Chapter 14.2

9.4K 114 0
                                    

NAKAMASID lamang si Megan habang isinasakbit ni Emman ang bag pack nito sa likod. Kahit nakakaramdam pa rin ng pagkainis ay hinarap niya naman ang lalaki ngayong araw para sa pag-alis nito. Hindi niya gustong ipakita na nalulungkot siya sa desisyon nitong pagsasarili.

"H-Hindi mo ba gustong makita ang apartment na titirhan ko?" narinig niyang tanong ni Emman.

Humugot ng malalim na hininga si Megan bago inabot ang magazine na nasa mesita. "Hindi na muna, pupunta dito si Tessa mamaya dahil kailangan naming pag-usapan ang mga schedule para sa susunod na linggo. Marami akong pagkaka-abalahan sa mga susunod na araw dahil sa trabaho," pagdadahilan niya.

Tumango-tango naman si Emman. "Salamat, Megan, sa lahat ng naitulong mo sa akin. Sa pagpapatuloy mo sa akin sa lugar mong ito. Hindi ko alam kung paano maibabalik ang lahat ng naitulong mo," puno na ng kaseryosohan ang tinig nito.

Napilitan si Megan na muling tingnan ang lalaki at ngitian ito. "Sinabi ko naman sa'yo, 'di ba? Hindi ako tumutulong dahil naghihintay ako ng kapalit. Sapat na sa akin ang makatulong at makitang nagbubunga naman iyon. Look at you," ibinaba niya ang tingin sa magazine dahil sa nagbabantang mga luha. "You can go on your own now."

Humakbang palapit sa kanya si Emman at kinuha ang magazine na hawak. Tiningnan niya ito at nagulat pa nang hilahin siya patayo para yakapin ng buong higpit.

Hindi na napigilan ni Megan ang mapahikbi nang maramdamang muli ang init ng katawan ng lalaki pero agad din niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. She would miss this. She would miss him so much.

Itinaas niya ang mga kamay para gantihan ang yakap ng lalaki subalit agad ding napatigil. Hindi. Hindi na dapat siya gumawa ng mga bagay na mas lalong makakapagpalapit ng damdamin niya dito. Dahan-dahan na lamang na ibinaba ni Megan ang mga kamay at hinintay na lumayo ang lalaki.

Nang makalayo si Emman ay hinaplos naman nito ang buhok niya. "Sana makabisita ka sa apartment ko minsan," hiling nito. "Kaya lang wala pa masyadong kalaman-laman iyon pero pag-iipunan ko ang lahat ng mga pangangailangan ko."

Tumango na lang siya subalit hindi na sumagot. Ilang sandali pang nakatitig lamang sa kanya si Emman bago ito tuluyang nagpaalam. Inihatid naman ito ni Megan hanggang sa labas ng pinto.

Nang tuluyan nang makalayo ang lalaki ay isinara niya na ang pinto at sumandal doon. Pinagmasdan niya ang unit na iyon. It felt so empty kahit na napakarami namang gamit ang naroroon. Bakit ba niya kasi sinanay ang sarili na kasama ang lalaking 'yon? Bakit kinalimutan niyang darating ang araw na ito kung saan aalis na ito sa poder niya?

Lumakad si Megan patungo sa sariling kuwarto at naupo sa gilid ng kama. Marahan niyang hinaplos ang kamang iyon kung saan nasanay na siyang matulog katabi si Emman. Naiinis siya sa sarili dahil sa kawalang nararamdaman.

Nahiga siya sa kama at tumitig na lamang sa kisame. She was used to this life back then – kung saan mag-isa lang siya sa loob ng unit na ito. Bakit ngayon ay parang nagbago na iyon? Bakit ba siya nalulungkot ng ganito? She was so lonely without that man even for just a few minutes. Ano pa kayang mangyayari sa kanya ngayong mag-isa na naman siya?

Napabalikwas siya ng bangon. Bakit ba siya nagpapaka-depress dahil sa lalaking 'yon? Mukhang ang saya-saya pa nga ng Emman na 'yon dahil magagawa na nitong mabuhay mag-isa sa lugar na ito, dapat maging masaya rin siya. She should stop acting like this. Hindi na siya bata.

Tama. Kailangan niya lang alalahanin kung paano mabuhay nang hindi kasama ang lalaki. At hindi ba mas mabuti na nga ang mapalayo ito para mapag-isip-isip niya kung magpapatuloy pa rin ang nararamdaman niya para dito. Tama, ganoon nga iyon.

[Completed] Sweet Coffee Princesses Book 3: Megan, The City Lover PrincessWhere stories live. Discover now