Light 18

777 57 10
                                    


Hinawakan ni Dori sa magkibilang-balikat ang natulalang si Carrie. "Ano pong ibig sabihin no'n?" pangunglit pa rin nito sa manghuhula.

"Kung ano mismo ang narinig mo. Hindi ko na 'yon mabibigyan pa ng ibang kahulugan. Ang kapalaran ay hindi lamang iisa. Sala-salabat ang daan nito at ang tanging nasisilip ng mga baraha ay base sa kung anong nararamdaman sa kasalukuyan ng nagtatanong dito. Alin lang sa dalawa. Ang baguhin ng nararamdaman mo ang kapalaran o ang kapalaran mismo ang babago sa nararamdaman mo."

Ilang sandali pa ay huminga ng malalim si Carrie bago wala sa sariling tumayo. Inalayayan niya ito. Napansin niyang sa kanya naman nakatutok ang mga mata ng manghuhula.

"Ikaw dalaga? Interesado ka ba? Mahiwaga ang aurang pumapalibot sa'yo," pagturo nito sa kanya. "Ang mga mata mo ay sumasalamin sa kapalarang hindi lamang sa'yo kundi maging ng mga tao sa paligid mo."

"Pasensiya na po. Pero hindi po ako naniniwala sa mga hula," pagtanggi niya.

"Di ito isang hula kundi isang babala mula sa mga tala." Maagap na inialok nito sa kanya ang ilang baraha sa mga kamay nito. "Naniniwala ka sa hiling pero hindi ka naniniwala sa pagkatok ng hinaharap?" Ang tanong na 'yon ang nakapagpatigil kay Dori. Matamang pinagmasdan niya ang ginang. Nakangiti ito na waring nag-aanyaya.

"Why don't you try it?" pagyakag sa kanya ni Carrie. "Nandito na rin lang naman tayo."

"Bumunot ka lang ng isang baraha. Ang barahang 'yon ang magsasabi ng lahat-lahat." Iniumang ng manghuhula ang mga baraha. Walang nagawa si Dori kundi ang mapabuntong-hininga at bumunot ng isa. The fortune-teller revealed the card without ceremonies. It was a well. "Ang balon ng walang hanggang pagnanais. Hindi ko masasabi kung mapalad ka o mapalad ang mga taong nakadaupang-palad mo. Ibibigay nito ang basbas ng dasal at kapangyarihan ng salita. At mangyayari ang mga bagay ayon sa iyong kagustuhan." Iniangat nito ang tingin sa kanya. "Pero isang kahilingan ang kailanman ay hindi nito matutupad."

Kumunot ang noo ni Dori. "Ano po 'yon?"

"Ang kapalaran ng isang taong nagwakas dahil sa pagkikita. Isang talang nawalan ng kinang dahil sa nakaambang katapusan. At isang talang nagliwanag dahil sa pagsisimula ng nakaraan."

"Manang, tagalog naman ang lengguwahe niyo pero bakit ang hirap intindihin? You're just talking in a roundabout way," ani Carrie na naglapag na ng isang libo sa mesa. "Mukhang tama si Quil na nag-aksaya lang tayo ng oras dito. Halika na nga, Dori." Akmang tatalikod na sila nang muling magsalita ang manghuhula.

"Ikaw mismo ang balon, dalaga. At ang balon ay nariyan para lamang sa iba. Wala itong kakayahang humiling para sa sarili. Kung sakaling dumating ang panahong maghahanap ka ng sagot, wala ito sa'yo o sa kahit na sino. Nasa oras ang kapalaran mo. Pero tandaan mo, alin lang sa dalawa. Ang baguhin ng nararamdaman mo ang kapalaran o ang kapalaran mismo ang babago sa nararamdaman mo."

"Tara na," matamlay na paghila sa kanya ni Carrie. Nang makalabas sila ng tolda ay bumuga ito ng hangin sa bibig at ipinaypay ang kamay sa sarili. "Feeling ko na-suffocate ako sa loob. Naniniwala ka ba sa mga pinagsasabi ni Manang? Kung totoong accurate siya, dapat mahaba ang pila dito. Tingnan mo, tayo lang ang nandito."

"Baka natiyempo lang tayo na walang tao. Tama ang hula niya sa'yo tungkol sa love life mo, di ba?"

Sumimangot ito. "Tungkol sa one-sided love ko, oo. Pero 'yong taong may nagmamahal sa'kin ng mas matagal pa kaysa sa record ko, hindi ako kumbinsido."

Natigilan si Dori. Carrie didn't know how Quil feels about her. Kung may ideya man ito base sa mga ipinapakita dito ng binata, marahil ay hindi nito 'yon sineseryoso. Her friend was unsure and confuse like the fortune-teller said.

City of Fireflies [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя