Chapter 30

34.4K 1K 89
                                    

Conrad

Still Unconscious

"S-sorry, Conrad! H-hindi ko sinasadyang itulak siya sa hukay! Nandilim lang nun ang paningin ko at nagselos-"

"You fucking bitch!" Madiin na tumama ang isa kong palad sa mukha nito. Sabay haklit sa leeg nito. Gulat at takot ang rumehistro sa mukha nito. Ibinuhos ko ang galit sa babaeng ito na siyang dahilan na muntik ng pagkawala sakin ng mag-ina ko at hindi ko hahayaan na maulit pa iyon.

"A-ack! Conrad! T-tama na nasasaktan ako!" Hawak hawak nito ang kamay ko at pilit kinakalas. Mas lalo iyon humigpit.

"Sasaktan talaga kita dahil sa ginawa mo sa mag-ina ko! Hayop ka papatayin kita!" Kung hindi lang tumunog ang cellphone ko ay tinuluyan ko na ang babaeng ito.

Si Dad ang tumatawag.

"Yes, Dad?"

"Where are you, Son?"

"Why?"

"Pumunta ka dito kailangan na'tin mag-usap." Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.

"For what, Dad?"

"Basta pumunta ka dito."

"Okay."

Binalingan ko si Lucela na sapo ang mukha at leeg at kita ko ang naiwan bakas ng aking kamay.

"Pasalamat kang buhay ka pa-"

"Mahal kita Conrad! Mahal na mahal! Kahit katiting ba wala ka man lang nararamdaman sakin? Sabi mo noon pakakasalan mo ako at tanging ako lang! Diba sabi mo pa noon na mahal mo ako? Bakit nag-iba ka!? Bumalik na ako at matutuloy na ang kasal na'tin! Matutuloy na ang pangako na'tin sa isa't isa!" Hiyaw nitong sumbat sakin. Dinuro duro pa ako sa dibdib. "Saan na ang pinangako mo sakin!?"

Marahas ko itong inilayo sakin.

"Hindi mo ba alam ang salitang bata, musmos ang pag-iisip? Noon iyon nagbago na ngayon. Malalaki na tayo Lucela at malawak ang pag-iisip. Hindi kita mahal at mayroon nang nagmamay-ari ng puso ko. Isa pa biro ko lang iyon upang tumahan ka." Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sakin. Masasabi kong malapit nga kami noong mga bata pa pero kapatid lang ang turing ko nun sa kanya. Lahat ng sabihin niya sakin ay binibigay ko upang sumaya lang ito. Kapag may umaaligid o nagpapaiyak na mga lalaki sa kanya ay binubugbog ko. Binatilyo pa ako nun. Lahat ng sekreto o gawin nito ay sinasabi sakin pwera lang ang damdamin nito para sakin na tinotoo pala. Akala ko ay lilipas lang iyon pero lumala lang. Kaya din siguro pinanghawakan nito ang sinabi ko noon. Kahit kailan ay wala akong pagtingin dito maliban sa tinuturing na kapatid. Dahil family friend namin ang pamilya nila.

"Ang babae bang iyon? Mas magaling ba siya sa kama kaysa sakin ha!? Ang babaeng iyon na malandi at hampas lupa!"

"Lucela!" Akma ko na muli itong sasampalin ng may inilabas itong kutsilyo at itinutok nito iyon sa kanyang leeg.

"Sige! Magpapakamatay ako! Wala naman akong silbi sayo kaya mabuti pang kitilin ko ang buhay ko!" Idiniin nito lalo ang kutsilyo sa leeg na kinamura ko at bahala.

"Lucela! Bitawan mo 'yan! Nababaliw ka na!"

"I'm not crazy! Gusto ko lang naman ang pagmamahal mo, Conrad! Ako nalang ang mahalin mo please?" Humina ang boses nito at nagsusumamo. Lumapit ako at mabilis na kinuha ang kutsilyo. Nagulat ito at akmang kukunin sakin nang bigla ko siyang hawakan sa kamay ng mahigpit. Umiiyak itong gustong kumalas sakin.

Hunstman Series #:3- The Street Fighter DevilWhere stories live. Discover now