CHAPTER 42

11.8K 349 23
                                    

WRITTEN BY
MissteriousGuile

CHAPTER 41

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Hindi ko makalimutan ang pagtatagpo namin kanina sa mall, ang kapal ng mukha n'yang pagsalitaan ako ng ganun.

"Atee! Thank you Iloveyouuuu!" Tumingin ako sa ikalawang palapag ng bahay. Nandoon ang kapatid ko hawak hawak ang mga pinamili ko para sa kanya. Ngumiti na lamang ako at tumango. Lumabas ako sa bahay at pumunta sa likod. Naglakad lakad ako sa likod bahay habang pinipilit magpakatatag.

"Ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'yon! Pinalitan na nga ako agad may gana pang pagsalitaan ako ng ganun! Hah! Ang kapal ng mukha n'ya! His his uhh his faces! Uh it so uhh anus! Yah anus! No one he will want my betiful very licious body!" Galit na galit kong saad habang sinisipa ang kulay itim na dingding.

Nanakit na ang mga paa ko kaya itinukod ko ang kamay ko sa may kulay pulang tuldok sa maitim na dingding. Halos mawalan ako ng malay nang unti-unting nahahati ang maitim na dingding.

Para itong isang p-pintuan para sa isang silid. Dahil sa pagiging mausisa ko, lumunok muna ako ng laway saka pumasok. Bakit may ganito sa bahay ni papa? Ano ito? Nasa kalagitnaan na ako nang may naisip ako. Katulad sa mga napapanood kong ganito sa TV may mga babaeng patay ang nakatambak sa isang abandonadong silid. Naging multo na silang lahat. Nanginginig akong bumalik sa labas.

Pero hindi! Hindi ako duwag! Isa akong maganda, sexy, jowable, may malaking dibdib at pwet, mayaman, makinis na babae! Pero iniwan naman saad ng tinig sa utak ko. Huminga ako ng malamin at pumikit. Kaya mo 'to Carnasyon! Dahan dahan kong tinapak ang mga paa ko sa silid, nasa loob na ako nang tumakbo ulit ako sa labas.

Naman eh! Baka may mga bampira jan!? O kaya mga sirenang masasama!? O baka mga multo!? O mga aswang!? Paano na ako? Paano na kinabukasan ko? Gusto ko pang magka-anak at magkapamilya! Hindi ko pa nararanasan ang langit! Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang ko.

"Hindi ako takot, hindi nga ako natakot sumugal kahit alam kong imposible kasi hindi kami bagay. Pintuan lang 'yan, niloko ako. Walang wala 'yan sa kalingkingan ko. Pagkukumbinse ko sa sarili ko.  Pikit mata akong naglakad sa loob.

Ang dilim dilim ng daan halos wala na akong maaninag. Halos pumutok na sa kaba ang puso ko dahil sa posibleng madatnan ko sa loob. Nang may maaninag akong liwanang, binilisan ko ang mga lakad ko. Napunta ako sa isang silid na unang una mong nakikita pagpunta mo sa liwanag. Doon pala nanggaling ang liwanag. Binuksan ko ang pinto  at napanganga ako dahil ang daming computer sa loob.

Mga CCTV sa iba't ibang kalye ng village na ito. May mga CCTV din pala sa loob at labas ng bahay. Napalunok ako binilang ko lahat at halos umaabot ng singkwenta ang mga monitors!

Inilibot ko sa loob ang paningin, may nakakuha ng pansin ko. Kulay puti ang pinta ng silid na ito, may isang parang kulay abong pintok na parang nakapormang mga kamay. Kapag titignan mo ito ay hindi ko makikita pero kapag tinitigan mo makikita mong kurteng kamay ito.

Lumapit ako dun at inilagay ang kanan kong kamay, nagkasya. Nahigit ko ang hininga ko nang may isang pinto na naman ang bumukas. Ang dingding na akala ko ay semento ay isa palang pinto para sa isang napakalaking silid. Anong lugar ba ito? Halos mahimatay ako nang mapagtanto kung ako ang mga nakasabit sa itaas.

B-baril, ang daming mga baril mula maliliit hanggang sa malalaki. Nakasabit ito sa kanang bahagi ng dingding, napakarami nito. May isang lamesa sa gilid nito at may laman din itong iba't ibang klase ng g-granada? Tumingin ako sa kaliwa. Mga espada at iba't ibang klaseng kutsilyo at patalim. Ang daming samurai. At sa harap ko naman ay makikita ang isang napaka laking dart board ba tawag nun? Ngunit hindi iba't ibang kulay ang nandoon kundi mga mukha. Iba't ibang mukha, may mga senador, congressman, mayor at halos lahat nito ay may matatalim na kutsilyo ang nakabaon.

"Fuck! Anong ginagawa mo rito!?"

"Wahhhhhh mama! Wag mo po akong patayin! Gusto ko pa maranasan ang langit! Gusto ko pa mabilang ang lahat ng buhok ko! Gusto ko pa bilangin lahat ng bituin at mga buhangin! Gusto ko pa maging isang napakagandang isda! Maawa po kayo huhuhuhu, hindi po ako masarap kaya pakawalan n'yo po ako wahhhhh!" Bigla kong sigaw dahil sa gulat at takot. Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko dahil sa takot, nakapikit na ako habang humarap sa kanya kaya hindi ko nakikita ang mukha n'ya.

"Who are you! What are you doing here! Are you a thief!? Fuck! Get out before I will shot you!" Dumilat ako at kitang kita ko ang taong nasa harap ko. Kinuha n'ya ang cellphone sa bulsa n'ya at may tinawagan.

"Someone is inside our headquarter! Hurry!"

Napaka gwapo nito, maputi katulad ng mga kapatid ko, matangos ang ilong katulad nila, maganda rin ang mga mata nito katulad ng ama namin at napakaganda ng tindig nito. Hanggang balikat n'ya lang ako. Nakatutok sa akin ang isang napakalaking baril.

"Wahhhh mamamatay na ba ako? Papatayin mo na ba ako? Kung oo pwede bang sabihin mo kay nanay na magkikita na kami ni tatay at mahal na mahal ko s'ya. Sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila! Bakit kailangan ngayon mo pa ako papatayin!? Hindi ko pa natitikman ang langit! Hindi ko pa alam kung ano ang lasa ng kahoy! Hindi pa ako nakakakita ng multong kalbo! At pwede ba magtagalog ka! Hindi kita naiintindihan! Mamatay na ba akong hindi kayo naiintindihan ha!?" Iyak ko sa harap n'ya. Bakit ang sama nila!?

"Sino----fuck what are you doing here baby!" Biglang pumasok si kuya Xeno kaya niyakap ko s'ya agad at umiyak sa dibdib n'ya.

Hinaplos naman n'ya ang likod ko.

"Waahhh papatayin n'ya ako!"

"What!? Baby!? Girlfriend mo 'yan!?"

Halos magkasabay namin sabi.

"Hindi n'ya ako girlfriend!"

"Bakit nand'yan 'yan dito!" Sabay ulit naming saad.

"Shut up both of you." Saad ni kuya.

"Alas I'm glad nandito kana, bakit dito ka dumiretso at hindi sa loob?" Napaiwas ang tinatawag n'yang Alas.

"Who's that culprit?"

"Where is he?"

"Fuck! We need to strengthen our security!"

"Alas you're back!"

Nagsidatingan ang mga kuya ko kasama si papa. Mababakas sa mga mukha nila na hinihingal silang pumunta rito.

"Baby, bakit ka umiiyak?" Tanong ni kuya Xeno. Mas yumakap ako kay Kuya Icarus at suminghot.

"She's the trespasser that I'm talking about!" Seryoso at galit na saad ng Alas.

Natahimik ang lahat.

"Bumalik ako dahil akala ko bumalik na si Ammara, hindi ako nagpasabi sa inyo na ngayong araw ang balik ko dahil gusto kong surpresahin si Ammara. Dito ako dumiretso dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling magkita kami ni Ammara at 'yang babaeng 'yan anv madadatnan ko rito? Really? Alam kong alam n'yong ngayon na ang dating ko kaya kumuha kayo ng isang babaeng bayaran at dito n'yo pa dinala!? Serious-----." Malamig na saad

"Shut up Alas! You don't know what you're talking!"

"I know Xeno, diba 'yon ang ginawa n'yo noon? Kaya kami naghiwalay ni Christine dahil pinadalhan mo ako ng babaeng bayaran sa condo akala ko ba okay na tayo? Bakit dinalhan n'yo ulit ako ng isang babaeng bayarang ito? Miss whoever you are-----" May kinuha s'ya sa bulsa n'ya, wallet. Kumuha s'ya ng pera doon at tinapos sa mukha ko kaya ang sakit sakit ng dibdib ko. "Ayan, kunin mo lahat at wag kana magpapakita kasi alam ko namang ang mga pokpok na kagaya n'yo---------" Napatigil s'ya sa kanyang sinabi dahil sa biglaang pagsuntok ni kuya Achilles sa kanya.

"For crying out loud Alas! The girl you keep on insulting is our sister!  That's Ammara! Your long lost twin! S'ya si Ammara ang kakambal mong nawala sa atin!"

Napasinghap ako dahil sa sinabi ni kuya Icarus. Kakambal ko ang lalaking nang insulto sa pagkababae ko?

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now