Chapter 33

30.6K 891 19
                                    

Heresa

Unknown Place

Kasabay ng paggalaw ng aking kamay ay ang pagmulat ng aking mga mata pero agad iyon pumikit ng masilaw sa liwanag. Nang makaya na iyon ng aking paningin ay dahan dahan ko iyon iminulat. Napakurap ako at inilibot sakin paligid. Nakahiga ako dito sa hindi pamilyar na silid na walang gamit at luma nadin ang mga pintura ng pader pati itong hinihigaan kong katre na mayroon manipis na kutson at isang unan. Tanging isang bintana lang din ang mayroon na may sira na ang jellosy pero may nakaharang naman na bakal.

Nasaan ako?

Ang huli kong naalala ay naghahanap kami ng mga bandila. Humiwalay ako at nakita ko nalang nahulog ako sa isang hukay at— Dinugo ako!

Agad kong dinama ang aking tiyan at pinakiramdaman kong may buhay pa ba, napahinga naman ako ng maluwag ng maramdaman kong may pulso pa. Pero agad din sumiklab ang galit ko kay Lucela ng maalala ang kanyang ginawa. Siya ang dahilan kung bakit nahulog ako at muntik pang mawala itong anak ko sakin. Buti nalang at ligtas siya at hindi napahamak. Pero sino kaya ang nagligtas sakin? Masukal na ang bahaging iyon at hindi mapapansin na may hukay doon. Pero kung sino man siya ay tatanawin kong malaking utang na loob iyon sa kanya. Niligtas niya ang buhay namin ng anak ko.

Muling napalibot ang tingin ko sa paligid bago maingat na bumangon at umalis ng higaan. Lumakad ako at binuksan ang isang pinto. Bumukas iyon at bumungad sakin ang banyo na tuyo at mukhang matagal nang hindi nagagamit. Sinara ko iyon at pinuntahan ang isa pang pinto. Hinawakan ko ang seradura at binuksan pero nakalock ang pinto. Mariin ko iyon binalibag pero ayaw talaga mabuksan. Kinabahan ako at kinalampag ang pinto.

"H-hello! May tao po ba diyan!?" Ilang tawag ako sa ganoon pero walang may sumasabat sakin. Pakiramdam ko ay walang tao sa labas. Umalis ako ng pinto at tiningnan naman ang bintana. Binuksan ko iyon at napatingin sa labas. Kita kong tanghali na at pansin kong nandito ako sa mataas na bahagi ng bahay. May nakikita din akong dalampasigan at malawak na kagubatan sa unahan.

"N-nasaan ako?" Mahina kong sambit dahil hindi ko alam ang lugar na ito. Parang nandito ako sa isang lugar na malayo sa kabahayan dahil wala akong nakita na mga bahay at puro puno lang ang natatanaw ko. Para bang isa itong isla.

Sino naman ang nagdala sakin dito at anong ginagawa ko sa lugar na ito?

Kinabahan ako na hindi ko mawari. Muli kong sinubukan buksan ang pinto pero nakalock talaga.

"Hello! May tao ba diyan!?" Ilang ulit ko iyon hinihiyaw nagbabasakaling may taong nakakarinig sakin at matulungan akong makalabas dito pero muli lang akong nabigo. Masakit narin ang lalamunan ko kakasigaw. "Pakiusap po, tulungan niyo ako dito!" Pati pinto ay kinalampag ko para makagawa ng ingay pero wala padin silbi. Hindi ko namalayan tumutulo na ang mga luha ko kasabay ng pagdausdos ko sa sahig dahil pinanghihinaan na ako ng loob isama pang nauuhaw ako. Napahawak ako sakin tiyan at hinaplos iyon. Ligtas nga kaming dalawa pero nasaan naman kami? Sino ang nagdala sakin dito?

Ang dami kong tanong sa nangyayari sakin ngayon at sumasakit ang utak ko.

Pinahid ko ang mga luha bago tumayo at nagpunta ng kama. Humiga ako para pahingahin ang sarili at hindi ko namalayan nakaidlip ako. Nagising lang ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong napabangon at tiningnan iyon. Natigilan ako ng pumasok ang isang lalaki na hindi ko kilala. Mataas ito at moreno ang balat. Nakasuot ito ng gray na t-shirt at pantalon. Makisig ito at may seryosong mukha habang nakatitig sakin. May dala din itong isang tray na may laman na pagkain. Tumayo ako at agad itong nilapitan.

"S-sino ka?" Tanong ko dito na seryoso parin ang mukha. Hindi naman ako nakaramdam ng takot sa presensya nito.

"Dinalhan kita ng pagkain. Kumain ka." Hindi ako nito pinansin sa halip ay dinaanan lang ako at nilapag sa kama ang tray. Nakatayo lang ako dito habang tinitigan ang lalaking nakatalikod sakin. Bigla kong naalala si Conrad. Alam kaya niya ang nangyari sakin? Siguro ay hindi dahil busy siya kay Lucela. Ang babaeng masama ang budhi.

Napakurap ako ng mapalingon sakin ang lalaki. May itsura ito at maganda ang pangangatawan pero mas makisig parin sakin si Conrad. Mas matangkad din si Conrad kaysa dito. Ang kanyang mga mata na kung tumitig sakin ay pinaghihinaan na ako ng katawan. Habang ang lalaking ito ay seryoso din ang titig pero hindi man lang ako natinag.

Sino kaya ang lalaking ito? Siya ba ang may-ari ng bahay na ito?

"Tutunganga ka lang ba diyan?   Kumain ka at huwag mo akong titigan." Pasuplado nitong sita na agad ko naman sinunod. Masungit pala ang lalaking ito.

Naupo ako ng kama at pagkakita sa pagkain ay nagutom ako kaya agad ko iyon kinain. Napadighay ako ng hindi sinasadya ng matapos kong kumain. Sobrang sarap kasi ng pagkain at mainit pa kaya nakatulong iyon sa ginhawa kong pakiramdam at napawi din ang pagka-uhaw ko.

"Tsk." Napatingin ako sa lalaki na kinahiya ko bigla. Nakatingin ito pero seryoso parin ang mukha.

"S-sorry." Hingi kong paumanhin at tipid na ngumiti.

Wala itong reaksyon na kinuha ang tray at nagtungo ng pinto. Maagap ko naman itong pinigilan sa braso na kinatingin nito doon kaya agad kong nakuha ang kamay.

"What?" Nakakunot din ang mga noo nito.

"P-pwede na ba akong umalis? Baka hinahanap na ako sa Center." Wala itong reaksyon na iniwan ako at akma din lalabas ng pinto pero naisara na nito ng mabilis ang pinto. Kinalampag ko iyon. "Sandali! Buksan mo ang pinto, Mister! Kailangan ko nang bumalik sa Center!" Rinig ko ang papalayo nitong yabag na nagpatigil sakin. Nanghihinang napasandal ang mukha ko sa pinto. Akala ko matutulungan ako nitong makalabas sa lugar na ito dahil sa pinakain ako nito kahit hindi naman niya ako kilala. Pinakain lang ba niya ako upang ikulong muli dito? Anong karapatan niyang ikulong ako dito? Huh! Ang sama pala ng lalaking iyon!

MULI akong nakatulog at paggising ko ay agad akong napatakbo ng banyo at nagsusuka doon. Nang matapos ako ay nagmumog ako ng tubig bago napatingin sa maliit na salamin pero napatigil ako ng makita ang anino ng lalaki sa likod ko na nakatitig sakin. Agad akong napaharap dito. Bago na ang suot nito at mukhang bagong paligo lang.

"Are you okay?" Nagkibit balikat lang ako bago tumalikod at naghugas ng kamay. Kung nag-aalala ito sakin edi tinulungan niya sana akong makaalis dito hindi iyong ikulong ako dito na wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. Ang totoo din ay masama talaga ang pakiramdam ko. Siguro ay dala ito ng aking pagbubuntis.

Maya maya ay narinig ko ang malalim nitong paghinga.

"I brought you food and personal needs." Pagkasabi nito nun ay umalis nadin ito ng silid. Napabuntong hininga ako bago lumabas ng banyo. Kita ko ngang may nakapatong na tray sa kama na may umuusok pang pagkain at mga paper bags. Nilapitan ko iyon at tiningnan ang laman. Agad namula ang mukha ko ng makita ang laman ng unang bag. Underwear at bra kasi iyon. Ang ikalawa ay maternity dress at ang huli ay mga personal na gamit.

Balak pa talaga akong ikulong ng lalaking iyon dito!? Huh! Hindi ako makakapayag!

Wala siyang karapatan na ikulong ako dito ng matagal. Wala akong kasalanan.

Napaupo ako ng kama ng makaramdam ng hilo. Napahaplos ako sakin tiyan dahil sa mga iniisip ko ay pati anak ko nadamay.

Sorry anak, gagawa ako ng paraan upang makatakas tayo dito. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo.

Kumain ako at naligo para mapreskuhan ang katawan ko. Buong araw ay wala akong ginagawa sa silid na ito. Tanging paghiga lang ang nagagawa ko dito. Masakit na ang katawan ko kakahiga. Ang lalaki naman iyon ay pumapasok lang dito kapag dinadalhan na ako ng pagkain. Nagmamakaawa akong paalisin na dito pero hindi ako nito pinapansin na agad lalabas ng silid. Pero hindi ako susuko. Maraming paraan para matakasan ang lalaking iyon. Kailangan ko sigurong kunin muna ang loob nito nang sa ganun ay papayag din ito. Alam kong mabait naman ang lalaking iyon dahil hindi talaga ako nakaramdam ng takot dito kahit estranghero ito sakin. Sana nga lang matulungan ako nitong makaalis dito.

Conrad..

Sambit ng aking isip bago ako kinain ng aking ulirat.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Hunstman Series #:3- The Street Fighter DevilTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang