Chapter 14

9.9K 398 41
                                    

Chapter 14

Rheabythia's POV

"Ano? Birthday mo ngayon?" gulat na tanong ni Charmion

"Uhmm, opo!" sagot ko

Dahil hindi siya makaface-palm dahil hawak niya ako, nagbuntong hininga nalang siya.

"It's your birthday and I can't even get you a gift!" nakapout niyang Saad

"Haha, it's okay. Piggy back is enough" sagot ko

I already have a wonderful day today (Kase wala si Einz eh). Walang masungit na kontrabida.

"That's not okay!" nakapout paring sagot ni Charmion habang naglalakad

Cute haha.

"I have a present for you princess!" Tumingin kami sa direksyon ni Ruzel at may hawak hawak siyang maliit na bagay.

Iniabot niya sakin yung bagay na yun at napansin kong kulay ginto ito. Wow, ginto ba to? Nadismaya ako nang makitang balot lang pala yung ginto at pagkabukas ko, naglaway ako dahil chocolate ang laman nito.

"Thank you Ruzel. Love ya!" Sabi ko sabay kindat


Napahawak naman sa puso si Ruzel at namula.

"Cute~" Saad nito

Nakita kong bumusangot nanaman ang mukha ni Charmion. Pero anyways, kinain ko na agad yung chocolate at baka manghingi pa siya.

"I'm gonna get you a gift, I swear!" sambit ni Charmion

"Okay, I'll wait for it" nakangiti kong tugon


Nagpatuloy kami sa paglalakad at sa wakas ay nakabalik na ulit kami sa last floor. Pero bakit dito kami magkikita-kita? Hindi ba ito masyadong public para sa meeting place?

"Prince Charmion, I'm afraid that you can't stay with us. You should go back with your room right now." sabi ni Ruzel

Agad na akong ibinaba ni Charmion at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"I'm gonna get your gift now so promise me, you'll wait for it okay?" Sabi niya

"I promise" sabi ko

Ngumiti siya at tumakbo na papalaya. Nang medyo malayo na siya, lumingon siyang ulit at saka kumaway at kinawayan din namin siya ni Ruzel.

Hinawakan ni Ruzel ang kamay ko at naglakad na kami. Pgkatapos ay dirediretso kaming naglakad. Pero, may pader!

"Don't worry princess, just close your eyes" sabi niya

Ipinikit ko ang aking mga mata at humigpit din ang hawak ko sa kaniya. Nagaantay ako ng impact ngunit wala akong naramdaman. Binuksan ko ang aking mga mata at namangha ako dahil nasa ibang kwarto na kami. Ang bawat gilid nito ay may tubig at para bang lumulutang ang lugar na ito. Ito ba ang magic? Ang astig!!

Nakita ko na maraming mga tao ang nandoon. Nakita ko rin si Marquis Forester na nakangiti at kinakawayan ako. Kinawayan ko din siya pabalik. Ang babait nilang lahat, Sana dito na ako tumira forever, atleast may tunay na nagmamalasakit sa akin.

Gosh! Maybe nandito rin ang mama ko? Waahhh, gaano kaya siya kaganda? Siguro napakaganda niya kaya niya nabihag ang puso ni Einz no? Yieee, I'm so excited na!

Pinaupo ako ni Ruzel sa may gilid at tumayo siya sa likod ko. Nginitian ko ang lahat ng naroon at kita ko sa kanila na naakit sila ng aking charms. Ang kyut ko talaga!

I'm the Emperor's DaughterWhere stories live. Discover now