CHAPTER 8

12.9K 373 40
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 8

CARNASYON MARIA ZEIL'S POV

Sinabi ko kanina kay Bekelou na ako na ang bahala sa sasayawin ko. Pupunta nalang daw ako sa DJ para siya na ang magsasalang sa musika na sasayawin ko.

Lumapit ako sa DJ para sabihin sa kanya ang musika na sasayawin ko. Nakita kong napakunot noo siya. Bakit? May problema ba? Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Seryoso ka ba Miss? Budots?" Naguguluhan nyang saad. Naguluhan din ako sa kanya.

"Seryoso ako Koya. Yan ang sabi ni Bekelou sakin. Bakit koya? May problema ka?"

"Budots ba talaga ang sasayawin mo Miss?" Parang di makapaniwala nyang tanong. Hala bakit di sya naniniwala?

"Sige na nga lang miss, pumunta ka na dun."

Pumunta ako sa stage. May pole doon, ah baka ito ang hahawakan ko pag magsasayaw na ako.

Habang nasa gitna ako di ko masyadong naaninag ang mga tao dahil sa ilaw na nakatutok sakin, pero nakita kong medyo marami rami sila, halos lahat ay mga lalaki. Humawak  ako sa pole. Nagsigawan ang mga tao.

Nang tumugtog na ang musika ay nagsimula na akong sumayaw. Gagalingan ko to dahil baka ma deskaber ako sa TV. Magiging artista na ako!

*Tots tots tots tototootsss*

Umindayog ako. Sinimulan ko nang mag budots.

Humataw ako inindayog ko ang aking katawan. Kailangan kong galingan para ma diskaber ako sa TV. Kung gayon mapapagamot ko na si inay mapapag aral ko na si bunso.

Sumasabay ako sa musika habang naka hawak ang kamay sa semento na sumayaw sayaw, pagkatapos ay humawak ako sa pole at sumasayaw pa din ng budots. Mas iginiling ko ang aking katawan.

*Bang*

Napatigil ang musika ng may malakas na putok kaming nadinig. Hanggang sa mas marami ng putok. Bigla akong kinabahan, sobrang lakas na ng hobbit ng puso ko. Hobbit? Teka di ata hobbit yun. Aah basta yung tibok ng puso. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Alam kong putok ng  baril ang umalingawngaw.

Dali dali akong bumaba sa entablado. Sa pagbaba ko kitang kita ko na ang pangyayari. Napasigaw ako at napadapa. Nagpalalitan sila ng putok ng baril yung gwapong lalaki kanina kitang kita ko ang pagbaril nya sa Chinese na may malaking tiyan.

May nakita rin akong mga porener na nakikipagputukan din. Dahan dahan akong gumapang para pumunta sa exit ng bar. Malapit ito sa lalaking gwapo kanina.

Ng malapit na ako ay dahan dahan akong tumayo para lumabas. Hanggang sa may naramdaman akong may humawak sa leeg ko at may malamig na lumapat sa sentido ko. Nanginig ako sa takot ng mapagtantong baril ito.

"Drop your gun or else I will shoot her!" Galit na galit na saad nong kano na may hawak sakin.

Wahhhh takot na takot na ako kasi alam kong pwede na akong mamatay. At mas napaiyak ako sa isiping mamamatay ako na di naiintindihan ang englis nya!

"Don't involve her in this war Smith! She has nothing to do about it! Let her go!" Parang sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi nila. Wala akong naiintindihan!

Humawak ako sa baril na nakatutok sa ulo ko at nagsalita sa kano.

"Plis Mr. Kano! Plis lit mi yu go! I hab siblengs to fiid. I hab a biri dises  mom! Lit mi go yu please! I am bigging you." Di ko na alam ang pinagsasabi ko basta pinagtagpi tagpi ko nalang ang mga pinagsasabi sa TV. Tumulo ang masaganang luha ko.

Pano kong mamatay ako? Sinong magpapakain kay bunso? Kay inay? Sinong magbabantay sa kanya? Sinong mag aalaga? Sinong magbibigay ng gamot? Wala!

Dahan dahan at nanginginig kong binaba ang baril na hawak ko at humarap sa kano na kasalukuyang nakatitig sakin.

"Plis mr. Kano aym biging yu. Do yo nuw? My mom is had a beri hart ilnis. Hi ay she is berry sik!" Hinawakan ko ang kanyang mukha. Siguro nasa mga bente otso pataas ang kanong ito. Kulay asul ang kanyang mga mata na  nakakabighani talaga.

Pumikit sya nong dumampi ang aking mga kamay sa kanyang pisngi.

"Yu undirtstand mi Mr. Kano? Plis!" Tumango sya.

"I perfectly understand you Miss. I also had a deseased mom I also did everything for her. I also had siblings to feed but they all left me miss. That's the saddest part, my mom died and my siblings, they also died in a mass shooting at their school. Do you feel me?" Tumango ako kahit di ko naiintindihan. Bahala na basta di ko naiintindihan ang pinagsasabi nya. Tango lang ako ng tango. Yung mga masaganang luha ko  kanina ay tumutulo na naman. Mamatay ba akong di naiintindihan ang mga pinagsasabi nya?

Bakit napaka anpair ng mundo!?

Inilagay ko sa balikat nya ang mga kamay ko at mahina itong tinapik.

Nakita kong parang naiiyak na si Mr. Kano baka dahil to englis na pinagsasabi nya? Baka naiiyak siya dahil kinukwento nyang may mga ilang salita syang di naiintindihan sa inglis? Ay teka diba yan ang lengwahe nila?

Mahina Kong pinilig ang ulo ko. Naging bobo na naman ako. Hays Carnasyon.

Tumingin ako sa kanyang mga magagandang mga mata.

"Mr. Kano yur ice" Ice? Ah basta yung mata.

"Yes? My eyes?" Sagot nya.

"Is bery blueberry ocean. Its bery bluer. Is bery betiful but is bery saddining like saddisst? Saddining!" Napalakpak ako dahil sa englis ko! Ang talino ko talaga!

Naguguluhan syang tumingin sakin.

"Huh?" Naguguluhang sagot nya. Hanggang sa may biglang naglagay ng posas sa mga kamay nya. Pilit nya itong tinatanggal.

"Get this thing off me! Let me go!" Nagwawalang saad nya. Nakita kong siya nalang pala ang natira sa mga kasamahan nya kaya nya siguro ako I child abuse.

Child abuse? Hindi ata ahh basta yung kidnap kidnap! Teka hindi din. Hostage! Yun yun! Ang genius genius ko talaga!

Habang pinalabas si Kano at pinasakay sa mobile ay lumapit yung gwapong lalaki kanina. Ngumiti siya sakin at nakipag kamay.

"Maraming salamat, dahil sayo ay nadakip si Smith. Siya ang lider sa isa sa mga prostitusyon ng bansa. Baka pag nagustuhan ka nya ay ibebenta ka nya sa ibang bansa." Napabitaw ako sa kanya. Benta agad? Napahawak ako sa dibdib ko.

Pano kung ibenta nya ako sa mga masasamang tao tapos tatangalin ang atay ko!? Ang puso ko!?

Humawak ako sa gwapong lalaki at hinampas hampas sya.

"Bakit ang sama nya!?"

"Yeah alam ko" Mahina nyang saad habang sinasangga nya ang mga hampas ko.

"Pa'no nya magawang ibenta ang vintage urbans ko!?" Halos napapaiyak na ako. Ang sama nya! Nahuli nya ang mga kamay ko at pinigilan itong hampasin sya.

"What!? Vintage urbans!? What the hell is that!?" Ha? Ang OA vintage urbans lang di pa alam? Ang bobo nya sayang ang gwapo pa naman.

"Hahahahaha kuyang gwapo di mo alam ang englis ng lamang loob? Vintage urbans lang di mo pa alam?" Napatigil sya at napatitig sya sakin ng matagal hanggang sa tumawa sya ng malakas.

"Hahahahahaha baka vital organs? BWAHAHAHAHAHAHA Ang saya hahahahaha vintage urbans daw hahahahahaha"

*********************
Hit it dudes
MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum