Chapter 20
"2+4?"
"6"
"Eto mahirap, 17+5?"
"22"
"Arghh!" inis na wika ni Einz
Sa sobrang inis ni Einz ay binato niya yung mga papel sa lugar ni Glenn. Demonyo talaga eh, attitude pa. Tinatanong niyo kung ano ang ginagawa namin ngayon? Well, kanina nagstart na akong turuan ni Einz ng basic math. 1+1 nga ang unang itinanong, bwisit. Ngayon ay naiinis na siyang turuan ako dahil nasasagot ko ng mabilis ang mga tanong niya. At take note, mentally ko lang siya nasasagot oha, feeling ko math genius na ako. Kasalanan ko bang napakadali ng plus?
"How can I teach a student who's already a genius?" tinatamad na wika ni Einz at napa-face palm nalang
Lumapit sa akin si Glenn.
"Well in that case,let me teach your daughter." Sabi ni Glenn at hahawakan niya sana ako ngunit bago pa man mahipo ng balat ko ang kamay niya ay nahampas na ito ni Einz.
"Don't touch my daughter with your filthy hands! Baka mahawaan ng kabobohan mo ang anak ko" inis na wika nito
"You're so mean to me, Your Majesty" naka-pout na wika ni Glenn
"I don't fvcking care. Just stay away if you want to live" pagbabanta ni Einz
Malungkot na naglakad papalayo si Glenn habang nakanguso. Tignan mo ang itsura, mukhang pinaiyak na hito! Umupo na siya sa desk niya.
"What if, you try to question about multiplication or division?" suggested Glenn
Ayown, bet ko rin yan. Medyo mahirap ng konti kapag di mo kabisado ang multiplication table. Pero Keri na yan.
"But she's just a four and half years old kid. How can she solve that?" usal ni Einz
"I'll try it Papa!" nakangiti kong sambit habang nakataas ang kamay ko
Napatingin sa akin si Glenn at Papa. Nagbuntong hininga silang pahero at nagsimulang magsulat si Einz sa isang papel. Mukhang nagaalinlangan pa siya sa mga sinusulat niya. Ibinaba niya na ang panulat at tumingin ng seryoso sa akin. Nginitian ko lamang siya at napahawak naman siya sa mukha niya.
Ang OA naman neto, akala mo naman mababaliw ako kapag sinagutan ko yan. Pero kinakabahan ako sa ipapasolve ni Einz dahil mukhang mahirap.
Napatingin siya kay Glenn at agad naman na tinakpan no Glenn Ang mukha niya ng papel na kita lamang ang kaniyang mga mata.
"Siguraduhin mong okay Kang na magtanong ng multiplication sa isang apat na taon ah! If it didn't work out for good, I will permanently cancel your wedding." pagbabanta ni Einz
What??? Oo nga no, hindi pa pala sila nagpapakasal ng fiancee niya. Ang tagal na nun ah! Ano kayang nangyare? At sino kaya ang malas na mapapangasawa ni Glenn?
Tumungo lamang si Glenn at itinuon na ni Einz ang pansin sakin. Ngumiti lang ako sa kaniya habang inaantay na ibigay yung papel sa akin. Medyo alinlangan pa niyang ibinigay yung papel.
Takte, ano kayang klaseng tanong ito at ganun na lamang ang pagaalinlangan ni Einz? Huminga ako ng malalim at saka tinignan yung papel. Nang nakita ko ang papel ay nanlaki ang mga mata ko.
Punyeta, 3x2? Akala ko naman napakahirap. Jusmiyomarimar! Di ko alam kung anong nasa isip ng Papa ko at natatakot sa wala. Hindi na ako nagabalang sumulat pa at agad ko nalang na sinabi yung sagot.
"6" sagot ko
Gulat siyang napatingin sa direksyon ko. Napansin kong akala niya ay matatagalan ako sa pagsagit kaya naman binuklat niya ang mga dokumentong dapat gagawin niya.
BINABASA MO ANG
I'm the Emperor's Daughter
RomanceA highschooler time traveled into a novel called "The Pauper's fairytale" and lived in a kingdom named Pierro. She was a princess but her father, the Emperor doesn't liked her. In the novel, she was destined to be killed by her own father. With her...