Chapter 23

39.8K 1.3K 120
                                    

Dedicated to: @Rozielaaa04

___
Heresa

His Words

Iginaya ako ni Conrad sa loob ng napakalaking mansyon na pagmamay-ari daw ng kanyang mga magulang. Ibig sabihin ay kanila ang mansyon na ito. Ayoko sanang sumama sa kanya dito dahil nahihiya ako at naiilang dahil ipakilala daw niya ako sa kanyang pamilya. Pilit ko siyang kinakausap pero tumututol siya at nagbanta pa na kapag hindi daw ako sumama sa kanya ay magbaback-out siyang tulungan akong mailigtas ang mga bata doon sa Underground Mafia. Kaya napilitan akong sumama dito sa kanya.

Nakakalula ang ganda at ang mga kagamitan dito sa loob. Pati ang mataas na hagdan ay ganun din. Mapapansin mo agad ang karangyaan ng pamilya.

"Sandali lang Sweetie, sasagutin ko lang itong tawag." Napatango ako sa kanya bago niya ako iniwan at nagtungo muli sa labas. Parang importante ang kanyang kausap at ayaw iparinig sakin. Bigla ko naman naalala ang nangyari kanina. Ilang beses na naman akong naging marupok at pinagbigyan bawat naisin niya. Wala man lang akong pagtutol at pagsisisi. Sapagkat binigay ko ng buo ang aking sarili sa taong iniibig ko. Sa lalaking nagpapatibok nitong puso ko. Sa lalaking malayong malayo ang estado ng aming buhay.

Napahinga ako ng malalim bago nagbalik ang paningin ko sa paligid. Bawat kasangkapan ay maayos na nakadisplay sa tamang lugar. Natuon ang paningin ko sa isang malaking kwadro na nakasabit sa dingding kaya lumapit ako doon.

May nakaupo na isang magandang babae na may mahabang buhok at parang anghel ang kanyang mukha. Nakangiti siya na lalong nagbigay ganda sa maamo niyang mukha. Nakaakbay sa kanya ang nakatayong makisig na lalaki na kinalaki ng aking mga mata pagkakita ko sa mukha ng lalaki. Kahawig niya kasi si Conrad at parang si Conrad talaga ang tinitingnan ko.

Mga magulang niya kaya sila?

Napadako pa ang paningin ko sa mga kwadro na nakadisplay din sa dingding at ganun nalang din ang pag-awang ng aking bibig ng makita ang mukha ng apat na mga bata hanggang sa sila ay magbinata. Pawang mga seryoso ang kanilang mga mukha at kahawig nila ang lalaki na iyong umaakbay sa babae.

S-sino ba sila?

Naguguluhan kong tanong sa aking isip dahil silang apat ay magkamukha pero kapag suriin mong maigi ay may kanya kanya silang personalidad.

"Nakita mo na pala ang pamilya ko sa larawan. Hhmm." Napapitlag ako ng may yumakap sa likod ko at naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko. Napapaso na naman ako sa mainit niyang katawan na nadadama ko.

"C-conrad.. lumayo ka nga sakin!" Muntik na akong napaungol nang magsimula na naman maglumikot ang kanyang mga kamay sa katawan ko kaya pilit na akong napalayo sa kanya na kinangisi niya ng malapad. Habang ako ay namumula sa hiya kaya napaiwas ako ng tingin. Alam ko kasi kung saan iyon pupunta kung hindi ko siya pipigilan.

"Relax lang Sweetie masyado ka naman natetense. Nga pala sina Mom at Dad iyan sa picture. Iyan sa baba ay mga kapatid ko. Quadruplets kami." Quadruplets? Ibig sabihin ay magkakambal silang apat kaya pareho ang mga mukha nila?

"Kaya pala magkamukha kayong apat." Tumango tango siyang nakatitig sakin habang hindi mawala ang ngisi niya.

"Pwede mo bang ituro kung nasaan ako diyan nung bata pa ako, Sweetie?" Napakunot ang noo ko sa kanyang sinabi at kita ko ang mapanukso niyang ngiti.

"Bakit ko naman gagawin iyon?" Baka pinagloloko lang ako ng lalaking ito.

"Basta." Tinitigan ko siya na nanatiling nakatayo at tinitingnan din ako. Inirapan ko nalang siya bago tinuro sa picture ang batang nakataas ang kilay at nakasuot ng kulay bughaw na tuxedo. Kahit nung bata pa siya ay walang pinagbago ang kanyang mukha. Nakatitig ng kakaiba at nakakatakot na parang tatayuan ka ng balahibo. Hindi din nagbabago ang taglay niyang kagwapuhan.

Hunstman Series #:3- The Street Fighter DevilWhere stories live. Discover now