Chapter 10.2

10.2K 129 1
                                    

"NATANDAAN mo ba ang lahat ng sinakyan natin para makarating dito?" tanong ni Megan kay Emman habang papasok sila ng Sweet Coffee Princesses Shop sa Ortigas. Ngayong araw ang first day ng lalaki sa pagtatrabaho.

Tumango si Emman. "May pupuntahan ka ba ngayong araw?" tanong naman nito.

Napangiti si Megan. "Bakit? Gusto mo bang bantayan kita dito ngayon?" biro niya pa.

Napakamot sa ulo ang lalaki subalit hindi naman sumagot.

Inabot niya ang lalaki at inayos ang collar ng uniporme nito – uniporme ng mga staffs ng coffee shop nilang iyon. "Wala akong pupuntahan ngayong araw kaya balak kong mag-stay muna sa shop na ito para makipag-kuwentuhan na rin kay April," humalukipkip siya. "Para mo na akong nanny, alam mo ba 'yon? Pakiramdam ko sasamahan ko ang alaga ko sa unang araw niya sa kindergarten."

Narinig niya ang pagtawa ni Emman. Maya-maya ay ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad. "Hindi mo alam kung gaano kalaki ang pasasalamat ko dahil nananatili ka sa tabi ko hanggang ngayon," napuno na ng kaseryosohan ang tinig nito.

Lumabi si Megan at mabilis na iniiwas ang tingin sa lalaki. She knew her eyes were shaking and she didn't want him to see that. Hinihiling din niya na huwag nitong marinig ang malakas na pintig ng puso.

Ibinaba lamang ni Emman ang mga kamay nang marinig ang pagtikhim mula sa isang tabi. Agad na inayos ni Megan ang pagkakatayo nang makita ang kaibigang si April, pinaglipat pa nito ang tingin sa kanilang dalawa ng lalaki.

"I-Inihatid ko siya dito para... para sa unang araw niya," nauutal na wika ni Megan, hindi magawang salubungin ang tingin ng kaibigan.

"I can see that," sagot naman ni April. "At sa tingin ko ay oras na rin para magsimula sa pagta-trabaho ang bago nating empleyado, 'di ba?"

"Yeah," mabilis na tumango si Megan. "Ikaw na ang bahala sa kanya, April. D-Doon muna ako sa opisina mo, magpapahinga lang din ako dahil... dahil maaga akong nagising."

"Oh, balak mong manatili dito?" namamanghang tanong ng kaibigan.

"Wala naman akong gagawin kaya makikipag-kuwentuhan na lang ako sa'yo," iyon lang at mabilis na siyang naglakad patungo sa opisina doon ni April na malapit sa counter.

Pagkapasok sa loob ay pabagsak siyang naupo sa couch na iyon at paulit-ulit na pinagalitan ang sarili. Wala pa sigurong tatlumpung minuto siyang nakaupo nang makita ang pagpasok ng kaibigang si April.

"Iniwan ko na siya kasama ang ibang staffs," anito bago umupo sa tabi niya. "Hindi pa rin ako makapaniwala na balak mong mag-stay dito ng buong araw para lamang mabantayan ang lalaking 'yon," nagdududa itong tumingin sa kanya. "Alin ka man sa dalawang ito, isang matiyagang nanny or isang possessive na girlfriend."

Napasinghap si Megan. "Wala kaming relasyong dalawa ni Emman," depensa niya.

"Hmm, really?" puno pa rin ng pagdududa ang tingin ni April. "I saw how you stare at each other a while ago. Mahigit isang buwan na rin kayong magkasama sa unit mo, mukhang tama si Raine na—"

"April, pati ba naman ikaw ay nahawaan na rin ng babaeng 'yon?" tukoy niya kay Raine.

Naiiling na napatawa si April. "Bakit ba? Wala namang problema kung magustuhan mo ang lalaking 'yon, ah? Guwapo siya at mukha namang mabuting tao rin."

Humalukipkip na lang si Megan. "Ewan ko sa'yo."

"Well, baka mali nga ako," ani pa nito. "Hindi mo ba gusto ang lalaking 'yon dahil hindi siya katulad ng mga prinsipeng matagal mo nang pinapangarap? Mga prinsipeng nakatira sa isang magandang kastilyo, na nagmula sa isang marangyang pamumuhay at—"

"No," huli na para pigilan ang mga salitang iyon. "I mean, h-hindi naman talaga ako naghahanap ng prinsipeng katulad noon. Kailangan bang maging mayaman ang isang prinsipe para matawag na prinsipe?" Hindi alam ni Megan kung ano ang ibig niyang sabihin. Nababaliw na 'ata siya.

Napangiti si April. "Ano ba ang definition ng prinsipe? It's a son of a sovereign, right? May mataas na status sa lipunan at propesyon. Sa halos lahat ng fairy tales ay ganoon ang mga prinsipe, 'di ba?"

Napatitig si Megan sa kawalan. Tama naman ang kaibigan. She had been fascinated with fairy tales for a very long time. At ninais niyang magkaroon din ng ganoong klase ng kuwento balang-araw. Subalit bakit parang bigla na lang naglaho ang lahat ng iyon simula ng makilala niya si Emman. Bakit parang biglang nagulo ang isipan niya?

"Wala namang problema kung magkagusto ang isang prinsesa sa ordinaryong lalaki," dugtong ni April.

Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. "Alam ko," tugon niya sa mahinang tinig. In her heart, all she wanted was a man who would stay with her for a happily ever after. Wala naman talaga siyang pakialam sa status ng mamahalin niya sa buhay, ang mahalaga ay magagawa siya nitong mahalin, pahalagahan at alagaan.

Tumingin si Megan kay April at nakita ang naglalarong ngiti sa mga labi nito. "Pero hindi ibig sabihin noon ay may relasyon talaga kami ni Emman," patuloy na depensa niya. Iwinagayway niya ang mga kamay sa harap nito. "Huwag na nga nating pag-usapan ang lalaking 'yon." Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil ang malakas na tibok ng puso ko. This kind of beating in her heart was very new to her. It was unfamiliar, yet, she was starting to like it.

[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 3: Megan, The City Lover PrincessWhere stories live. Discover now