Chapter 25

36.5K 1K 30
                                    

Heresa

Can't Understand His Feelings

Wala akong imik habang nakatanaw lang sa labas ng bintana. Ganun din si Conrad na seryoso at nakatuon ang pansin sa pagmamaneho. Alam ko kung bakit siya tahimik.

Hindi ko kasi napagbigyan ang gusto niya kagabi na hihirit pa sakin. Nagtangka siyang maangkin ako pero hindi ako pumayag at nagalit ako sa ginawa niya. Kaya ayon lumabas siyang nagdadabog sa sarili niyang silid. Medyo lasing  din siya noon kaya siguro malakas ang tama at pati katawan niya ay tinamaan din.

Malakas pa naman ang resistensya ng taong nakainom.

Nagiging wild kumbaga at parang nakashabu.

Naiwan ako nun sa silid niya kaya napilitan akong doon nalang matulog. Nahihiya kasi akong lumabas at sabihin kay Tita Erinmay na sa iba nalang ako mahiga.

Sobrang laki nun ng kanyang silid at lalaking lalaki ang disenyo.

Inamoy at niyakap ko nalang ang kanyang unan at kumot kahit papano ay katabi ko siyang matulog.

Sabihin nang makapal ako pero tinamaan talaga ako kay Conrad at mahal na mahal.

Siguro ginayuma ako ni Conrad?

Napakurap ako nang maisip iyon.

Lakas kasi ng tama. Matapang din siguro ang ginamit niyang mga posyun para mahulog ako.

Kaninang umaga nga ay hindi ako pinansin. Galit talaga siya at wala sa mood.

May pasabi sabi pang mahal na mahal daw niya ako, eh bakit nagalit siya at nagtampo sakin?

Biro lang ba iyon?

Hindi mo kasi pinakain, Heresa!

Napakagat ako ng aking dila sa isipin iyon.

"What is it?" Napalinga ako sa kanya ng magsalita siya. May kausap pala siya sa cellphone niya gamit ang headset. Okay, I'll be there." Nag-iwas ako ng tingin nang akma siyang titingin sakin. "May laban ako gusto mo bang sumama?"

Doon na ako napatingin sa kanya. Nakatitigan ko ang mga mata niyang seryosong nakatingin sakin.

"Oo." Iyon lang ang naging sagot ko. Bumaling nadin ang tingin niya sa daan.

Galit nga siya sakin at hindi ako sanay.

Big deal ba iyon sa kanya?

Masakit pa nga ang katawan ko at pati iyon pagkababae ko dahil sa kanyang halimaw—

Napatampal ako bigla sakin bibig at napapikit ng mariin pero sa pagpikit kong iyon ay pumasok sakin balintanaw ang kanyang halimaw na nakatutok sakin.

Jusko po! Patawarin mo po ako sakin kasalanan!

"Heresa, anong nangyayari sayo?"

Napatigil ako nang marinig si halimaw— ay este si Conrad.

Umiling iling ako sa kanya habang nakapikit at takip ko parin ang aking bibig. Ayokong dumilat at tingnan siya baka sa iba dumako ang tingin ko. Dumagdag lalo sa kasalanan ko.

"Are you sure? Namumula ka." Napadilat na ako kasabay ng mabilis na pagpintig ng dibdib ko.

Nakatunghay na kasi siya sakin at ang lapit talaga ng mukha niya. Pati mainit niyang hininga ay nadadama ko na. Nakakunot din ang kanyang noo.

Napasandig tuloy ako sakin upuan at umiwas ng tingin.

Pati ba pamumula ng mukha ko ay nakita pa niya? Nakatakip na nga ang kamay ko sakin bibig. Nakakahiya oras na nalaman niya kung ano ang nasa isip ko kaya namumula ang mukha ko.

Hunstman Series #:3- The Street Fighter DevilTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang