Chapter 24

40.9K 1.1K 78
                                    

Dedicated to: @dark_jimjim

___
Heresa

Conrad's Family

M-mahal ako ni Conrad?

Mahal ako ni Conrad!?

"Conrad, anak ko!"

Natauhan ako at napabalik sa aking sarili nang makarinig ng matinis na boses ng isang babae. Napakurap ako ng makita ang isang ginang na sobrang ganda at parang anghel ang kanyang mukha. Nagpalipat lipat ang kanyang tingin samin ni Conrad na nakatitig naman sakin. Napayuko ako at napahawak sakin mga kamay nang tuluyan makalapit ang Ginang kay Conrad sabay yakap nito sa kanya.

"Anak ko namiss ka ni Mommy!" Kita kong pinaghahalikan nito sa mukha si Conrad na panay ang suway sa Ginang. Mommy niya pala ito. Mas maganda pa pala siya sa personal at kahit may edad na ay hindi iyon mahahalata. Maganda parin ang kanyang balat at pangangatawan.

"Mom, that's enough!" Kita ko ang naiinis nang boses ni Conrad na kinatigil naman ng kanyang Ina. Sa akin naman napadako ang kanyang mga mata. Mga mata niyang may ningning habang nakangiti sakin.

"Siya na ba ang sinasabi mo sakin, anak?" Sinulyapan niya saglit si Conrad bago bumalik ang tingin niya sakin.

"Yes Mom. She's Heresa, my girlfriend." Natigilan ako at natigalgal sa pahayag na iyon ni Conrad. Kunot noo ko siyang tiningnan at nagtatanong ang aking mga mata. Kita ko naman na nginisihan lang niya ako kaya lalong kumunot ang noo ko.

"H-hindi po—" Hindi ko na naituloy ang pagtutol ko nang mabilis akong napuntahan ng kanyang ina at niyakap. Napatuod ako at hindi nakakilos habang yakap ako ng kanyang Ina. Ramdam ko sa yakap nito ang pagkagalak at pakiramdam ko ay kayakap ko ang isang mapagmahal na Ina. At ang pagmamahal na iyon ay hindi ko naranasan sa tunay kong Ina. Sa halip na pagmamahal ang ibigay niya sakin ay pananakit ang naaabot ko.

"Iha, bakit ka umiiyak?" Natigilan ako nang maramdaman ang kamay niyang pinunasan ang mga luha kong kumawala sakin ng hindi ko namamalayan. Kapag naalala ko ang magulang ko ay nasasaktan ako. Mula nang kinupkop ako ng Center ay hindi na'ko nakadalaw samin. Pero sigurado akong hindi naman nila ako hinahanap o kailangan. Mas uunahin pa nila ang sugal kaysa sakin.

Umiling ako sa Ginang at kita ko ang malamlam niyang mga tingin. Alam kong isa siyang mabait at mapagmahal na Ina. Makikita at ramdam iyon sa katauhan niya.

Magsasalita na sana ako ng makarinig kami ng matinis na iyak ng sanggol. Sabay kaming napatingin sa hagdan nang bumaba ang isa pang Ginang na may kalong na sanggol na umiiyak. Kasunod nito ang isa naman may edad nang Ginoo pero matikas at may maganda parin pangangatawan. May kalong din itong sanggol na tahimik naman habang pinagmamasdan nito.

Agad akong kinabahan nang mag-angat ito ng tingin at dumako iyon sakin. Nakatitig sakin ang mga mata nitong puno ng panganib. Hindi ako nakakilos at natuod sa kinatatayuan ko. Nakakatakot ang presensya nito at kahawig niya si Conrad. Mahahalata kung kanino sila nagmana.

"Relax, si Daddy lang 'yan." Bulong ni Conrad sa tenga ko na kinapitlag ko sa gulat. Hinapit pa niya ako sa beywang na kinamula ko sa hiya dahil nakatingin na sila samin. Lihim kong sinamaan ng tingin si Conrad bago napayuko at bumati sa kanila.

"M-magandang umaga po." Pag-angat ko ng aking tingin ay kita kong tinanguan ako ng Ginoo.

"Magandang umaga din sayo, Iha. Pasensya na sa istorbo kung malakas ang iyak nitong si Cornick. Ayaw kasi dumede." Nakangiting umiling ako.

"Tahan na apo ko nandito si Lola." Lumapit ang Mommy ni Conrad sa Ginang at inaalo nito ang sanggol pero lalo lang lumakas ang iyak nito.

Kusa na akong lumapit sa kanila at pinagmasdan ang gwapong sanggol na lalaki. Kahawig nito si Conrad pati nadin ang sanggol na kalong naman ng Ama niya. Malamang ay anak sila ng isa sa mga kapatid ni Conrad.

Hunstman Series #:3- The Street Fighter DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon