Chapter 43

137 10 0
                                    

Archer

Bawat babae na nabubuhay ngayon ay isa lang ang hinihiling ito ay ang maikasal sa tamang tao. Sa taong tanggap ka kong sino ka. Kahit mabaho man utot mo okay lang dahil yun ang tunay na pagmamahal. Tinatanggap ka kong sino ka talaga. Oo hindi laro ang isang kasal pero kong alam mo naman sa sarili mo mahal mo na talaga siya at siya na talaga why not diba. Ang dating pangarap ko lang noon ay ngayon matutupad na.

Hindi ako ngayon makapaniwala, sa wakas nangyari na ang matagal ko nang hinihiling. Ang maikasal sa lalaking minahal ko at ginawa ko nang mundo ko.  Nakasuot ako ngayon ng isang na pakagandang white gown na gawa sa fabric. Ako mismo ang nag desinyo ng gown ko, kasi gusto ko talaga maging hands on sa lahat ng bagay, pati nga sa bawat ditalyi ng kasal gusto nan doon ako.

Gusto ko maging memorable ang kasal ko dahil minsal ka lang ikasal kaya tinudo ko na talaga ang lahat lahat. Wala na akong paki sa pera na naiwaldas ko at least sa kasal ko naman lahat mapupunta. Nasagil ko nga yun si mama at nakahaw ang mga kamay ko kay mama.

"Archer, hindi ko inaasahan na mangyayari to sayo" wika ni papa.

"Ako ngarin pa akala ko wala ng taong magkakagusto sakin. Pero mali pala ako"

"Archer, lahat ng tao ay manakatakdang partner sa buhay. Pero dipendi nayon kong kailan ibibigay ng panginoon sayo"

"Kagaya kong hindi ko nilakasan ang loob ko na umamin kay papa mo noong high school kami, hindi ko na alam kong na saan na ako ngayon" dugtong pa ni mama.

"Kaya nga Archer, ang saya say namin para sayo dahil na hanap mo na ang taong mamahalin ka at aalagaan ka"

"Ma, Pa, thank you dahil hindi kayo naging balakid sa mga gusto kong gawin sa buhay. Salamat dahil palagi kayong nasa likod"

"Archer, malaki kana at alam na namin na pinalaki ka naming mabuting bata. Kaya sa bawat ginagawa mo may tiwala kami sayo ng mama mo"

"Tama ang papa mo Archer. Kaya nga hinahayaan ka namin na gawin ang mga gusto dahil alam namin na hindi ka naman gagawa ng isang bagay na ikakapahamak mo"

"Thank you talaga dahil kayo ang naging magulang ko. Kahit na palagi kayong out of the courty hindi niyo paren ko pinapabayaan"

"Tama na anak baka magiyakan pa tayo dito sa labas at matangal pa ang mga make up mo" wika pa ni papa.

Dahan dahan na nitong bibukas ang pintu'an ng simbahan at ganon na lang ang kaba ko ng makita ko ang lahat ng tao nakatingin lang sakin. Gusto kong umiyak sa tuwa kaso baka ma bura ang make up ko. Ayoko pa naman maging mukhang dugyot sa kasal ko. Moment ko to kaya e'enjoy ko na lang to.

Nauna nang naglakad ang mga kasama sa kasal at ng napunta na samin ang spotlight doon na nang simula tumonog ang sound na Touch The Sky. Worship song ang na pili kong kanta para sa kasal ko dahil alam na kasama namin ang Panginoon sa lahat ng lalakbayin namin dalawa.

Habang naglalakad kitang kita ko na si Daniel na naghihintay sa harap ng altar. Nakangiti lang ito na para bang excited na siyang makita ako. Hintayin mo lang ako Daniel dahil ma lapit na ako.

Gusto ko na siyang mahawakan at mayakap dahil miss na miss ko na talaga siya. Tatlong araw kaming hindi nagkita dahil malas daw sa kasal kapag nag kita ang babaeng ikakasal at lalaki yun yong kasabihan ng mga matatanda na sinununod na lang namin. Wala naman sigurong mawawala kapag sinonood mo diba.

"Archer, hito na ang araw na pinakahihintay mo"

"Salamat pa"

Inilahad na niya ang mga kamay ko kay Daniel at agad na silang umalis ni mama. Tinignan ko lang si Daniel sa mata at ganon na lang ang saya niya ng makita na niya ako harap harapan.

"I miss you, I miss you , I miss you" tangin na sabi niya.

"I miss you more"

"I miss you too"

"I love you"

Nagsimula na ang ceremony ng kasal. Habang na kikinig sa mga pinagsasabi ni Father bumabalik lahat ng mga ala ala namin ni Daniel , yong mga pinagsamahan namin dalawa. Ang saya lang dahil ang dami na naming problemang pinagdaan pero kinaya namin.

Kahit na minsan ay gusto mo na talagang sumoko pero nan dyan parati si Daniel sa tabi ko para tulongan ako. Ang saya saya ko talaga dahil siya yong minahal ko at hindi ako na punta sa iba. Matapus ang lahat ng mga pinagsasabi ni Father sa wakas dumating na ang pinakahihintay ko.

"Ikaw babaye, do you have anything else to your husband" pagtatanong sakin ni Father.

"Yes, Father"

"Pwedi mo na itong sabihin sa kanya"

"Daniel, matagal ko na tong isinulat at ngayon ko lang mis mo sasabihin ito sayo. Dahil alam kong hito na ang tamang oras para ma rinig mo ito"

Mahal Kita. Nong una kitang makita na mangha ako. Hindi ko alam bakit bigla na lang tumibok ang puso ko. Dati hindi ko alam kong gusto moren ba ako. Kaya nga nilakas ko ang loob ko para ma pansin mo agad ako. Ginawa ko lahat lahat para lang sayo. Kahit na hindi ko alam kong mayroong tayo.Dahil hindi naman ko ma syadong maganda para maging girlfriend mo. Baka nga pagnakita mo ko ituring mo lang akong kaibigan mo.

Ang saya lang dahil kahit anong gawin ko sayo hindi mo parin ako sinusuko'an ang saya saya lang balikan ang mga alaala nating dalawa. Kong saan tayo nang saimula at kong ano na tayo ngayon. Hindi kaman pinana ni kupido para sakin at least gumawa ako ng paraan para lang mapansin mo ko. Thank you dahil hindi mo ko iniwan. Salamat talaga sa lahat lahat. I love you, Daniel.

"Ikaw lalaki, may gusto ka bang sabihin sa magiging asawa mo"

Ngumiti lang ito sabay tango.

"Archer, Alam mo naman na para tayong mga aso't pusa noon. Hindi magkasundo dahil ayoko sayo. Hindi dahil sa naiinis ako pero dahil pala may gusto naren ako noon sayo. Salamat dahil gumawa ka ng paraan para mag cross ang landas nating dalawa. Isa lang ang masasabi ko. Mahal na mahal talaga kita. Hindi ko hahayaan na umiyak ka at masaktan. Palagi akong nasatabi mo kahit na anong mangyari. I love you, Archer."

"Dahil tapus nang magsalita silang dalawa. Ngayon, kong sino man ang gustong tumotol sa kasal nila pwedi nang mag magsalita"

Pagkatapus kong marinig ang huling sinabi ni Father mas lalo kong hinigpitan ang kamay ni Daniel at tinignan siya. Naka ngiti lang ito na para bang hindi kinakabahan.

"Isa.... Dalawa..... Tatlo...."

Habang nagbibilang si Father mas lalo lang bumibis ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kong bakit pero may kutob akong masamang mangyayari ngayon. Pero ayokong isipin yun dahil alam kong kasama ako ni Daniel hindi niya ako iiwan at pababayaan.

"Apat..... Lima..."

Nanatiling tahimik ang lahat ng bigla na lang may tumayong babae mula sa likod at agad kaming na patingin sa kanya ni Daniel.

"Itigil ang kasal. Hindi pweding ma tuloy ang kasal dahil buntis ako at si Daniel ang ama ng dinadala ko. Ako si Jean ang ex ni Daniel na hanggang ngayon minamahal paren niya. Kaya nga nag bunga ang pagmamahal niya sakin"

Agad akong na pabitaw sa mga kamay ni Daniel at doon na nag simulang nagsilabasan ang mga luha ko na dapat mamaya ko pa iyun iiyak.

"Archer, wait magpapaliwanag ako"

"Hindi Daniel, wala kang ipapaliwanag sakin. Gago ka! Akala ko ba minahal mo ko pero ano binuntis mo ang dati mong ex. Sana sinabi mo sakin para hindi na ako naging tanga"

Napahagul-gul na lang ako. Hindi ko na alam kong matatanggap ko pa ba ang mga nangyayari sakin ngayon o hindi. Bakit? Bakit kailangan pang umabot sa ganito. Akala ko ba happy ending na yong storying sinulat ko pero bakit nagkaganito.

"Daniel, bakit mo ginawa sakin to. Minahal naman kita pero bakit"

---

Seducing Daniel Heart - Complete Where stories live. Discover now