Light 15

850 62 12
                                    


Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Conner habang lulan ng kotse. Hindi niya alam ang mararamdaman sa oras na 'yon. Jenna came back. Muntik na itong sabunutan ni Carrie sa restobar kung hindi lang ito napigilan nina Quil at Dori. Nagtitili si Jenna nang bumuhos dito ang cocktail drink mula sa basong hawak ni Carrie. Matindi ang galit nito sa babae. Di lang dahil sa nangyaring gulo sa pagitan ng dalawa noon. Alam niyang nagagalit din ito para sa kanya. Jenna Vee Lazada—isang sikat na modelo sa Pilipinas at Amerika. She was their highschool classmate. Ito ang kauna-unahang babaeng niligawan niya. Naging girlfriend niya ito sa loob ng kalahating taon. But they broke up. Or so to say she dumped him because of a runway contract. Nang mga panahong bukas pa siya sa pagrerebelde, pakiramdam niya ay si Jenna lang ang tanging magandang bagay na nangyari sa buhay niya. But she easily dropped their relationship when she got an offer to Ford. Magiging sagabal daw ang relasyon nila sa pag-abot nito sa sariling pangarap.

"Don't leave..." Conner pleaded the girl. Walang pakialam kahit pa nasasaksihan 'yon ng mga kaibigan niya.

"Conner, maging totoo tayo sa sitwasyon. Malabong may patunguhan ang relasyon natin. Hindi ako nakapasa sa scholarship ng Quantum. My parents can't afford the tuition. At isa pa, nakatali ka kay Carrie. Siya pa rin ang pipiliin ng lolo mo para sa'yo."

"Puwede 'kong iwanan ang Fonseco. I don't even need the title of being an heir. As long as I have you, I don't need anything else..."

Ngumiti sa kanya si Jenna na puno ng pait. "Pero di ako ganoon sa'yo. Hindi lang ikaw ang kailangan ko sa mundong 'to, Conner."

Tila siya natauhan noon sa mga salitang 'yon ni Jenna. Nakita niya ang imahe ng inang si Gilda sa mukha ng kasintahan. He got rejected cause he had never been precious to the lives of anyone. Maybe he was—but not enough. Hindi sapat upang piliing manatili sa tabi niya ang mga taong mahal niya. No one would be going to accept him just as he was. No one was going to stay by his side if he ever abandoned that surname. Kaya naman naging ganoon siya kalamig sa mga taong may motibo sa paglapit sa kanya o sa pamilya nila.

"Conner..."

He turned his head to Dori. Katabi niya ito sa driver's seat. Namumungay ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Kumunot ang noo niya.

"Maganda 'yong girlfriend mo."

Conner frowned. "Sinong hangal ang nagtsismis sa'yo niyan?"

"Ibinulong sa 'kin ni Quil."

Inilisya niya ang mukha at minura ang kaibigan sa isip. "Don't poke your nose onto other's business. At saka di ko na 'yon girlfriend. Ex ang tawag do'n. Kuha mo?" Nang muling balingan niya si Dori ay kumukurap na pinagmamasdan pa rin siya nito. "Bakit?"

"Galit na galit si Carrie."

Again, Conner sighed. Si Quil ang naghatid pauwi sa babae. Si Brandon naman ang umasiste kay Jenna.

"Mahal mo pa ba 'yong Jenna?"

Umangat ang kilay niya at tinitigan si Dori. Kailan pa ito naging madaldal at mapang-usisa? Tila yata tipsy ito sa cocktail drinks na ininom sa restobar. "I'm not oblige to answer your stupid question." Dinuro niya ito sa sentido. Ngunit sa gulat niya ay hinuli nito ang kamay niya at idinikit sa pisngi nito.

"Kung anong ikina-init ng palad mo siya namang ikina-lamig ng ugali mo..." Pumikit ito at lalong dinama ang kamay niya. Mukhang wala nga ito sa sarili. Ilang segundong hindi nakakilos si Conner. Parang tinuklaw siya ng ahas mula sa di pagkakatinag. Kumabog ang dibidib niya at napatda siya. Bigla niyang binawi ang kamay.

City of Fireflies [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt