CHAPTER 39

11.1K 331 22
                                    

WRITTEN BY

MissteriousGuile

CHAPTER 39

CARNASYON MARIA ZIEL'S POV

Magkaharap kaming anim dito sa upuan. Ako ang mag-isang nakaupo sa napakalaking kulay gray na upuan habang silang lima naman sa harap ko.

"Why should we trust you?" Napalingon ako kay Mr. Castomayor na seryosong nagsalita.

"Y-yeah even if you looked like our mother we will not be fool by your looks." Magsasalita na sana ako para sagutin si Xeno nang may nagsalita na naman.

"Are you really our sister or you're just fooling us?"

"Miss if you're fake better run now!"

Sasagot na sana ako nang magsalita na naman si kuya Icarus.

"They're right, once you're fooling us you won't get away with this."

"Bakit hindi ka nagsasalita takot kanang mabuko? B------" Pinutol ko s'ya at tiningnan sila isa isa bago nagsalita.

"Okay na PO ba? Pwede na PO ba akong magsalita? Kanina pa PO kayo." Ngumiti ako ng hilaw at tumango.

"Sa inyo po baka may sasabihin pa kayo sabihin n'yo na po." Tumingin ako kay Xeno na masama ata ang loob sa akin kasi parang binabaon talaga ako eh.

Huminga mula ako ng malalim at nag enhance at exhaust. Yun bang huminga-bunga ng hangin?

"So sabihin mo sa amin, bakit kami maniniwalang ikaw ang nawawalang anak ko?" Seryosong saad ni Mr.Castomayor sa akin.

Ang papa ko. Ngumiti ako sa kanya at sumagot.

"Kasi nagsasabi po ako ng totoo. Alam n'yo po bang kagabi ko lang po nalaman? Kilala n'yo po na si Tatay Andoy? S'ya po ang hardinero n'yo noon at si nanay Pacing po na kasambahay n'yo. S-si tatay Andoy po ang dumukot sa akin at balak sanang patayin kasi napagutusan s'ya ng kaaway n'yo sa negosyo. Gipit na gipit sa pero si tatay Andoy noon kaya nagawa n'ya yun pero nanaig parin ang kabutihan sa puso n'ya. Binuhay n'ya ako, pinalitan n'ya ng bangkay ng ibang patay na batang babae ang katawan ko. Matagal nang patay ang batang pinalit n'ya sa akin kaya hindi n'yo na nakilala. Pinalitan na lamang n'ya ito ng suot ko sa araw na 'yon para maniwala kayong lahat at para hindi narin s'ya habulin ng mga nagpapatay sa akin." Tumigil muna ako. Nakikita kong nakikinig nalaga sila sa akin.

Nagpatuloy ako.

"Binuhay nila ako, minahal at binihisan at kagabi ko lang nalaman ang lahat ng ito." Mahinang saad ko, tumutulo na ang mga luha ko dahil sa nararamdaman.

"Pwedeng pekein ang lahat iha, bigyan mo kami ng dahilan para maniwala kami." Hirap at seryosong saad ng ama namin.

May kinuha ako sa maliit na bag na dala ko. Ang kwintas at mga litrato ko noong bata pa ako. Kinuha ko 'to at pinakita sa kanila.

"I-ito ang kwintas na ibinigay ko noong nag isang taon si Ammara!" Hindi makapaniwalang saad ni Mr.Castomayor at hinawakan ang kwintas ko. Hinalikan n'ya ito at niyakap. Pinagpapasahan naman ng mga kapatid kong lalaki ang mga litrato ko noon. Manghang mangha sila.

"A-anak ko." Biglang sambit ng matandang lalaki kaya naluha ako.

Gusto n'ya akong yakapin kaya lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya di nagtagal na nakiyakap din ang mga kapatid kong lalaki. Nag-iyakan kami dala sa tuwa. Iyak ako nang iyak dahil ang saya saya ko.

"Miss na miss kana namin Princess. Pasensya na hindi ka namin nakilala agad." Tumango lang ako at mas yumakap.

Pagkatapos ng aming madamdaming yakapan ay kumalas na kami sa isat isa at mahinang nagtawanan.

"I'm your kuya Icarus, ako ang pinakamatanda sa inyo. I'm already 25 years old, that's Achilles and Archer they're twins they're already 24 that's your kuya Xeno he's 23 and may isa pa tayong kapatid he's your kuya Alas, he's not here dahil may business trip ito sa China pero babalik agad 'yon lalo na't s'ya ang masyadong ka close noon. He's 23 years old now." Isa isa nila akong niyakap.

Ang sarap pala sa pakiramdaman ng ganito yung masasabi mong pag-aari mo sila kasi sila ang pamilya mo.

"Pero anak, kailangan ka paring kunan ng DNA para sigurado at para walang maghinala kapag ipapakilala na kita sa publiko." Naiintindihan ko naman si p-papa kaya tumango nalang ako.

Pero DNA? Ano yun? Hala yun bang sa BTS!?

"Po? DNA? Yung sa BTS na kanta po? Papuntahin n'yo po akong Korea para makita sila!?" Sobrang saya kong saad sa kanila. Kita ko namang naguguluhan sila sa inasta ko kaya tumahimik nalang ako.

"Sabi ko na nga po tatahimik na." Mahinang saad ko kaya tumawa sila ng mahina.

"So what do you want to eat?" Sunod sunod na nilang tanong sa wikang banyaga

"What's your favorite color?"

"Mga kuya? Pwede po bang requires?" Mahinang saad ko.

Gusto kong humiling sa kanila, diba requires 'yon?

"Huh? Requires? Ano yun?" Naguguluhang saad ni Kuya Icarus, umupo nalang si kuya Xeni na nakangiti sa akin at ang kambal na nakapamulsang nakatitig sa akin.

"Ano ba naman kuya? Humihiling lang hindi mo pa alam? Hehe." Saad ko kaya kumunot noo n'ya at di kalaunan ay biglang tumawa ng malakas.

"HAHAHAHHAHA anong requires? Request 'yon HAHAHHAHA" Napanguso naman ako sa inasta n'ya.

"Oo na nga amp malay ko ba huhu." Kunwaring tampo ko pero tinawanan lang nila ako.

"Pero mga kuya pwede po bang wag kayo mag english? Hindi ko po kasi kayo naiintindihan eh. Mahina po ako pagdating jan."

"That explains why." Mahinang saad ni kuya Xeno na ngayon ay nakapalagay na ata sa akin ang loob.

"Anak pwede bang yakapin mo si papa ulit? Hindi lang ako makapaniwala na buhay ka." Hindi na mapigilan ni papa maging emosyonal. Napaiyak s'ya sa harapan namin.

Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Kamukhang kamukha mo ang iyong ina anak. Ang ganda ganda mo alam mo ba? Kuhang kuha mo ang kanyang kulay pati ang kurba ng kanyang katawan. At ang mga mata mo, kuhang kuha mo sa akin. Noong unang pagkikita natin sa restaurant ay titig na titig ako sa mga mata mo dahil napakapamilyar." Hindi ko mapigilang isipin ang unang pagkikita namin. Pinagtatangol ko pa noon si Axel.

"Magbabayad ang gumawa nito sa atin 'nak, magbabayad sila. Hindi ko sila titigilan hanggang sa umiyak sila ng dugo."

********************
Hit it dudes
—MissteriousGuile

THE BILLIONAIRE'S SLAVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now