dahil nakikipagtalik ito sa isang babae na may malapad na balakang!

"What are you doing here Asy?! Your invading my privacy!" Asik nito sa kanya.

"Who is she?" Tanong ng babaeng nakaupo sa ibabaw nito.

Itinakip niya ang kanyang palad sa kanyang mga mata upang hindi niya makita ang kabuuan ng hubad na katawan ng kanyang boss.

"She's my secretary." Dinig niyang sagot nito.

"What? Anong ginagawa ng secretary mo---"

"Beverly, you know how much I hate arguments. Get up and dress up, and then leave my room."

Dinig niyang lumangitngit ang kama. Marahil ay umalis na sa ibabaw ng boss niya ang babae.

"I am not Beverly, X! I am Chamie!"

"Okay, leave my room now. Chuckie."

"I said Chamie!"

"Okay, Champagne."

"Gosh! You are unbelievable, X!" Sabi ng babae at nagpapapadyak itong lumabas ng kwarto.

Napahinga siya ng malalim habang hindi niya pa rin inaalis ang palad sa kanyang mga mata.

"Nabitin ako, ng dahil sa'yo Asy!" Angil nito sa kanya.

Inalis niya na ang palad sa kanyang mga mata at nagpapasalamat siya na disente na ang itsura ngayon ng kanyang boss.

"Sorry, sir."

"Paano na yan ngayon? Edi, magma-mariang palad ako?!"

"Alangan namang tulungan kitang himasin 'yan." Bulong niya sa sarili.

"May sinasabi ka ba, Asy?!"

Umiling-iling siya.

"Oh, eh, ano pang tinatanga-tanga mo na naman? Ipagluto mo ako ng dinner!"

Tumalima siya sa utos nito. Pumunta na kaagad siya sa may kusina at ipinagluto ito ng dinner.

Mabuti na lamang at naabutan niya pang bukas ang palengke kanina kahit na alas-sais na ng hapon. Dahil kung hindi, malamang ay processed food na naman ang kanyang iniluluto.

"Anong niluluto mo?"

"Ay tit!ng matigas!" Naibulalas niya ng dahil sa gulat ng marinig niya ang boses ng amo niya sa kanyang likuran.

Nakagat niya ang ibabang labi at nagdasal na sana ay hindi naunawaan ng kanyang amo ang sinabi niya.

Ngunit mukhang hindi dininig ng diyos ang kanyang panalangin.

Umikot paharap sa kanya ang amo niya. "What?! You cooked tit!ng matigas? Saan ka bumili niyan? At anong akala mo sa akin? Bakla?!" Angil nito sa kanya.

Natampal niya ang sariling noo. "Sorry sir, expression lang po iyon.. chopsuey po at pritong manok ang niluto ko." Sabi niya at naupo na sa harap ng mesa ang kanyang amo.

"Lumayas ka sa harapan ko, Asy.. nabubwisit ako sa'yo!" Sabi nito habang sumasandok ng chopsuey na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Wala na ba kayong ibang kailangan, sir?"

"Wala na!"

"Okay sir.. so, paano po? Magpapahinga na ako?"

"Oo!"

Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. "Salamat sir."

Akmang maglalakad na siya patungo sa kanyang kwarto ng muli siya nitong tawagin.

"Bakit po sir?"

"Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po."

"Kumain ka muna, bago ka magpahinga." Sabi nito at hindi niya maiwasan ang mapangiti. Naisip niya na, kahit papaano ay may kabutihan rin pala itong taglay.

"Salamat sir." Sabi niya at kumuha siya ng plato pagkatapos ay nilagyan niya iyon ng kanin at ulam.

Mauupo na sana siya sa katapat nitong upuan ng muli itong nagsalita.

"Sinabi ko bang dito ka sa mesa kumain? Doon ka sa malayo sa akin!" Pagtataboy nito sa kanya.

At ngayon ay binabawi niya na ang sinabi niyang may kabutihan itong taglay. Dahil mukhang kamag-anak talaga ito ni Satanas!

Her Indecent Proposal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon